CHAPTER LXIV: Big Banquet

389 45 13
                                    

"Kung isusuot mo ito, lahat ng komplikado sa atin magiging pormal, at lahat nang malabo mabibigyang linaw. Kitain mo ako sa Banquet. Suot ko 'yung Heroic Wedding Rare Skin."

---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Ang tema ng lugar na pag gaganapan ng banquet ay isang eleganteng malawak na lugar. Ito ay tinaguriang Map Level 0, muling mag sasama at mag kikita-kita ulit ang mga iba't ibang server at ang mga players nito. Dudumugin ulit ang lugar na ito ng mga players ngunit ang ating bidang si Rage ay ma-s-summon sa pinaka gitna ng banquet dahil sa ang pag sasalo na ito ay para sa nanalo ng WORLD DEFENDING BATTLE

Ang inihanda na pagkain o putahe rito ay ang mga pag kain na sikat sa inyong bansa at sa iba't ibang bansa.

Isang upuan na elegante rin ang makikita sa gitna ng mapa, gawa iro sa ginto at para sa isang espesyal na tao lamang ang makaka upo rito. Upuan ito nang mismong nanalo sa naganap na event.

Isang mabagal na ritmo ang iyong maririnig sa kung saan man, para itong nag e-echo pero kahit ganun ay maganda pa rin itong pakinggan.

At sa likod nang upuan na malaki ay ang malaki't mataas na puno at ang mga sanga nito ay ipina-paikutan nang mga Skill Scrolls.

Sinasabing kung pinakaramdaman mo raw ang puno sabay ng isang maamong ihip ng hangin, kahit ika'y nakapakit, may papasok na isang imahe sa iyong isipan, isa itong scroll na maliwanag.

Ito ang Skill na nakatadhana para sa'yo.

Ang bawat scrolls ay may kaakibat nang iyong luck at nang iyong destiny.

Ang kalangitan ay parang isang maalon na dagat, ang ganda nito ay walang katumbas.

Pag patak nang orasan sa saktong alas dose ng umaga ang Banquet ay nag simula na. Isa't isang nag karoon ng liwanag sa laro at ang lumabas ay ang isang pigura ng tao (player) Isang manlalaro.

Sarado muna ang Somniator's Food and Beverage ngunit isa ang pagkain nila sa mga hinahandang pagkain para sa pag sasalo na ito.

Mabilis lumipas ang orasan, ang oras ay alas-tres na.

Ang mga manlalaro ay dumarami na rin at isa-isang kumakain, ang pag kakaroon at pag sasama sama nang mga grupo ay nakikita na.

Grupo para sa mag kakakilala pa lang, grupo para sa mag kaka-Ally, at siyempre ang mga indibidwal na gusto lamang mag isa.

Ang manlalaro ay umabot na sa 85% na populasyon at tumataas pa ito, importante sa kanila ang Skill Scrolls kaya naman hindi nila ito papalampasin.

Dumating na ang mga pinakabigatin na bawat manlalaro, sila'y kilala sa pera o kaya naman sa kanilang istilo nang pag lalaro.

Kinukumpleto na rin ang mga nasa Top 100, sila ang pinaka hinihintay dahil sila ang nag laro sa WORLD DEFENDING TITLE

Pati ang ilang Rankings sa bawat kategorya nito ay inaabangan na rin. Isa na dito ang Beauty Rankings.

Maliban sa sila'y sikat, galing sa magandang pamilya, sila rin ay malalakas. Sinong tao ang ayaw makakita nang magaganda diba?

[PLAYERS ARE 98% COMPLETED, WE WILL WAIT FOR THE MAIN CHARACTER]

Isang salita galing sa system ang narinig nang bawat isa. Nakinig lamang sila saglit at nag titingin sa paligid.

Ala-singko na at para sa ibang player late na ito at kailangan ng matulog. Pero para sa pinakahinihintay nilang manlalaro at sa Skills Scrolls titiisin nila ang antok.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon