CHAPTER XXXIX: WORLD DEFENDING BATTLE (1)

408 42 0
                                    

ALEXANDER AMORY'S POV

5:00 am na ako nakauwi sa Pilipinas. Pag kauwi sa apartment ay diretso agad ako sa kwarto. Siguradong tulog pa si Alina kaya hindi ko na ito ginambala.

Pag kapasok ko sa maliit kong kwarto rito ay agad kong binuksan ang Somniator laptop. 'Yung latest ulit at mahal siyempre na brand.

Duon ay nag simulang lumabas ang mukha ng aking mga Dukes, Marquess at Earls.

Duon ay kinausap ko sila about sa lupa nila at problema ng bawat isa.

Nabanggit ko rin ang montly budget nang bawat isa. Kailangan nilang mag send saakin ng tig-iisang report about sa buong detalye nang pinag gastusan nila. Sabihin ding mabuti saakin ang hinaing at payo ng kanilang mga mamamayan.

Sa tulungan ng bawat isa sigurado akong walang gulo na hindi malulutas.

Bilang isang mabait at maalaga sa kaniyang mamamayan na Grand Duke, isa rin akong malupet at mahigpit na tao.

"Grand Duke, about the barbaric enemy? What should we do with them?" Tanong ng isang Duke.

Napaisip akong mabuti at...

"Silence them." Isang tahimik na sagot ang bumungad sa Online Meeting at natuloy ulit ang usapan nang may mag bago ng tanong.

Natapos ang pag pupulong sa isang maayos na usapan. Duon ay nasulusyunan ang ilang problema at ang hindi ay kailangan pa ng isang mas mabisang desisyon. Hindi pwedeng mag padalos-dalos dahil na rin sa buhay ng inosenteng mga tao ang madadamay.

Nag pahinga lang ako saglit at kinuha na ang aking Headgear sa gilid ng kama. Agad ko itong sinuot at inayos ang settings sa Pilipinas na server.

Mabilis lang ang naging proseso at maaari na ulit akong mag laro sa Pilipinas.

"[Link Start]"

Pag pasok ko sa laro ay siyempre bumungad na naman ang

RAGE IS ONLINE, FIGHT FOR YOUR OWN GLORY AND FOR POWER!!!

New mail is recieved

[Read] or [Ignore]

Siyempre pinindot ko ang [Read]

"Hi Player RAGE, We are thankful for your efforts on making yourselves as one of the most promising and powerful player to ever play this game *No name*

We are inviting you to take part on playing and joining the WORLD DEFENDING BATTLE on (Month)** (Day)**. You are surely qualified on joining the said upcoming battle. We hope that you made up your mind and join this year's WORLD DEFENDING BATTLE.

Show the World your supreme existence and legend on the game. Please response immediately to the survey below." - From *No name* game development and friends.

[Yes, I will join] or [No, I will not join]

Pinindot ko ang [Yes, I will join]

Kung tutuusin ay tatlong beses lamang ako nakasali rito. 'Yung first year ko sa laro, 3rd year, at 5th year. Kung tatanungin niyo naman ako paano 'yung 2nd at 4th year ko ay dahil sa tinamad ako o walang oras dahil nung oras na iyon ay nag karoon ako ng problema sa lupa na sinasakupan ko. Bilang isang Grand Duke uunahin ko iyon siyempre.

Ngunit sa tatlong beses na iyon ay palagi ko namang naiuuwi ang kampyon at ngayon bilang pang anim na taon kong pag lalaro ng *no name* at saktong ikasampung taon ng laro o anniversary nito ay duon din ginaganap ang WORLD DEFENDING TITLE.

Ako ay mag lalaro at ipapakita muli sa buong Mundo na ako si Rage. Ang pinakamalakas na manlalaro ng larong ito.

Sa taon na ito. Maze ang mangyayaring tagpuan sa laro. Bawat WORLD DEFENDING BATTLE ay iba iba ang settings ng lugar.

Nung nakaraan sa pagkakatanda ko sa isang mainit, maapoy na bulkan ang settings at mag lalaro at maglalaban ang Top 100 players na iyon, paunahan sa tuktok ng bulkan. Ang dalawang matitira ay duon mag lalaban sa taas ng bulkan na iyon.

Dahil kasama ako ruon, 'yung huling nakalaban ko ay natalo na at pag katapos kong gulpihin ang manlalaro ay hinila at dinala ko ang kanyang nanghihinang katawan at inihulog ito sa nag babagang bibig ng bulkan. Duon ay ako ang itinanghal na panalo. ('WAG TUTULARAN)

Bagay talaga ang salitang Rage sa pangalan ko.

Mag sasarado ang bawat server sa mas madaling panahon at ang tanging mag lalaro lamang ay ang Top 100 na kasama sa [WORLD RANKING]

Para mapanuod ang nangyayari sa loob ng laro ay System mismo sa laro ang mag rerecord nang nangyayari sa laro. Isang live na maaari mong i-stream through internet or online o kaya naman mapanuod sa TV.

Isasarado ang individual recording ng bawat player. Hindi ka pwede mag live mag isa para mapanuod ng iba at kung tatanungin niyo bakit ipinag bawal? Dahil sa lahat ng event na mangyayari, kapag nag live ang pinakamalakas na player sa laro para mapanuod ng fans nito, ang mangyayari ay maaari itong mag pabayad sa manunuod at siya lamang ang tanging papanuoran.

Ang tanging dudumugin.

'Wag kayo mag alala. Sa anim na taon ko sa paglalaro isang beses lang ako nakasali mismo at subukan mag salita sa isang live, live lamang ni Yam.

Mas okay na rin naman ako sa system na nang laro ang mag live. Para patas. Dahil masyadong mabenta ang *no name* hindi na ito nag papabayad sa mamamayan para makanuod sila ng live. Basta may cable lang ang iyong TV o may internet connection kayo sa inyong bahay, maaari ka nang makapanuod ng paligsahan na gaganapin.

Habang ako, ako lamang ay mag lalaro at sasali sa paligsahan na iyon.

Umalis ako sa *no name* para kumpirmahin kung sino ang mga sasali at umayaw ngayong taon.

Sa computer ko ay nag load ako ng Game guide ng *No name* duon ay unang bubungad ang mga pangalan nang mag lalaro.

Top 100 W.D.B confirmation
Top 1
• Rage - Confirmed
Top 2
• Pain_n_Pleasure - Confirmed
Top 3
• 매력적인 - Confirmed
Top 4
Matthew - Confirmed
Top 5
• William - Confirmed
Top 6
• Jafari - Confirmed
Top 7
• Sebastián - Confirmed
Top 8
Orion - Confirmed
Top 9
• 梦想 - Confirmed
Top 10
Aaradhya - Confirmed

Hindi pa kumpleto ang listahan ngunit ito ay nadadagdagan. Hinanap ko ang pangalang Avyanna at nakasama ito at pang 19th Rank. Natuwa ako dahil maaaring makalaro ko siya sa loob ng laro ngunit sana 'wag ko siyang makalaban o kung mag tagpo man kami mag tatagpo lamang.

---------------------------------------------------------
[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 38: WORLD DEFENDING BATTLE (1) FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon