PROLOGUE

2.5K 122 9
                                    

Tumalsik ang dugo sa sahig habang tinutulak niya ang huling bahagi ng matalim na espada sa katawan ng kawawang Mini Boss.

Ang nakasisilaw na liwanag ay kumislap sa bangkay na nakahandusay sa sahig at ang liwanag na iyon ay patuloy pa rin sa pagsikat, hanggang sa ang liwanag ay patungo mismo sa maganda at maaliwalas na kalangitan ng laro.

[GAME NOTIFICATION]

You have been awarded 10,000,000 EXP!

Sumunod ay nakatanggap akong muli ng isa pang notification.

[SYSTEM NOTIFICATION]

You've reached level 250, the maximum level attainable in this game. As a reward for this incredible achievement, we've got something special for you... A special gift is waiting for you in your inbox. Congratulations!

Matapos patayin ang Mini Boss na iyon sa loob ng tatlong oras na walang pahinga, ngayon lang nalaman ni Rage na sobra na ang pagkapagod niya.

Bumagsak ang kanyang katawan at siya'y matiyagang naghintay hanggang sa kusang bumalik sa kanyang katawan ang nawalang buhay (HP). Habang nakatingin sa maaliwalas na langit, ang guwapong maliit na mukha nito ay nakabuo ng isang kaakit-akit na ngiti. Ang kanyang magandang pares ng lilang mga mata ay mababakasan ng isang masayang ekspresyon.

Max level? Para sa paglalaro sa loob ng anim na taon. Ito ang pinakamalaking reward na matatanggap niya. Ang gantimpala mula sa dugo at pawis na iyon na kanyang pinaghirapang gugulin.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga Messages at nag-scroll doon, mula sa hindi pamilyar na mga message galing sa laro, mula sa hindi kilalang mga manlalaro, hanggang sa hindi natapos na pakikipagsapalaran (Ongoing Quest) at ang inaabangan niyang gantimpala.

Ini-swipe niya ang kanyang kanang kamay at dahan-dahang makikita ang gantimpala sa harap mismo ng kanyang mga mata.

[GAME NOTIFICATION]

CONGRATULATIONS, PLAYER!
You are the first ever player to complete our hidden quest and reach max level!

Rewards:100,000,000 GoldA Mysterious and Special Elixir

"Isang espesyal na Elixir (Potion)?" Pagbanggit ni Rage, habang sinusuri ang potion sa loob ay hinawakan niya ang bote at ito'y naghanap ng game description patungkol sa bagay na ito, ngunit ang tanging kapaliwanagan na nakita lamang niya ay [???].

Inilapit niya ang matingkad na blue potion sa kanyang labi at marahang ininom ang potion. Nilalasap ang katangi-tanging lasa. Matiyaga siyang naghintay ng isang minuto ngunit walang kakaibang nangyari.

Nagkibit-balikat siya pero pagkatapos noon, ang lupang hinihigaan niya, ay bumukas. Parang gutom na bibig, ang lupa ay bumuka at kinain nito ang kanyang katawan.

Nakita niya na ang maaliwalas na kalangitan ng laro na labis niyang hinahangaan ay nagsimulang maglaho sa kanyang paningin, mula sa pagkakagulat ay sinimulan niyang sunggaban ang kanyang paligid, na mauuwi lamang sa pagiging dismayado dahil wala siyang mahahawakan upang mailigtas sana ang sarili.

Napapikit siya at naghintay na lang kung saan siya dadalhin ng laro.

"This is the potion working." Nagngangalit ang mga ngipin ni Rage ng banggitin niya ang katagang ito.

Pagkatapos noon ay may naramdaman siyang matigas na bagay sa kanyang likod, Ito ang eksaktong pakiramdam noong siya ay nakahiga. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata para malaman lang na siya ay nakabalik sa Level 1 na mapa. May malalaking tipak ang sahig na kinalalagyan niya.

Matapos suriin ang sarili niyang katawan, nalaman niyang nanatili ang kanyang Level, Equipment at Stats.

Pero bakit siya bumalik sa Level 1 na Mapa? At bakit ang daming player dito? Bakit nila ako tinitignan na para akong isang kakaibang nilalang.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon