(⚠️Warning: This text contains offensive language. Reader discretion is advised.)
***
RAGE'S POV
Pagkatapos kong kumain, nagbayad ako ng tumataginting na 600,000 Gold. Opo, ganyan talaga kamahal ang pagkain dito. Pati yata pag buka mo ng bibig, may bayad na rin!
Nawala na rin ang ingay kanina. Ang naaalala ko, si Avyanna—'yung babaeng may IGN na iyon—ay nagpunta sa 3rd floor nitong Somniator's Food and Beverages. Ang 3rd floor ay eksklusibo para sa mga VVIP na tao sa laro. Pwede naman akong sumama roon, pero dahil gutom na gutom na ako, kumain na lang ako sa 1st floor.
Ngayon na tapos na akong kumain, oras na para magsimula akong mag-gather ng mga kailangan ko para sa aking mga professions.
Nahihirapan akong magdesisyon kung ano ang uunahin ko sa professions—Weaponsmith, Alchemist, o Cooking. Kaya naisip ko, bakit hindi na lang sabay-sabay? Kaya ko naman.
Binuksan ko ang mahiwagang hologram para sa mapa ng level 1. Para sa inyong kaalaman, ang mapa ng level 1 ay hindi kalakihan dahil para ito sa mga baguhan. Baka maligaw o malito sila kaya limitado lang ang mga structures dito, tulad ng Weaponsmith house, Tailor house, Restaurants, at iba pang basic na gusali sa mundo ng Haidra.
Sa bawat mapa ay may tulay na konektado sa susunod na mapa. Pero siyempre, hindi basta-basta makakatawid doon. Kailangan mo munang patayin ang boss na nagbabantay.
Para sa isang max level 250 player katulad ko, madali lang 'yan. Pero dahil kailangan kong bisitahin ang bawat library sa mundo ng Haidra para matutunan ang mga kailangan ko sa aking professions, kinakailangan kong huminto-hinto para unti-unti kong aralin ang lahat.
Sa ngayon, ang natutunan ko pa lang ay basic—o baka wala pa nga sa basic.
Pero bago ako magsimulang kumuha ng mga kailangan ko, pupunta muna ako sa Alliance of Professions para mag-apply. Kailangan ko munang dumaan sa ilang tests.
Kung tatanungin niyo ako kung bakit hindi ako kumuha ng professions noong una pa lang, mas pinili ko kasi ang killing/hunting kaysa tumigil at gumawa ng mga bagay na inatas sa akin.
***
Alliance of ProfessionsIlang mga players ang nakapila sa iba't ibang hilera, at sobrang haba ng pila. Mapapahawak ka na lang sa noo mo sa tagal ng hihintayin mo.
Pumila ako sa registration section at mamaya ay pipila ulit ako para sa professions na napili ko.
"Ito po ba ang dulo ng pila para sa registration of professions?" Pagtatanong ko sa isang player na chubby na naka-leather armor. Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Ah, oo. Ito nga." Sagot niya, at napansin kong pawis na pawis siya.
Napatingin ako sa kanyang Gaming Avatar.
Name: Yam
Title: None
Fame: 100
Level: 10
Character: Mage
GOLDS: ?????FLAIRS: NONE
PHYSICAL STATISTICS
Strength: 800Constitution: 800
Dexterity: 500
MENTAL STATISTICS
Intelligence: 500
Wisdom: 500
Charisma: 500
Luck: 500TOTAL: 4100 BTL POWER
SKILLS
• POKE LVL. 8 [4%]
• BURST LVL. 6 [3%]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...