CHAPTER XXIII: LEVEL 200 MAP

543 60 6
                                    

RAGE'S POV

Kasama ko ang limang demonyo pag tapak ko sa town ng Map Level 200. Agad akong dumiretso sa Town Center at kinita ang Town Mayor.

Isa itong malaking lalaki, mukha pa naman itong nasa 30 ~ 40's ang age. Nag kataon rin na masasabi ko na sa sarili ko at sa iba na sobra kaming close. As in sobrang close.

"RAGGGEEEEEE" Maririnig ang pag takbo sa lupa. Kasabay nun ay ang mukha ng pamilyar na NPC sa mundong ito.

Mayor Lee Atriedes.

Siya ang Mayor ng town na ito. Isang sobrang lakas na NPC

Ang town na ito ay ang alam kong town na kung mag bigay ng quest iyon na ang sobrang hirap na quest na makikita mo, siyempre kapag mahirap ang quest ay meron din itong magandang rewards at ang quest na binigay ng Mayor Lee ay 'yun ang pinaka mahirap na quest na maihahanda sa iyo.

Ang nag iisang quest na iyon nuong limang taon ay yung

[Defeat the 5 demon kings that can be found outside the Level 200 town map]
[Reward: 1,000,000,000 gold and if you defeat them all. You can have them as your slaves]

Dahil duon ay nakuha ko ang limang iyon. Nuong una ay hindi sila agad sumusunod siyempre bilang isang tinitingalang kalaban at malakas, natural na may mga mahihinang nais mapabuti saiyo. Yung win-worship ang nilalakaran mo.

Yang limang yan ay mga hari ng kanilang sariling teritoryo at hindi rin close sa isa't isa ang mga iyan dahil sa teritoryo na kanilang sinasakupan.

Ngunit dahil natalo ko silang lahat wala silang choice kundi sumunod saakin.

Habang ang Mayor ng town na ito ay naging close ko pag katapos kong dalhin sa harap niya ang limang ito. Isang palatandaan na nagawa ko ang mahirap na quest na iyon makaraan ang limang taon.

Pag katapos non ay dumiretso na ako sa map level 210 dahil dati ang nasa utak ko lamang ay maabot ang level 250 map at matapos ang laro.

"Our Savior Rage. Kinagagalak kitang makita muli pag katapos mong umalis sa map level 200 at iwanan ang mga tao dito. Siguradong matutuwa sila saiyo lalo na ang mga bata sa amin dahil sa palaging ikaw ang kwento ng magulang nila at nung mga taong naabutan ang pag liligtas mo sa aming town." Ngumiti si Mayor Lee Atriedes saakin.

Dati kasi ay isang parte lang nang nasasakupan ang Town na ito sa teritoryo ni Rebel. Pag katapos kong matalo si Rebel sa pakikipag tunggali ay na-unlock ang Town na ito at ang mga tao bilang pag kain ng mababangis na hayop sa map na ito.

Limang taon din akong nawala sa map level na ito at tumagal ako sa Level 230 dahil walang biro na mahirap na ang makakalaban pag dating sa taas, hindi sa mahina ako dati kaya bakit parang ang tagal ko naman sa map levels. Tumagal lamang ako sa map level ng 230 dahil sa pinush ko talaga na marating ang pinaka max na level.

Inubos ko ang monster na nag kalat sa matataas na levels at hinintay rin ang respawn nila. Paulit ulit hanggang sa tumagal ng taon.

At pag katapos kong mapatay ang Mini Boss ay duon lamang nag notif saakin na max na ang level ko (Check Prologue)

Sa ngayon ang hinihintay ko na lang ay ang pag taas pa nang aking Map Level at tapatan ang End Boss ng laro.

Kung siguro dati pa lamang ay tumuloy na ako hindi ko kakayanin. Bakit?

Dahil hindi pa na b-blessan ang aking kalasag at sandata dati ng Blue Deity Water tsaka ko lamang nagawa 'yun nung bumalik ako ng map level pabalik sa beginners map level kung tanda niyo pa.

Dahil din duon nag karoon ako ng Heroic Dragon Skin na isang skin na may dagdag stats para saakin. May chance na ma-block ang atake saakin ng malakas na kalaban.

At hindi ko mahahawakan at mapapasaakin ang mga kagamitan na ito kung hindi dahil sa potion na aking nainom na hanggang ngayon ay wala parin akong ideya para saan ba iyon at bakit ko iyon tinanggap?

"Kumain ka na ba Rage?" Pag tatanong saakin ni Mayor Lee Atriedes.

Umiling ako dahil totoong hindi pa ako kumakain dahil na rin sa marami akong ginawa sa laro.

"Tara. Kumain ka muna at kitain mo na rin ang mga batang idol na idol ka." Ngumiti ako ng alanganin.

Paano ako hindi makikilala ng mga bata sa town na ito. Halos kahit saan ka tumingin ay may statue ako rito.

Kung ibang tao ako at nakita ko ang statue ni Rage dito ay masasabi kong baka siya ang may-ari ng Town na ito.

Pag kapasok ko sa isang branch ng Somniator's Food and Beverages ay maraming mga bata ang nandon. Hindi lamang makalapit dahil sa takot sa limang demonyo na nakasunod saakin.

Mukha pa rin namang tao ang limang ito. Lahat sila ay mga demonyong may mga itsura. Gwapo ngunit kahit ganon hindi matatago na nakakatakot ang aura na bumabalot sa kanila.

Pag kaupo ko sa aking upuan ay may humatak sa aking laylayan ng damit.

Pagkatingin ko isa itong batang babae. Nakangiti ito saakin ng pagkalaki laki... Himala batang hindi natakot sa limang demonyo.

"Savior Rage." Tumango ako sa bata nung sinabi niya iyon. Ngumiti ako...

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ko.

"Princess Cecilia. Anak ako ni Mayor Lee Atriedes." Ngumiti ang batang babae...

"May anak pala iyon." Napaisip tuloy ako.

"Inampon ko po ang batang ito Mr. Rage. Bigla na lang sumulpot ang batang ito. Kung gusto mo ang batang ito Mr. Rage pwede mo naman siyang dalhin kung nais mo." Niyakap ni Lee Atriedes ang anak niya at ibinigay saakin ang bata.

"Saan ko naman dadalhin ang bata. Ok lang po na inyo muna." Ngumiti ako at ibinalik ang bata.

"Sige po. Saakin ka muna anak" Niyakap naman ng mahigpit ni Lee ang kanyang anak. "Mag laro ka muna sa labas." Pag katakbo ng bata sa ay may napansin ako nung papaalis na ito.

[Check Player Stats]

Sobrang bilis non at nakaalis na ang bata.

Player?

Akala ko ba ako lang ang player dito o baka naman namalik mata ako. Hindi ko na nabigyan pa ng sagot ang aking katanungan dahil na rin sa wala akong sagot na maihahain ko sa aking sandamakmak na tanong sa isipan.

[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 23: LEVEL 200 MAP FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon