ALINA/ AVYANNA'S POV
Nakangiti akong nag bukas ng laro ko na Virtual Reality.
[NAME: AVYANNA]
[VIP: LEVEL 20 (MAX)]
[LEVEL: 150]
[POWER: 40B]Yes naman. Tama po nakikita niyo ginawa na akong Max VIP ni Rage. Ang yaman non na pati yung sa legendary monarch kong laro ginawa na niyang max ang VIP.
Hindi nga lang ako nakapag bukas para mag laro dahil sa kailangan kong asikasuhin ang aking VIP. Potek na laro to akala iniiscam ko.
"Ganon ba ako mukhang walang pambayad na akala nila scam o cheater ako. Tanda ko pa tinatanong kung robot ako." Dahil naalala ko na naman ay nababad trip ako.
*Ting*
A new message from your friend.
[Read] or [Ignore]Gamit ang hologram ay pinindot ko ang [Read]
"Hoy babae. Pumunta ka nga sa map level 100. Kitain mo yung shop ni Master Sweet Viper inaatake raw eh. Kapag ginawa mo 'to sasamahan kita sa pag papa-level mo." Natuwa naman ako sa aking nabasa. Tutulungan ako ni Rage mag pa level? Ay magandang balita 'to.
40 billion na battle power lang ang meron ako kaya dapat mapataas ko na ito.
"Sige. Papunta na ako." Agad kong sinunod ang utos niya at nag punta duon sa tinuturo niyang lugar.
Maraming players sa labas at nag kakagulo nga. May pagsabog pang nang yayari ngunit makikita mo pa rin ang nakatayong gusali sa gitna ruon.
Nakasarado ang shop na akala mong may kina-quarantine sa loob nito.
Kahit naman 40 Billion lang ang power ko kumpara sa BTL Power ni Rage masasabi pa rin namang malakas ako.
Nag lakad ako papunta sa pintuan ng shop. Duon ay kinatok ko ang pintong nakasara.
"Layas. My shop is close." Sigaw galing ng boses sa loob.
"Its me, Avyanna. Pinadala ako rito ni Rage." Sabi ko sa tao sa kabila ng pinto na ito.
Duon maririnig ang pag tanggal ng lock sa pinto at unti-unting bumukas ang pinto.
"Ah ikaw pala. Pasok pasok. Pasensya na sa abala sa labas, mga natahol kasi ang ilan sa kanila. Ang iingay nga eh." Pumasok na ako sa loob ng kanyang shop dahil maingay nga sa labas. Duon sa loob naman ay may isang upuan duon at sa tabi nito ang maliit na lamesa.
May wine pa sa baso at mukhang nag sasaya ang babaeng blacksmith na ito rito, habang nag kakagulo sa labas ng kanyang Shop ay naandito siya at umiinom.
Grabe! Malupit din pala Master ni Rage.
"Grabe. Max VIP ka na rin! Maupo ka riyan sa isang upuan... Wala yatang kaibigan o kapatid si Rage na hindi max ang VIP no? HAHAHAHA" Tumawa ang nagngangalang Sweet Viper at duon ay nag alok ito saakin ng Wine at upuan sa likod ko.
Tumango ako. Agad niya akong sinalinan ng Wine sa baso at iniabot ito saakin. Ipinatong ko ito sa maliit na lamesa sa gilid ng aking upuan.
"Gusto mo bang patahimikin ko ang nasa labas? Ginagambala ka ba nila? Isa akong cleric pero sure naman akong may damage pa rin ako sa mga players." Pagpapaliwanag ko sakanya. Naupo ako sa isang upuan na inalok rin niya.
"Kung hindi naman nakakaabala saiyo. Hindi kasi ako ma-combat na klase ng player. Kung titingnan kaya rin ako naging Blacksmith ay dahil ito lang ang alam kong gawin. Nag tago ako kanina dito dahil mas may kampante pa ako rito sa loob kesa sa labas.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Fantascienza(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...