CHAPTER XXIV: A LEGEND IN THE MAKING

531 57 1
                                    

[Check Player Stats]

Sobrang bilis non at nakaalis na ang bata.

Player?

Akala ko ba ako lang ang player dito o baka naman namalik mata ako. Hindi ko na nabigyan pa ng sagot ang aking katanungan dahil narin sa wala akong sagot na maihahain ko sa aking sandamakmak na tanong sa isipan.

---------------------------------------------------------
SWEET VIPER POV

Napatingin ako sa iniwang bata saakin ng aking disipulo. Kanina pa ito nakatitig sa isa sa aking koleksyon ng ginawa kong espada. Aalis naman ito sa pagkakatitig niya kapag tinamad na at mag hahanap na naman ng tititigan.

Hala. Anong nangyayari sa bata na ito?

"Bata. Nagugutom ka na ba?" Umiling naman ang cute na batang ito.

"Oh. Sige pupunta muna ako sa likod diyan ka lang. 'Wag ka mag pupunta malapit sa apoy na iyon hah. Titigan mo lang pero 'wag mong ilalapit ang iyong daliri." Ngumiti ako sa bata na ito. Ang cute talaga ay.

Naalala ko tuloy yung aso ko sa bahay namin. Hays.

"Promise mo si Ate na hindi ka maglililikot-likot habang wala ang ate mong maganda." Nilabas ko ang aking pinky swear at iniabot naman niya sakin ang sa kanya. Ipinagdikit ko ang aming hinliliit.

Nung papunta na ako sa likod ay napatingin pa rin ako sa bata na ito. Saglit lang naman ako.

Kukuhanin ko lang naman pang hasa ko ng aking espada.

Nasaan ko nga ulit iyon nailagay?

Makalipas ang dalawang minuto pag kabalik ko ay sinunod naman niya ako. Kung saan ko iniwan ang bata ay nanduon pa rin siya sa dating pwesto nakatitig sa apoy na iyon.

"Hawakan mo ito. Medyo mabigat siya 'tas ikiskis mo siya riyan." Pinakiskis ko sa bata yung dalawang hawak niya sa isa't isa. Nag simula ito mag simula ng ingay at kasabay nun ay unti unting natatanggal ang purol ng espada.

Napatingin ako sa batang ito at nakita kong nakangiti ito na parang sayang saya sa kanyang ginagawa.

Napailing iling ako. Halika samahan mo si Ate may ipapakita ako saiyo na proseso sa pag gawa ng kalasag.

"Nakita mo itong metal. Hawakan mo." Hinawakan naman ng bata na ito ang metal.

"May pagkabigat ito kaya hawakan mo ng dalawang kamay. Nakita mo ba yung pugon na iyon duon mo iyan ilalagay" Sinunod naman niya ang sinabi ko at maingat niyang inilagay ang metal na iyon.

"Mag hintay ka ng 15 to 20 minutes suguradong tunaw na iyon sa init ng temperatura na umabot na sa 2300°F." Matiyaga naming hinintay ni Prince ang oras na kailangan.

Pag katapos ay kung anong itinuro ko kay Rage ay 'yun ring tinuro ko kay Prince.

Oo at bata pa naman ito pero mukhang naiintindihan naman niya.

Gumawa kami ni Prince ng maliit na espada para sa kanya. Hindi ito ganon kabigat dahil gusto ko ay yung mabubuhat niya.

"May natira pang metal. Bibigyan kita ng assignment. Ito ang gumawa ka ng kahit ano na bagay sa tirang metal. Nasa pinakailalim ang blueprint pumili ka na lang duon. Magiging iyo na ang iyong nagawa. 'Wag mong lalaruin ang apoy. Gawa ka na papanuorin kita. Tahimik lang ako rito sa isang sulok." Umupo ako sa aking magandang upuan na pang reyna.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon