YAM'S POV
Agad kong in-on ang camera ng laro ko.
"Hi! Welcome to my Stream. It's Yam your nambeh 1 sweet potato. Meron akong naimbitahan na isang manlalaro at sigurado akong kilalang kilala niyo siya. Isang karangalan na ang taong ito ay naging kaibigan ko.
Hintayin lang po natin siya at baka nag lilibot pa po 'yun. Alam ko na rin na online na yun kasi binalita lang kanina." Paliwanag ko sa lilimang nanunuod ng stream ko...
Habang hinihintay si Rage ay napabasa ako ng comment
"Idol sino po kayang bisita niyo? Excited na po ako!"
"Ano ba 'yan ang tagal naman dumating non."
"Siguraduhin niyo lang na kilala 'yan ah. Report kita."Napangiti ako duon sa isang comment na nabasa ko. Kahit marami akong basher ay meron pa rin naman na laging isang nanunuod ng stream ko.
Nag b-blink yung lilimang tao na nanunuod hanggang sa maging tatlo nalang.
"Ano pong professions pinili niyo Idol?"
Tanong saakin ng isang viewer sa stream ko.
"Cooking ang pinili kong professions at nag imbita ako ng isang kilalang player dahil sa may ipapatikim ako sa kanyang putahe." Nakangiti ako habang sinasabi yun.
"Habang hinihintay muna natin siya ay ipapakita ko sa inyo ang inihanda kong putahe.
Itong isa ay burger meron itong +50 health bawat kagat.
Ito naman ay meatballs at para ito sa +atk speed at dagdag crit attack dahil may flavor ang aking ginawang meatballs na maanghang. Yung anghang na maiiwan ay yun yung may dagdag.
At siyempre marami pa akong ginawa." Sabi ko sa tatatlong nanunuod."Yam, Sorry natagalan." Biglang may boses na nag salita sa likuran ko at saktong pag harap ko sa boses ay duon ko nasaksihan si Rage.
Hawak nito ang pinakakilala nitong Sword pero parang may sira ito.
"Ito nga pala ang inimbitahan kong manlalaro, Si Rage at siya ang patitikimin natin ng ginawa kong putahe sa Cooking na profession ko." Agad akong nag lakad palapit kay Rage at pinaupo siya sa gilid.
"Sisimulan na ba natin? Hahaha." Tanong saakin ni Rage at tumango lang ako.
"Wahh Si Rage?"
"Wait totoo ba 'tong nakikita ko?"
"Wah Idol ang lupit mo po naimbitahan mo si Rage.""Rage hindi makapaniwala ang aking viewers na nakikita ka nila sa stream ko." Tumawa naman si Rage at parang kahit ako'y lalaki ay natulala sa tawa niya.
Hindi po ako bakla.
"Totoo pong ako si Rage. Nag lalaro naman siguro kayo ng laro ngayon no?" Pwede kasing makapanuod ng live ng isang player kahit nag lalaro ka rin ngayon. Bubuksan mo lang ang hologram at bwala pwede ka na manuod ng stream.
"Sige po para mapatunayan kong totoong ako si Rage ay mag c-chat ako sa chats at kapag nag karoon ng gold carving ang name ay alam niyong ako iyon dahil nga nag chat ako." Ngumiti si Rage at mamaya ay nagbanggit ng Hologram Chat.
Nag chat siya sa [Country Chat]
"Kindly Watch Yam's stream. I'm there."
Unti lang ang chat ni Rage duon pero napatunayan ngang siya 'yun dahil may golden carvings ang name at ang chat niya na iyon ay kumalat na siya World Chat.
"Wahh Si Rage nag chat."
"OMG! Am I dreaming?"
"Rage noticed me""Ako po talaga si Rage" Napatingin ako kay Rage at sa aking viewers ang tatlo ay nagiging 100, 500, 1000 hanggang sa potek naging 20 Millions na at pataas pa ng pataas.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...