ALEXANDER AMORY'S POV
Naisipan kong mag pahinga muna sa pag lalaro at igala si Alina sa pwedeng mapuntahan dito na lugar sa tinitirahan ko.
Iginala ko siya sa mall at kumain kami sa isang restaurant na ang pangalan ay Somniator's Luxurious Foods. Kilala ito at sobrang sikat, ang mamahal rin ng mga pagkain dito dahil sobrang sarap talaga ng handa nilang putahe.
Nang mabusog, sumakay kami sa sasakyan kong dala, dahil balak kong dalhin siya sa lugar na may magandang view ng ilaw na nang gagaling sa City, sa daanan ay inabot kami ng hapon at swerte dahil nadaanan rin namin ang perya, maraming tao kahit malayo ito ng unti sa City.
Pinuntahan muna namin iyon para mag hintay na kami ng gabi duon, nag laro lang kami ng mga malalaro sa perya.
Kahit naman hindi ka na bata ay hindi parin ito hadlang para 'di ka na sumaya diba?
Nakailang balik kami sa rides. Bumili ng pagkain na mukhang masarap at ilang nabebenta sa labas at loob ng perya. Nag laro rin kami at kapag maswerte ay nananalo ng mga rewards.
Nung sumapit ang gabi, bumili ako ng dalawang ticket sa ferris wheel. Sumakay kami ruon ni Alina.
"Masaya ba?" Tanong ko kay Alina. Tumango ito.
"Hmm. Salamat! Na stressed ako duon sa laro mabuti na rin at dinala mo ako rito." Ngumiti ito saakin.
"Pwede naman tayong bumalik ulit dito eh." Sabi ko ng nakangiti. Kahit ako ay natuwa rito sa perya.
"Tanda mo pa ba? Nung bata tayo sabi mo saakin dadalhin mo ako sa perya. Nagawa mo naman pangako mo saakin, naks naman." Tumawa si Alina at tumingin siya sa paligid nung nasa tuktok na kami.
"Ang ganda." Napatingin ako sa paligid at tama nga siya.
"Oo naman. Hindi ko man natuloy 'yun nung bata pa tayo, nagawa ko naman ngayon." Sabi ko.
"Bigla ka ba naman kasing umalis at nag punta sa ibang bansa. Iniwan mo ako. Nawalan tuloy ako ng kaibigan." Sabi ni Alina saakin. Napatingin ako sa kanya at nanunubig ang mata nitong tumingin saakin.
"Sorry." Pinunasan ko ang luha niyang tuluyan ng tumulo. Nung bata pa kami ako lang nag iisang kaibigan ni Alina. Kaya nung umalis ako ng walang paalam siguradong sobrang nasaktan ito.
"At least nandito ka na. Hindi ka na naman aalis no?" Tanong saakin ni Alina. Ngumiti lang ako sakanya.
"Kung aalis man ako, saglit lang iyon at siguradong babalik at babalik parin ako sa iyo. Girlfriend nga kita diba? Ang panget naman aalis ako at iiwan ka na lang ng biglaan. Pero kung kaya kitang isama. Isasama kita." Hinatak ko siya papalapit saakin at niyakap ko siya sa likod. Mag kasama kaming nakatingin duon sa ilaw na nag mumula sa City.
"Hindi ko pa nakikita Daddy mo. Simula bata, laging kasama mo na ay ang mama mo." Habang tahimik ang paligid ay 'yun ang lumabas na mga salita sa magandang labi ni Alina.
"Nasa ibang bansa." Simpleng sagot ko.
"'Yun din ba ang dahilan kaya ka umuwi dati? Sampung taon ako nun at labing dalawa ka naman dati, ngayong labing siyam na ako dalawang put isa ka na. Nakss kuya ko..." Inasar ako ni Alina.
"Anong kuya? Kailan ka pa naging incest na pati kuya mo gagawin mong boyfriend." Sumimangot si Alina saakin at natawa naman ako.
"Malapit na tayong bumaba. Ang ganda talaga rito." Sabi ni Alina.
"Pero tama ka ruon Alina. Isa 'yun sa dahilan kaya ako umalis sa Pilipinas at nag punta sa ibang bansa." Nung makababa na kami sa ferris wheel ay dumiretso na kami sa Kotse. Duon ay pinag usapan namin ang mga nangyari nung hindi na kami mag kasama.
Nalaman ko rin na 2 years na siyang nag lalaro nung VR. Nag kwento rin saakin ng kanyang achievements si Alina sa Legendary Monarch niyang nilalaro. Kapag daw walang importanteng gagawin sa VR na laro, pumupunta siya sa Legendary Monarch at minsan lang makapag laro pero 'wag kayong maniwala duon dahil araw-araw ay online siya sa Legendary Monarch.
"Kamusta ang Family business?" Tanong ko kay Alina.
"Na secure na ang malaking deal sa aming kompanya. Sa ngayon ok naman na ang mga mag tatrabaho sa company. May pang sweldo pa naman HAHAHA" Sabi ni Alina.
"Ikaw anong balak mo? Mag aaral ka pa diba?" Tanong ko kay Alina. Sa edad na 19 tapos 'yan ng college degree niya, matalino yata 'tong girlfriend ko.
"Gusto ko ulit mag aral. Wala namang masama dahil ang dati kong kurso ay business course siguro sa susunod ay about naman sa politics." Sagot ni Alina.
Natuwa ako sa sagot ni Alina na balak niyang mag politics. Tanggap 'to agad sa pamilya ko pero hindi ko pa ikwekwento bakit? Dahil mai-spoil kayo lol.
"Ikaw ang bahala Alina, lagi lang naman akong supportive sa mga gusto mo. Tandaan mo lamang, lagi lamang akong nandito para saiyo." Nakarating kami sa bahay, mag e-eleven na nang gabi kaya naman dumiretso agad si Alina sa kwarto niya para mag palit ng damit habang ako ay nilock ko ang mga pinto at bintana dahil baka habang natutulog ay bigla nalamang may pumasok na mag nanakaw.
Gamit ang computer ko sa kwarto ay nag search ako about sa laro na Virtual Reality. Any updates sa games o kaya naman balita na mainit init sa loob ng laro.
Naagaw ng aking atensyon ang isang article na ang pamagat ay "Money as the Ruler of VR games" Nabanggit dito ang mga mayayaman na kapag nangielam sa mga laro ay magugulo nito ang ayos ng buong laro at mga nag lalaro nito.
Nabanggit din ang laro na nilalaro ko duon sa article, dahil sa halos 98% na ng buong populasyon ang nag lalaro nun at ang mga players nun ay nag sisimula nang bumuo ng sariling samahan. Ang pinakamainit na balita ay ang isang bagong angat na Top 1 Alliance sa buong mundo pero naka based ito sa European-Asian Server ng laro at may galamay sa iba't ibang bansa.
Papa. Ikaw lang ang kilala kong kayang gumawa ng ganito.
Hindi ko maintindihan bakit nang gugulo pa rin si Papa sa akin, mayaman ito na pati ang pagbili ng ilang bilyon na headgears ay barya lamang para sakanya pero Papa ano ba talagang balak mo?
Isang text message sa cellphone ko ang tumigil saakin sa pag-iisip. Isang unknown number at ang text nito ay
'Do you like my present my eldest son? Just one word from you and the entire Virtual Reality World Players will follow you. You can have as many followers as you like, our Amory Household is an influential family in the whole world. Come back to me, and I can give you absolute authority and power.'
Pinatay ko ang aking Cellphone. Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Alina. Kumatok ako sa pinto nito at sumagot naman si Alina.
"Can I cuddle you to sleep?" Tanong ko sa labas ng pinto.
"Pasok." Pag kabukas ko ng pinto ay dumiretso ako sa kama niya at niyakap ang babae ng mahigpit.
Pumikit ako dahil nananakit ang aking ulo sa kakaisip.
"Tulog ka na." Sabi ni Alina. Niyakap niya ako pabalik, hindi ko namalayan ay nakatulog na ako sa yakap ni Alina.
---------------------------------------------------------
*BWAHAHA* EVIL LAUGHBahala kayo riyan mag isip kung anong klaseng pamilya ba ang meron si Rage. Muehehe.
Napapaisip rin ako habang ginagawa ko 'yung chapter ng VR na ito kung tama pa bang plot sinusulat ko eh HAHAHA
Thanks for Reading! Stay healthy, happy, and have a great day ahead everyone.
Love lots!!
~ Somniator_lux09 your author!
~ Somniator Wp (Fb)
---------------------------------------------------------[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 32: MONEY AS THE RULER FIN]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Fiksi Ilmiah(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...