RAGE'S POV
[Congratulations you kill a Level 100 Mini Boss.]
Congratulations You obtained
(1)Heroic Skin
(1)Heroine Skin
(4) 2 each of heroic and heroine Player FlairNapangisi ako. Bukas kapag nag kita na tayo Alina kailangan mong sundin lahat ng utos ko. HAHAHAHA *Evil laugh*
In-equip ko yung isang Heroic flair at Skin.
May isa pa akong hindi naisusuot na Heroic Skin, itong suot ko yung heroic skin na walang Ka-couple skin. Diba tatlo yung heroine skin 'tas apat yung heroic skin.
"[LOG OUT]"
Pag katanggal ng head gear ko ay agad akong bumababa dahil nagugutom na talaga ako.
11 na pala ng gabi. Hindi ko man lang napansin... Diretso ako sa kusina at kinuha na lang ang pag kain na luto na dahil kakain na lang ako sa sala. Aasarin ko pa si Alina.
"Hoy Babae. Susundin mo talaga ako ahahhaa." Nakita ko siyang nuod na nuod sa kanyang ginagawa. Lumapit ako sa kanya na sa sobrang lapit ay naaamoy ko na siya.
Pero napatingin ako sa ginagawa niya at oh. Ako 'to ah. 'Yun yung stream na ginawa namin kanina lang sa map level 51 papuntang 100.
"Ano 'yan?" Pagtatanong ko, kunwari walang alam.
"Ano ba ang ingay mo payatot. Kitain mo na lang ako bukas sa Level 0 map. May event kasi bukas o maganda namang 'wag mo na akong kitain dahil dapat makagawa ako ng paraan na makalapit kay Rage." Ngumiti pa ito ng matamis.
"Rage? Sino 'yun?" Tanong ko. Tumingin ito saakin na para akong nababaliw.
"Nag lalaro ka ba talaga ng *No Name* bakit hindi mo kilala si Rage? Eto tignan mo ito." Pinakita nito saakin at iniload sa cellphone niya ang Website ng *No name*
"Nakita mo yung top 1? Si Rage 'yan. Ayyy nagbago na pala siya ng avatar? Ano yan? Bakit ngayon ko lang nakita? Babasahin ko lang comment wag ka mag ingay diyan." Lumapit pa lalo ako sa kanya dahil makikibasa rin sana ako ng mga comment.
May nakita rin akong 'Avyanna Write a comment' isa lang ibig sabihin non. Yung No. 1 beauty sa laro ay itong babaeng 'to.
Napatingin ako sa taas hanggang baba nitong babaeng to. Umiling iling ako.
"Tinitingin tingin mo diyan. Baliw. Ay Heroic Skin pala 'yun. Grabe ang galing talaga ni Rage at nag karoon siya non. Baka naman Heroine Skin naman diyan oh. May equip din siyang Heroic Flair. Ahhhh ang lupet." Nagulat ako nang hawakan nito ang buhok ko at hatak hatakin.
"Hoy Babae. Mapanakit kang babaita ka ha." Lumayo ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Lagi kang kumakain na ng 11. Alam mo bang masama 'yan?" Tiningnan nito ang pagkain kong hindi ko pa kinakain.
Nag simula na akong kumain dahil nagugutom na talaga ako.
"Ano naman?" Tanong ko rito at subo ulit ng pag kain sa bibig ko.
"Wala. Kumain ka na lang diyan kukuha ulit ako ng Ice Cream sa kwarto mo ah. Diyan ka lang." Bigla itong nawala sa harap ko at mamaya ay bumalik na may hawak ng Rocky Road flavor na Ice cream.
"Ano kayang magiging Rank ko bukas? Kinakabahan ako, madaming nag papalakas pa kanina e. Nakakahiya naman kay Rage baka iwasan ako non at ang hina ko." Sabi ni Alina habang kumukutsara ng Ice Cream.
"Ano bang battle power mo?" Tanong ko.
Sabi nila hindi daw ganon malakas si Avyanna sa laro kahit Billions ang kanyang btl power.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Ciencia Ficción(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...