AVYANNA'S POV
Naekwento saakin ni Sweet Viper lahat ng nangyari. Nagalingan din ako sa mga Mercenary dahil ginagawa nila ng tapat ang kanilang trabaho...
Ang angas pala nila eh.
Paano kaya pag naging Mercenary rin ako. Napatingin ako kay Rage na kinakausap yung Founder ng Hades Mercenary. Ngumisi ako dahil suguradong matatapos ang problema ni Papa at nang Hades Mercenary rito.
Maraming nasira na gusali at malaki laking pera ang kailangan upang maipagawa ang lahat ng ito.
Lumapit ako kay Rage at tinusok tusok ang braso niya. Napansin naman ito ng Founder at nag paalam na kay Rage.
"Mag mercenary ka kaya. Mga isang araw lang naman." Ngumiti ako ng pag kalaki-laki. Tinitigan naman ako ni Rage na para akong nababaliw.
"Pumayag ka na, makakatulong ka naman sa kanila eh... Pati kay Papa." Duon ay nakatuon na ang buong atensyon niya saakin.
Ngumiti ako at pinaliwanag ang lahat...
"Una siyempre magiging mercenary ka kung saan naka lista ka sa Hades Mercenary para mag ka-pera rito tapos mag iinvest ang aking Papa sa Hades Mercenary at bwala. More money." Seryoso ang mukha niya na parang pinag iisipan ito ng mabuti.
Tumango tango siya.
"Ang galing mo ah. Bakit ako lang ang mercenary. Mag apply ka rin." Inis na sabi nito.
Ngumuso ako. "Bakit ako kasama?" Napahawak ako sa ulo ko na akala mo nananakit ito.
"Huwag ka nang mag inarte. Dapat kasama ka muna 'tas tsaka ako papayag na maging mercenary... Wala naman akong makukuha rito eh." Tumango ako.
"Sige na nga." Umalis na ako para kitain yung Founder ng Hades Mercenary at Si Papa. Nakasama na rin si Tito at duon ay ikinwento ko ito.
"Isa itong magandang balita. 'Yung ininvest kong pera ay babalik ito ng dalawa o triple. Valentino? Ano masasabi mo?" Si Valentino yung founder ng Hades Mercenary.
Ngumiti ng pagkalaki laki si Valentino.
"Matagal na rin nung huling may nag invest sa aming Mercenary. Sige payag ako. Paano ba ang tagal at kliyente na gusto niyo?" Tanong ni Valentino. Nag tawag ito ng assistant dahil sa ililista nito ang gusto namin.
"Isa o dalawang kliyente sana tsaka mga isang araw lang, tutulungan pa akong mag pa level ni Rage. Ang bayad bahala na kayo pero sigurado naman akong malaki ito dahil sa pwedeng makapunta si Rage sa mataas na level ng mapa, habang parehas kaming sikat na klase ng player." Paliwanag ko.
Tumango tango naman sila.
"Gusto niyo ipa auction na lang ang kliyente? Siyempre ang pinakauna o pinakamalaking bayad at ang susunod sa listahan ng auction ang magiging kliyente ninyo." Tumango tango naman si Papa sa suggestion ni Valentino.
Umabot na kami sa pag a-auction at nagulat na lang ako hinatak lang ako nila Tito at Papa, namalayan ko na lamang na nasa lugar na kami kung saan mang yayari ang auction.
Grabe!
Habang si Rage ay hindi ko na mahanap.
"Sino hinahanap mo, Anak?" Tanong ni Papa saakin. Umiling ako. Katabi ni Tito si Valentino, kasunod si Papa, 'tas ako na at bakanteng upuan ang nasa gilid ko.
Nagulat ako ng may umupo sa gilid ko.
Susuwayin ko sana dahil sasabihin ko may uupo duon kahit wala naman talaga ngunit nakita kong si Rage ito.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science-Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...