Ang Nakaraan: Kahit sobrang layo ng nilalakbay nila gamit ang kanilang mga paa ay hindi sila napapagod, napansin din nila na may nilalabas si Rage na puting liwanag at nag sasanhi itong palakas sa kanila upang hindi sila mapagod.
Hanggang sa nakita nila ang mga ibang survivors na kanilang gustong makita.
Ilang mapa ang ni isa ay walang natira, ni halaman ay hindi pinalagpas.
---------------------------------------------------------
RAGE'S POVSa Map Level 240 ay himala at wala kang makikitang kalaban ni isa, wala ring bakas ng labanan.
Anong meron?
'Yung mga NPC na kasama ko lamang kanina ay umuwi na sila pag katapos makita ang nais nilang kitain.
Sa mapa na ito, doble ang laki sa mga mapa na nasa Map Level 230+ ang kakaiba lamang sa mapang ito kapag pinagmasdan mo ito, para itong nahahati sa dalawa.
At tama nga ako dahil pag punta ko sa pinakagilid ng mapa, may mataas na pader ang nakaharang... Gawa ito sa bato at halatang makapal ito.
Sinundan ko ang bato at tinignan kung may pasukan ba at nung nakita ko na, may mga NPC na sundalo ang nasa taas ng bato na iyon.
Nakatitig sila sa malayo kaya akong itong malapit ay hindi nila napansin.
Ano kayang tinitingnan nila?
*Gong* *Gong* *Gong*
Isang tunog ang muli kong narinig, pamilyar na ako dito dahil 'yung tunog na ito sa Map Level 230 ay isang paalala na mag kakaroon ulit ng maramihang MOBS.
Napatingin sa akin ang isang sundalo at nagulat ito dahil may isang tao ang nasa labas ng lugar.
"H-hala. Buksan niyo ang pinto. Papasukin niyo ang tao na iyon." Tao? Ah baka dahil nasa malayo ako, akala nito tao ako at hindi isang manlalaro.
Agad sumabat ang isang sundalo...
"P-pero mahirap nang buksan ang pinto at mas mahirap lalo itong isarado. At nakikita mo ba malapit nang pumunta ang mga MOBS. Kapag binuksan natin ang pinto at hindi agad nasarado, ang kamatayan lamang ng isa ay madadagdagan ng ilang bilang pa." Sabi nung isang sundalo.
Kahit nasa taas sila dahil sa mataas ang aking stats ay naririnig ko sila. May punto nga naman ang sundalong iyon.
Pero ibig sabihin nun ay 'yung tinitingnan nila ruon ay ang sandamakmak na papasugod na MOBS at mag kakaroon na naman ng kalaban sa nalinis ko nang mapa.
Maganda na rin palang nandito ako sa labas, mas mapipigilan ko ang MOBS na makakapunta sa Bridge ng Level 239. Mag babantay ako sa bridge kung ganon.
(Ang paliwanag dito bakit sa Level 239 siya mag hihintay duon sa Bridge ay dahil po nasa Map Level 240 siya ngayon, diba sa mapa mag ka konekta ang Map Level 239, 240 at 241. Ngunit 'yung MOBS kasi galing sa mataas na level ng mapa [241] 'tas papunta siya sa mababang level ng mapa [239].)
Nung nag lakad na ako papunta sa aking paruruonan ay nagsalita 'yung isang NPC na sundalo na nagsabing papasukin ako..
"Uyy saan ka pupunta? Dito ka lang sa baba. Kahit hindi ka makapasok dito sa amin mapoprotektahan kita." Napatingin ako ruon sa NPC na nag salita. Nginitian ko ito pero hindi ko na siya muling pinansin nang mag punta ako ruon sa tulay.
Duon ay ako ang pinakahuling harang. Ako ang mag babantay.
Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo ito pero isa sa mga magandang gawain na aking ginagawa ay ang hindi pag patay ng mga Boss na aking matatagpuan. Kakaiba lamang ito dahil sa mga VRMMORPG importante ang pag patay ng mga Boss sa laro ngunit kabaliktaran ang aking ginagawa ngayon.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...