Flashback: 6 years ago to present time.
---------------------------------------------------------
ALEXANDER AMORY'S POV
[Check this new VIRTUAL REALITY: NO NAME] Isang advertisement sa TV ang aking nakita.May isang sikat na laro na naman. Matagal kong tinitigan ang balitang iyon at kalaunan ay tinawagan ang butler namin para mabili niya ako ng VR.
Reward ko na siguro 'to sa pagiging Grand Duke ko. Nanalo kami sa labanan sa lupang sasakupan. Maraming buhay ang nawala rito, ang mga inosenteng mamamayan ang nawalan ng tirahan dahil nadadamay sila.
Naayos ang problema sa marahas na paraan. Ito 'yung sinasabi ng iba na may mga 'kabutihan na bunga ng kasamaan na iyong nagawa'.
Sa realidad ba ay makakausap mo pa ba ang kalaban mo? Kung hindi mo siya papatayin, ikaw ang mamamatay. Ganun lamang iyon. Ngunit sa kamatayan ng kalaban nag karoon ng panibagong daan ang iba patungo sa pag babago ng kanilang buhay.
Nadudumihan ang kamay ng isang tao kapag may gusto siyang protektahan.
Kailangan ko nang mag pahinga, hindi biro ang problema rito sa Europe. Umuwi ako sa Pilipinas at duon nag simulang mag laro.
Nung panahong iyon ang pamilyang meron ako ay matagal ng basag. Kaya kung mag iisa ako sa isang apartment at bubukod siguro sa puso ko walang puwang ang kalungkutan.
Ngunit may ganon ba? Kahit yata hindi mo makita magulang mo hahanapin mo pa rin ito dahil ang puso natin ay patuloy na nag hahanap ng mainit na pag tanggap at pag mamahal galing sa ating pamilya.
Ngunit wala akong ganon. Ang Papa ko ay busy sa trabaho at ako naman ay minsan lamang kinikita ng Mama ko. Natuto akong umasa sa sarili kesa sa mga maid at butler na nasa Europe.
Natuto ako mag luto, mag laba, mag plantsa ng sariling damit. Natuto rin ako mag budget para sa pang araw-araw kong pangangailangan, mayaman ako pero hindi ko ginagamit ang pera ng magulang ko.
Dito na nabuo ang pangalang Rage.
Nung una ay para sa akin ang pangalang Rage ay dahil sa galit na nararamdaman ko sa pamilya ko. Sa mga bagay na hindi ko nakukuha.Ang pagmamahal na ninanais ko, ngunit hindi ko natatamasa, habang nakikita ko ang iba na hindi ipinapahalagahan ang meron sila ngayon ay ang pag sisimula kong maniwala na ang unfair ng mundo.
Unang linggong mag isa sa apartment, ang hirap ng pamumuhay, nung makapag laro na ako ng *No Name* duon na uso ang Currency Exchange. Sinong mag aakala na ang libo ko lamang na Gold nuon ay magiging milyon, bilyon at trilyon sa hinaharap.
Wala naman akong trabaho kagaya ng iba, ang tanging ginagawa ko lamang ay ang mag manage ng problema ng nasasakupan kong bansa, ang pakinggan ang daing ng aking mamamayan.
At ang sulusyunan ang problemang kanilang dinaramdam.
Naging VIP ako, nung nakaluwag luwag na at duon ko lang din na enjoy lamang ang paglalaro ko ng *No Name* ngunit 'yun din 'yung huling pera ko na nagastos sa laro.
Tumagal ako ng isang taon sa pag lalaro, nanalo ako sa WORLD DEFENDING BATTLE. Hindi pa ganon kataas ang tingin sa akin ng iba.
Ang taong nabubulag ng inggit ay paniguradong hindi maniniwala na ang lahat ng ito ay aking pinag hirapan.
Lumipas ang isa't kalahating taon, duon na nag simula ang pag kalat ng aking pangalang Rage. Lagi mo dapat babantayan ang TOP 1 RANKING kung ayaw mong maagaw ito ng iba.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...