CHAPTER XL: WORLD DEFENDING BATTLE (2)

429 47 0
                                    

RAGE'S POV

Mabilis natapos ang dalawang araw at ito na ang pinaka hinihintay ng bawat isa.

Ang WORLD DEFENDING BATTLE

Top 100 na manlalaro na kasama sa WORLD RANKING ay sila lamang ang maaaring makalaro nito.

Ang top 100 at ang mga manlalarong nakapag register, pati ang mga pinag palang manlalaro ay dirediretsong sasali sa WORLD DEFENDING BATTLE na gaganapin. Sa loob ng labanang ito kahit mag ka-lahi pa kayo, iisang bansa, mag kapatid ay kayo ay maaaring mag laban o ikaw ay aalis at iiwasan ang makakatapat.

Pag kabukas ko ng Headgear ay makikita ko mismo ang Top 100 na manlalaro, para kayong nasa isang capsule na liwanag na kung titingnan ay barrier mo. Dito ay iniipon pa kayo at bibigyan ang manlalaro ng isang oras para makumpleto ang 100 na manlalaro.

May mga player na kahit hindi kasama sa Top 100 ng Global Ranking ay nakakasama sila sa Top 100 sa World Defending Battle, bakit? Dahil natanggap nila ang slot ng players sa Global Ranking na umatras sa nasabing labanan, isa pa hindi mag sisimula ang paligsahan kapag hindi kayo kumpleto.

Sa dami nang nag babakasaling makasama sa Top 100, pipiliin duon ang may pinakamataas na Rank batay sa System.

Natapos ang Top 100 at nag sisimula nang hihupin ng Capsule ang paligid namin.

Sa isang kislap mata ay nag bago ang paligid namin, nandito na ako sa Maze. Ako lamang mag isa at nakita ko ang sarili kong may hawak nang incomplete map.

Hindi mo rin ito napapalawak at lalong ang range ng mapa ay hindi rin malayo. Mukhang madadagdagan lamang ang laman kapag nag gala ako, malay din natin may iba pang paraan para ma upgrade ang map ko.

Ayon sa mapa nasa Eastern part ako ng Maze.

Mauubos ang oras, papatay ako ng maraming player sa tulong ng mapa. Pag katapos ng ilang steps ay may bumulagang kulay pula at kulay ng ginto sa aking mapa.

Agad kong pinuntahan ang kulay ginto dahil na rin sa ito ang mas malapit saakin at duon bumungad saakin ang isang Chest.

Lumapit ako rito at binuksan ito. Nakakuha ako ng isang Iron Sword. Sa pag kakatanda ko ito yung Iron Sword nang mga Level 15 players.

May damage itong -70 physical attack.

Agad kong pinuntahan ang pulang mark at sa mapa ko ay nadagdagan na ng unti ang range, nakita ko rin na mabagal umusad ang kulay pula na mark sa mapa.

Pag kalapit ko duon ay nakita kong ito ang pinakauna kong manlalaro na nakita. Siya ang magiging First Blood.

Maging simbolo sana ang manlalarong ito ng isang swerte. Swerte sa magiging target ko.

Pag kapunta ko sa pwesto ng manlalaro na iyon ay nakatalikod ito saakin, napansin ko rin na tingin ito ng tingin sa mapa niya at balisang tumitingin sa paligid niya. Ngumisi ako dahil halatang kinakabahan ito at wala pa akong nakikitang may hawak itong isang sandata.

Magiging madali lamang ito.

Agad akong tumakbo sa kanya at hiniwa siya.

- 70 damage

Naiwas ako sa kanyang atake gamit ang kamay. 1,000,000 ang HP ko pero dapat maingat pa rin ako. Mamaya sa sobrang focus ko sa ginagawa ko ay biglang may isang manlalaro pa ang dumating at makisama saamin.

Sunod-sunod ko siyang hiniwa ng aking espada.

Matagal din ang naging labanan dahil nung paubos na ang buhay nito ay naisipan niyang tumakbo. Kaya hinabol ko pa ito at basta maabot siya ng espada ko ay hihiwain ko ang katawan nito.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon