ALEXANDER AMORY'S POV
"Kuya look, This is a new VIRTUAL REALITY GAME that will be out in the public after a few years." Napatingin ako sa aking maliit na kapatid. May dala-dala itong ipad, ipinakita nito sa akin ang laro na ginagawa pa lamang ngunit inaabangan na nang iba.
"OH. What is the game's name?" Tanong ko kay Prince Caspian.
"VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS" Tumango ako. Ang angas ng pangalan ah.
Mamaya ay umalis na ang aking kapatid sa aking harapan. Napapanuod ko pa rin sa T.V dito sa apartment ang paulit-ulit na laban ko sa Big Boss.
"Babalik ka pa sa pag lalaro?" Tanong ni Alina sa akin.
"Hindi ko pa alam. May gusto muna akong ayusin ngunit hindi na sa laro mismo kundi sa mismong buhay ko na. Gusto kong magkaroon ng tahimik at masayang buhay." Ngumiti ako ng sabihin ko 'yun kay Alina.
Gusto kitang makasama pang habang buhay Alina.
"Bakit mo ako ipinag bihis? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Alina sa akin.
Pupunta tayo sa mga magulang mo Alina, hihingiin ko ang kamay mo sa iyong mga magulang. Ngunit nginitian ko na lamang siya at hindi 'yon sinabi.
"Isang formal na meeting ito kaya kita ipinag bihis. Kapag tayong dalawa lamang okay lang sa akin na kahit ano ang suotin mo o kaya naman 'wag ka na magdamit pero sa ngayon importante lugar ang pupuntahan natin." Hindi ko na siya hinintay na mag salita.
Hinatak ko na siya at may isang magarang sasakyan ang sumundo sa amin ni Alina. Dinala niya kami sa isang sikat at kilala sa pag kain bilang mahal at masarap kung mag servings.
"Oh. Bakit tayo nandito? Mahal dito ah. Sabihin mo na kasi anong gagawin natin?" Tanong ni Alina. Hindi makapag hintay
"Kakain at kakausapin ang mga magulang natin." Sabi ko. Ang kulit naman nitong babaeng 'to. Hindi ba siya makapag hintay na makasal sa akin?
Hehehe Joke lang! Wala naman siyang ideya sa mangyayari eh.
Pag pasok namin sa restaurant. Nakaupo na ang Mama at Papa niya sa upuan na mahaba at nakatalikod sa amin ang isang babae at lalaki. Nang makita kami ng Mama ni Alina tinawag niya kami at pinapapunta sa pwesto nila.
"Ay anak. Dito! Ah Alexander. Ang gwapo mo naman." Ngumiti si Tito at Tita ng makita kaming dalawa.
Pag kaharap nung dalawang tao na nakatalikod ay ito ang magulang ko. Napauwi galing Europe ang Mahal na Hari para mamanhikan sa pamilya ng babaeng nais kong pakasalan.
Si Mama naman na nasa Pilipinas tuwang-tuwa dahil mag kikita sila ng kanyang kumare.
"Hello po." Nginitian ko ang magulang ni Alina at bumati pabalik si Alina sa parents ko.
"Maupo kayo, maupo." Sabi ng papa ko.
Umupo naman ako at katapat ko si Alina habang katabi ko ang mga magulang ko at nag simula na kaming kumain. Dahan-dahan ang pag kain ko, at si Alina naman ay naguguluhan pero dahil natikman niya gaano kasarap ang pagkain dito ay naging walang pake na siya sa paligid niya.
Itong babaeng 'to!
Nang matapos kumain ang lahat nang nasa hapag kainan, inihanda na ang desserts.
Isang matamis na pagkain para sa tamis ng pagmamahalan na gagawing legal.
"Nasabi mo na ba kay Alina ang gusto mong mangyari?" Tanong ng Papa ko.
Umiling ako para sabihin na hindi pa po.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...