ALEXANDER AMORY'S POV
*Friday*
"[Log in]"
"Sorry you can't log in for today."
Agad kong tinanggal ang aking headgear at niligpit ang ibang kagamitan. Ano kayang nangyayari sa *No Name*
Dahil wala naman na akong gagawin ay lumabas ako sa aking kwarto, Pag kababa ko ay nadatnan kong nanunuod ng tv si Alina.
"Bakit walang *no name* ngayon?" Tanong ko.
"Under Maintenance ang *No Name* ngayon at mabuting i-update nila ito dahil sa dumarami pa lalo ang players. Mas palalakihin yata nila ang mapa dahil sa ngayon hindi lang kabataan ang mag lalaro na nito, Siguro pati matatanda na rin.
Ayon sa aking estimated numbers na mag lalaro ay baka 95% ng buong tao sa mundo ang mag lalaro na nun. Kabahan ka na baka maagaw nang mayayaman ang iyong Top 1. HAHAHAHA" Tumawa ng malademonyo ang babaeng nasa aking harap.
Umalis na ako duon dahil baka kung ano na naman maisip nun.
"Samahan mo ako sa Market. Wala ng stocks ang aking refrigerator dahil malakas kang kumain." Utos ko kay Alina.
Sinamaan naman ako nito ng tingin...
"'Wag mo akong samaan ng tingin dahil sa isang araw ay limang beses ka kung kumain." Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag at pag katapos i-lock ang pinto at umalis na kami sa apartment na iyon.
Habang papasok kaming mini market ay may human sized hologram ang lumitaw sa aming harapan.
"Don't be afraid!
We will fight until our last breath. Everyone let's work together.
Protect the innocent!" Nag karoon ng gera ang makikita sa hologram."Play now - Legendary Monarch.
Online RPG game, fight with your friends. Defeat the boss and rank up with your team." Gumalaw ang hologram at ipinakita nito ang curent rankings sa laro. "Legendary Monarch with a player of 150 Million all over the world. Be powerful and strong just like the top 1"Napapalakpak pa itong babaeng katabi ko ng ipakita ang top 1 sa laro. Hindi parin nag bago ang reaksyon ko dahil wala naman nag bago sa larong ito.
Alam ng lahat na ang pinakauso at pinakamagandang laro sa balat ng lupa ay ang *No Name* pero itong legendary monarch ay ang larong pumapangalawa lamang.
"Mag ddl ako niyan mamaya. Dapat makalaro ko yang top 1. Tamang tama under maintenance ng 3 days ang laro kaya naman mapapalakas ko pa ang aking character." Kumislap pa ang mata ni Alina nung sabihin niya yun.
Pag katapos mamili ng kakailanganin sa apartment ay umuwi na rin kami ni Alina, himala at hindi siya nag pabili ngunit hindi mawala ang paulit ulit na "Excited na akong laruin ang Legendary Monarch." Napailing iling na lang ako at naiiwan na ako sa pag lalakad niya sa sobrang bilis niyang gustong makauwi agad.
Nang makauwi ay agad itong naupo sa sofa at nag download na nga. Habang ako ay nag simula na akong mag tanggal sa plastic ng binili namin at mag hiwa ng bawang at sibuyas...
Nakapag saing na ako habang si Alina ay nag pipipindot na ng kanyang cellphone.
"Kakain na." Sabi ko kay Alina.
"Mamaya na, mauna ka na." Hindi ko na siya hinintay pa at nauna na ngang kumain dahil gutom na gutom na ako.
Pag katapos kong kumain ay nakatutok parin siya sa pag se-cellphone. Grabe!
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...