CHAPTER I: Rage

1.8K 115 14
                                    

RAGE'S POV

Sa anim na taon ng paglalaro ko ng VRMMORPG na kinagigiliwan ko, ito ang pinaka-kakaibang araw na bumungad sa akin. Hindi ko inaasahan na sobrang dami ng tao. Sa pagkakatanda ko noong una kong nilaro ang game, kakaunti lang ang mga manlalaro. Pero ngayon, bakit parang napakarami na nila, at halos lahat ay nasa Level 1 Map?

Karaniwan, ang beginners map ay hindi mo gustong pagtuunan ng pansin nang matagal dahil dito nagsisimula ang mga noobs. Pero ngayon, pagkatapos kong mahilo, bumungad sa akin ang Level 1 Map—isang lugar na napagdaanan ko na. Ang pinakamataas na level na narating ko ay Level 230. Ang larong ito ay may 1-250 na mga map, at bawat isa ay may kanya-kanyang boss. May apat na uri ng Game Boss—mula Division, Region, Mini Boss, at sa huli, ang Big Boss o End Boss. Ang mga boss na ito ang pumipigil sa pag-angat ng mga manlalaro sa bawat map.

Ang mundong ito ay tinatawag na Haidra.

Ito ang larong gusto ko dahil may kalayaan sa pagkilos. Malalakas ang mga manlalaro sa larong ito, at may natatanging Ranks ang laro—may Country, Continent, at World Rankings. Para makapasok sa Rankings, kailangan mong magkaroon ng mataas na Battle Power.

Para mapataas ito, kailangan mong mag-level up, magparami ng EXP, i-upgrade ang stats, at siyempre, makakuha ng godly equipment sa laro.

Hindi sa nagmamayabang, pero ako ang pinakamalakas na player sa [Country Rank].

Philippines Ranking [Country Rank]
1. Rage - 5,000,000,000,000 o 5 Trillion

Ganun din sa [Continent Rank].

Asia [Continent Rankings]
1. Rage - 5 Trillion

At siyempre hindi ako mawawa sa [World Rank].

World Rankings
1. Rage - 5 Trillion

Lahat ng ito ay bunga ng pagod at pawis na inilaan ko sa loob ng anim na taon ng paglalaro. At ngayon, babalik lang ako sa Level 1 map? Ano 'to? Pagkatapos ng mga taon ng pag-grind at pagsusumikap?

[Game Notification]
Congratulations, player Rage. You are back to the start. To progress through the map levels, you need to defeat the bosses in this game. Every boss you kill will grant you a big reward. If you achieve consecutive kills, you'll receive special rewards.

Rewards:
5 Division Boss: Heroic Skins
4 Region Boss: Heroic and Heroine Player Flair (4 flairs)
1 Mini Boss: Heroine Skins

Woah! So kailangan ko lang umabot sa Level 50 para makapatay ng Division Boss, kasi lumalabas ito kada +10 levels. At magkakaroon ako ng Heroic Skins? As in, Heroic Skins? Potek! Ka-priceless naman non at hindi ito nabibili ng pera. Upang makuha ito, kailangan mong mag-cheat o gumawa ng task na may SSSSS difficulty.

Ang Heroic flair/title naman ay isa pang sobrang hirap makuha. Pero kung apat na Region Boss, kailangan ko pang umabot ng Level 100, kasi tumatalon ang mga Region Boss sa levels—mula sa 30, 50, 70, hanggang 100.

Tungkol naman sa Heroine Skins, kabaligtaran ito ng Heroic Skins, pero para sa mga babae lamang. Nakukuha ito sa task na may SSS difficulty. Ayun lang, wala naman akong pagbibigyan ng Heroine Skins.

Nagagamit ang Heroic at Heroine Skins bilang mga damit ng mga players. Hindi ito basta-basta mabibili o madaling gayahin. Kahit ako na malakas na, hirap pa rin sa task para makuha ang mga ito.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Balik tayo sa realidad. Andito pa rin ako sa lupa kung saan ako bumagsak, at nakatingin pa rin sa akin ang mga Level 1 players na sa isang pitik ko lang, durog sila. Napapikit ako at huminga nang malalim.

"[Log out]." Pagkasabi ko noon, nang dumilat ako, nasa pamilyar na lugar na ulit ako. Inalis ko ang headgear ko at bumangon mula sa maliit kong kama. Nilibot ng aking mga mata ang maliit kong kwarto at tumigil sa computer ko. Agad ko itong binuksan at sinearch ang VRMMORPG na nilalaro ko.

Pumunta ako sa forum na puno ng mga tanong at usapang pampalipas-oras. Doon ko nalaman na marami na palang nagbago. Tahimik dati ang forum, pero ngayon, sobrang dami ng tao na nagko-comment. Maging ang background ng comment section ay nagbago mula sa dating puting kulay, ngayon ay para nang bahaghari sa sobrang makulay.

Nakaayos at naka-categorize na rin ang mga impormasyon tungkol sa laro. Sa kaliwa ay makikita ang rankings ng mga players, at sa wakas nakita ko ulit ang avatar na ginawa ko noon—ganun pa rin ang itsura, pero mas lumupet lang ang damit at equipment.

Wala naman akong hinahanap kaya hindi ako nagtagal doon. Nag-scroll ako pababa at napansin ang "Beauty Rankings?" Bago ito ah? Ang dami namang nagbago! Pinindot ko ito, at bumungad sa akin ang IGN at ID ng mga nasa Rankings. Ang avatar ng nangunguna ay may pinakamalaking, pinakamagarbong carvings na nakita ko—ginto!

"Hmm, Avyanna?" Hindi pamilyar...

Patuloy akong nag-scroll sa daily news ng laro, at doon ko nalaman na nakipag-merge pala ang nilalaro kong VRMMORPG sa pamilya ng mga Oziel. Ang pinakamayamang tao sa buong mundo ngayon ay si Kevin Ozi Ociel. Sa edad na 29, sobrang yaman na niya. Nalaman ko rin na naglaro siya dati ng VRMMORPG, at nabasa ko ang article na iyon sa isang tabloid. Simula noon, naging idol ko na siya.

Nagsimula akong maging fan niya nung 8 ako, at ngayon, 18 na ako, siya pa rin ang idol ko, kahit hindi na siya naglalaro ng VRMMORPG at busy na sa kanyang pamilya. Kilala ang pamilyang Oziel, laging laman ng TV at dyaryo. Kaya siguro sumikat ang larong ito dahil sa kanila, kaya mas marami na akong makakalaro.

Napansin ko rin sa comment section na pinag-uusapan ako. Pinag-uusapan nila ang agwat ng battle power ko sa top 2. Kasalanan ko ba kung trillion ang Battle Power ko habang billion lang sa top 2?

Binili pala ng Oziel ang 40% ng stock shares ng laro. Dahil dito, mas madalas na rin ang mga ads kaya lalong sumikat ang game.

"Does the top 1 player in the World Rank need a sugar baby?"
"Notice me, Rage. I want to feel the Rage in you."
"Manga-feelingera itong nasa taas ng comment."
"Parang bagay sila ni Avyanna. Hindi lang ganun kalakas si Avyanna compared to Rage, pero okay na rin."
"Hi Rage, greetings from Seoul-Seoultan Kudarat."
"I love Filipino people, they are very talented. Greetings from Qatar... QATARANTADUHAN!"
"Rage!"
"I love you, Rage. Call me baby: 09*********"

***
We are grateful to sabanaljames for their
valuable contribution in naming our game world -  [Haidra].

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:OPC - CHAPTER 1]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon