CHAPTER XIII: I DIDN'T KNOW

863 69 2
                                    

ALEXANDER AMORY'S POV

Time check: 6:00 A.M.

Pag katapos maluto ang almusal namin ni Alina ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa.

Kumain lang kami saglit, walang imikan.

"Musta pinapautos ko saiyo?" Tanong ko kay Alina pag katapos kumain, inutusan ko kasi siyang kuhanan ako ng herbs sa level 150 map. Dahil hindi pa ulit ako nag papa level ay siya na ang ipinadala ko duon.

"Sa game tayo mag kita, 'yung herbs na pinili ko ay nanggaling mismo sa makinis at maputi kong kamay, mano mano kong pinitas ang herbs na gusto mo kamahalan." Ngumiti ito saakin ng naiiritang look.

Tumango ako.

"Mabuti naman. Kamusta yung Heroic Skin? At Heroic flair?" Pag tatanong ko ulit.

"Hindi ko muna sinusuot. Wala ka rin naman duon so bakit ko isusuot tsaka isa pa masyado siyang maganda, mamaya sabihin ng iba ninakaw ko 'yun saiyo o ginayuma kita para makuha yung heroic skin." Napataray pa ito saakin...

"Hmm." Tumango lang ako.

"Anong 'hmm'?" Galit na tanong ni Alina... Mamaya ay parang may natandaan ito at kinuha ang cellphone niya.

"Tignan mo itong Avatar Frame ng Legendary Monarch. Ang gaganda at lahat sila'y gumagalaw pero potek na ba't ang mamahal." Lumapit ako sa tinuturo niya at sumulyap duon sa Avatar Frame.

"Meron ako niyang mga 'yan." Seryoso kong sabi at lumayo na. Totoo talagang meron ako ng mga 'yon dahil ewan ko ba at bakit dati ay nangongolekta ako nong mga 'yun.

Kada avatar frame kasi ay babayaran mo o kaya premyo sa isang event na upang manalo kailangan mo mag recharge ng sandamakmak na pera para sa Gold.

May mga paraan na makakakuha ka ng avatar frame. Every month ay may binibigay silang avatar frame. So kinolekta ko ang 12 avatar frames ng 12 months.
'Tas dahil rin sa nananalo ako ng mga events ay may nakukuha na naman akong avatar frames hanggang sa namalayan ko na lang nakuha ko na pala lahat nung dati pero siyempre dahil sa hindi na ako nag laro ay mukhang may bago na at may kokolektahin na naman ako.

"Tss. The perks of being a VIP player. Madaya naasa sa pera." Reklamo nito at hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Siya rin naman ay isang VIP player.

Nilabas ko ang cellphone ko at ni-load ang Legendary Monarch.

"I have an account na hindi VIP. Kapag malakas ka, malakas ka talaga kahit anong klaseng player ka pa." Ngumisi ako at isinearch ang IGN na Ira.

Matatagpuan ang Ira sa top 3 Rankings sa buong Cross Server Rankings at siya rin lamang ang natatanging VIP 0 na player sa laro na kasama sa CS Power Rank ngunit malakas. Ang pambato ng server 09 at ng mga players na Non-VIP din.

"Hala ang galing. Buksan mo nga yan 'tas akin muna yung Enrage na account mo." Tumawa pa ang babae at nakita ng dalawa kong mata ang pag Log Out niya ng account niya sa legendary Monarch.

May binabalak itong babae panigurado.

"Ito email at password, wala kang babaguhin diyan ah." Binigay ko pa rin ang aking account at nag simula ng mag tipa sa aking cellphone upang buksan yung Ira na account sa Server 09.

Nauna akong magbukas kesa sa kanya dahil sa mas madaling one tap ang akin at kanya ay marami pa siyang i-tatype dahil nga sa ibang cellphone ang gagamiting pangbukas.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon