CHAPTER XVI: Teaming up

757 67 8
                                    

"Yeah. I only accept NON - VIP Players and Weak Players, apply if you think you are good for my requirements. This team is only temporary kaya kung hindi ka nakasama ngayon bawi ka sa susunod." - Rage. Top 1.

RAGE'S POV

Ibinigay ko sa kanila ang task ng bawat isa, sa bagong update na ito ay hindi pagpapalevel ang ginagawa mo, hindi rin ito sa professions mo kundi ang bantayan ang floor mo.

@Tower of Equipos, beginners area - level 50 map

Ang building na ito ay may limang pu na palapag at mas mataas ang kalalabasan ng inyong ranks kung ang iyong team ay mananatili sa pinaka mataas na floor, ang floor 50.

Ngunit siyempre hindi ito madali dahil sa floor 1 papuntang floor 49 ay meron kang makakalaban na guardians, ito ay malalakas at mahirap mapatay para sa ibang players at pag dating sa floor 50, siyempre bubungad saiyo ang ibang players na nauna saiyo sa floor na iyon at mag lalaban kayo at kapag nanalo ka ay saiyo ang floor na iyon.

"Pasok na po tayo Mr. Rage baka maunahan po tayo sa floor 50." Ngumisi ako.

"Saglit lang, hintayin natin ang lahat na makapasok." Sabi ko at sinunod naman nila ako.

"Rage." Napatingin ako sa tumawag saakin at nakita kong si Avyanna iyon.

Nakita ko rin na kasama niya ang kanyang disciple na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan, napatingin ako sa mga players pa sa likod niya...

Ang Top 2 at sumali rin siguro ang disciple ko sa kanila dahil nanduon din siya tapos may kasama pa silang malakas din, ang top 6 ng Country Ranking.

Tinanguhan ko silang lahat at ngumiti mam saakin si Calum.

"Master sa susunod isama mo ako diyan ah." Tumango ako at ngumiti rito.

"Mag karoon ka muna ng experience at paniguradong isasali kita sa teams ko. Galingan mo 'wag mo akong ipapahiya." Biro ko sa kanya at ngumiti kay Calum. Joke lang naman iyon, kahit ano namang kalabasan ng laban na ito, pinag mamalaki ko pa rin si Calum bilang unang disciple ko.

"Hoy Rage, sa susunod isama mo kami ni Orion at ni Shorkie sa Teams mo. Kompleto na agad tayo kapag nag kataon." Tumango ako "Anong kompleto? Sino nagsabi saiyo na kasama ka? HAHAHA" Biro ko kay Avyanna.

"Hmp. Tara na!" Umalis na galit si Avyanna at pumasok na rin kami ng team ko. 

Pag pasok ay nag karoon agad kami agad ng kalaban, ito'y isang minokawa, a Dragon like Bird na sa sobrang laki sinasabi na kumakain daw ito ng araw na nagsasanhi ng Eclipse... Lahat ng guardians sa bawat floor ay 'yun din ang nasa shops. Pag iisipin ay mag kasunod lang kaming pumasok ng grupo ni Avyanna pero pag pasok namin ay ni isang walang player ay wala dito dahil sa floor 1 to 49 ay puro grupo mo lamang ang makikita mo at sa huling floor pa ang pag haharapan ng bawat players.

Sa bawat floors na mapupuntahan ng bawat teams ay iba't iba ang makakalaban na Guardians.

Sigbin, Berberoka, Bungisngis, Amomongo, Bakunawa, Agta, Mansalauan, Kataw, Tamawo at iba pa. Kadalasan ay ang aming nakakasalamuha na Guardians ay nabubuhay lamang sa tubig kaya ang sahig ay may katubigan na makikita.

Ngunit madali ko lang mapapatay ang iba at wala pa akong nakakalaban na tumatagal saakin pag katapos ng isang atake na natanggap saakin, tumagal lang kami sa ibang floors dahil kailangan ng pahinga ng aking kasama...

Habang hinihintay ang iba kong kasama sa floor 48 ay biglang nag pula ang buong kwarto at isa lang ibig sabihin nun meron nang naka abot sa floor 50 at bibigyan ang bawat teams ng isang oras upang gawin ang lahat upang makapunta ang lahat at agawin ang floor 50 sa Player na iyon.

"Tama na ang pahinga, mag seryoso na tayo." Natapos nila ang Guardian sa floor 49 at ang natitira na oras na lamang ay 30 minuto. 

"29 minutes nalang aabot pa ba tayo?" Tumango ako...

Nakaabot kami sa floor 50 ng Tower at sobrang daming players na nag lalaban malapit sa hagdanan, nakita ko rin na may maliit na kwarto ang floor 50 at duon ako lumapit. Humiwalay na saakin ang mga kasama ko at nakipag rambulan, nag lakad ako duon sa kwarto at walang nag tatangkang humarang sa aking dinadaanan.

Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang door knob, pinihit ko ito at bumugad saakin ang isang magarbong upuan, sakto lang ito sa espasyo ng buong kwarto. 

Umupo ako ruon at umupo ng naka dekwatro, dito kitang kita ang pag lalaban ng lahat. Pinatunog ko ang aking hinlalaki at gitnang daliri, wala pang dalawang segundo ay lumitaw sina Rebellion at Ruiner. Pinaraan ko sila ng tingin at agad silang tumango at yumuko...

Nagkaroon ng itim na usok sa sahig at lahat ng players ay napatingin saakin. Tinaas ko ang kanan kong kamay at hinawi ito pakanan kasabay din nun ang pag kawala nila saaking harapan.

CONGRATULATIONS

The team up competition event is over.

Congratulations to WYTS team. Dominating all opponents and winning at the end, granting them the DOMINATORS title for TEAM UP competition. 

WYTS members:

RAGE, Nicily, DomDom, Jana, Lulu.

Nateleport ako bigla sa labas ng tower, sa labas na nun ay may bago ng display ito ay ang Rankings at TOP 1 na naman ako kasama ang aking teammates. 

"Salamat po at sinama mo po kami sa iyong team Mr. Rage." Sabi ni Jana at tumango na lamang ako. 

"Friends ko na ba kayo sa friend list?" Tanong ko. Umiling ang tatlo. 

"Sige wait lang."

Tinap ko ang likod ng kamay ko at lumabas ang hologram sa harapan ko... Nag recharge ako upang madagdagan ang aking friend limit. Ang 200 ay naging 400 na nadagdagan din ang aking VIP 15 at naging VIP 16 na. 

Nag send sila ng friend request at naging friends na kami ng i-accept ko ito. Nagulantang sila ng malaman na VIP 16 na ako. Nanatili pa sila sa display ng Rankings dahil pipicturan daw nila pangalan nila duon tumango ako at aalis na dapat ng...

"Rage." May sumigaw ng aking pangalan at alam ko na kung sino ito.

"Congratulations!" Nang makahabol ay agad siyang bumati saakin nun. 

"Salamat, sainyo rin Top 2 kayo sa rankings." Sabay na kami nag lakad papunta sa kung saan man, ngumiti ito at tumango tango.

"Bakit?" Tanong ko.

"Magiging Top 1 din ako kapag sumama ka saamin. Isang minuto nalang..." Ngumiti ito ng pag kalaki laki

"Isang minuto ang alin?" Pag katapos non ay lumitaw ang notif na...

Couple Ranking is now opened. (72 hours to end)

Calculating Intimacy

"Hinintay mo talaga ah." Ngumisi ako, tumakbo ang babaeng nagngangalang Avyanna at nung susundan ko na siya ay may batang nanakbo na nadapa sa harap ko. Agad akong lumapit dito...

"'Wag ka ng umiyak, tayo na." Nung binuhat ko na ang batang lalaki ay yumakap ito saakin at duon nag sisinghot singhot. 

"Anong nangyari?" Narinig kong tanong ni Avyanna nung nakabalik na siya.

"Nadapa" Sabi ko. Tumingin ang batang lalaki kay Avyanna at itinaas ang kanyang dalawang maliit na braso. Agad ko itong binigay kay Avyanna.

"Hindi naman siguro 'to NPC no? hoy bata magsalita ka ngayon din." Sabi ko rito. 

"Mama! Papa!" At pumalahaw ulit ang bata sa pag iyak nito.

[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 16: TEAMING UP FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon