CHAPTER LVI: Alliance

305 33 0
                                    

Preview:

"I am planning on making a new alliance. I want it to be massive and powerful. In which we will live and play this game beyond ordinary."
~ Rage.
---------------------------------------------------------
ALEXANDER'S AMORY POV

Hindi naman sa natatakot ako sa maaaring mangyari pero nanduon pa rin ang pag aalala sa mga manlalaro. Napaisip ako dahil din sa sobrang sikat na ang laro may mga tao pang nag sisimula.

Hindi rin nabanggit ng estranghero kung sino siya? Kung bakit niya alam ang mga bagay na ito.

Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa.

"Prepare a well documented report about *no name* from the staffs, game developers. Players." Utos ko sa butler ko.

"It will be done." Sagot ng nasa kabilang linya. Pag katapos nun ay nakatanggap ako ng text galing kay Alina.

"Nakakain ka na?" Ngumiti ako dahil nag aalala siya.

"Kakatapos lamang." Text ko pabalik.

"Oh. Good buksan mo pinto mo. Nasa harap ako ng apartment mo." Napatayo agad ako ng mabasa ko ang text.

Agad akong pumunta ruon sa pinto at binuksan nga ito. Bumungad saakin ang mukha ni Alina.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at pinapasok siya. Buti na lang pag katapos kong kumain nag linis na ako ng mga sulok-sulok.

"Siyempre, kakamustahin ka. Almost 2 days ka ring nasa game. Kada pag bubukas ko ng game after 3 hrs nakikita kong nag lalaro ka pa rin. Tumataas ang level ng mga players na kasama ko sa game." Tuwang-tuwa siyang ikwinento sa akin ang mga ginawa niya para tumaas ang level ng mga kaibigan niya.

Hindi na siya makapag pa level pa dahil masyado na raw mahirap at malalakas ang mga Boss hindi na siya makaabante.

Ayaw din naman niyang tulungan ko siya. Kaya mag titiwala na lang ako na makasama niya ako kapag gusto na niya.

"Usap-usapan ang Map Level mo Alexander. Nasaan ka na ba?" Tanong ni Alina.

"Sa ngayon si Rage ay nasa Map Level 249 na. Tanaw ko na rin ang pinakahuling mapa." Ngumiti ako sa kanya...

Sa ngayon hindi pa rin alam ni Alina na importante ang battle power.

"Grabe, ang galing mo pala talaga mag laro no? Kasi kung iisipin yung iba naasa lamang sa Alliance nila para makapag pa level up. Hahaha. Mahalaga ring malakas ang alyansa para madali ang pag papataas ng Battle Power." Bilib na bilib si Alina nang banggitin niya sa akin 'yun.

Pero wait Alliance? Ah! Tama kung gusto mo tumaas ang Battle power mas magandang tulungan kayo sa pag patay ng Boss.

Mas marami kami, mas dadali ang pag papalevel.

Napatingin ako kay Alina.

"Gagawa ako ng Alliance." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya.

"Ay 'tas ikaw Leader namin? Ahhh! Excited na ako. Aalis na ako para gawin mo na. Sali ako ah..." Tumayo na si Alina at direderetsong pumunta sa Pinto.

Mamaya namalayan ko na lang na nakaalis na siya, isang tunog sa cellphone ko ang umagaw ng atensyon ko.

Pag kabukas ko ng cellphone ko para malaman kung ano iyon. Isang report ang nadatnan ko

"May sampung milyon trabahador ang *no name*, 195 sa kanila ang nag mamanage sa bawat bansa. Ang mga game developers naman ay mga sikat na manlalaro rin dati sa iba't ibang sikat na laro ngunit ngayon sila'y mga grandmasters sa *No Name* at pinapaganda pa ang laro. Sa mga manlalaro naman araw-araw ay nadadagdagan ng ilang bilyon ang bagong salta ngunit may mga u-unting balita na ang ibang manlalaro raw ay nacocomatose na lamang bigla bigla.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon