RAGE'S POV
"Sige sa gitna ng Beginners Area. Sa parte kung saan maraming tao may hihintayin pa kasi ako na players duon. Nga pala paano ko malalaman na ikaw yun?"
"Ako yung player na may flairs at nakadamit ng skin na kulay pula. Tsaka alam ko na naman itsura mo eh." - Rage
---------------------------------------------------------Hapon na ng makuha ko yung bagong headgear. Kulay itim ito at maangas ang itsura. Umabot na sa gabi ang aking paghahanda ng headgear na ito at ng matapos ay kumain ako at nag tooth brush at natulog na pag katapos.
(Ito na nangyari sa dalawang araw na lumipas)
Nang magising ay nag hilamos lang ako at nag simula na sa pag lalaro. Umaga kasi ang usapang oras ng pag kikita namin ni Rue at nang grupo niya, saktong ganon rin ang sa magiging master ko sa laro mabuti nalang ay parehas lang ng lugar ang pagkikitaan namin.
"[LINK START]"
RAGE IS ONLINE, FIGHT FOR YOUR OWN GLORY AND FOR POWER!!!
Agad akong nag teleport sa Level 1 Map galing Level 150 map. Tsk! Kailangan ko na talagang mapataas ang aking level pa ng map at mag hanap pa ng magagandang kagamitan.
Dumiretso ako sa Item Shop ng Haidra na mundo. Mauubos na kasi ang stock ko ng Teleport Stone ko. Pag katapos makabili ng isang libong piraso ay dumiretso na ako sa pinaka gitna ng Beginners Area. Mabilis lang ang pag karating ko ruon dahil sa mata ng ibang player ang tanging suot ko lang ay makintab na armor.
Nadatnan ko si Master sa gitna. May kinakalikot ito sa hologram niya. Pumalakpak ako ng sobrang hina at nag bago ang itsura ko. Nag suot ako ng Heroic skins yung walang partner at in-equip ang flair ng heroic flair.
The Master's POV
Busy ako sa pag bibilang ko ng rare materials na nakuha ko sa pag bili ng mga materials na sa ibang player. Oo at hindi mataas ang level ko pero mapera naman ako sa laro dahil sa ako ang kinukuhanan ng armas, sandata ng mga combat type na Players.
Nang may yapak ng sapatos ang tumigil sa gilid ko. Kanina ko pa narinig na Online si Rage.. Akalain mo 'yon nakasabay ko pa siyang online.
Pero sigurado naman akong sa sobrang lakas ng player na yun ay baka 1 out of 100% ko lang 'yun makikita sa personal.
Inangat ko ang aking ulo at bumungad saakin ang matangkad na lalaki. Nakadamit ito ng Pula at may flair na kumikintab.
At para sabihin sa inyo. Ang nakikita ko ay hindi isang damit lamang kundi isang pinaka rare na costume sa laro.
"Master. Its me! Nice to meet you po. Ako po si Rage." Pagpapakilala niya, ang blankong pangalan niya ay mas naaaninag ko na ng maayos. Duon kitang kita na ang mga detalye sa kanyang account.
Name: RAGE VIP: 20
Title: DUKE (MAX)
Fame: 10,000,000
Level: 250Character: WARRIOR
GOLDS: ???FLAIRS:
OVERPOWERED PLAYER
BILLIONAIRE
HEROIC FLAIRPHYSICAL STATISTICS
Strength: 1,00,000,000,000
Constitution: 1,000,000,000,000
Dexrity: 1,000,000,000,000MENTAL STATISTICS
Intelligence: 666,666,666.66
Charisma: 666,666,666,666.66
Luck: 666,666,666,666.66TOTAL: 5,000,000,000,000 BTL POWER
SKILLS
• STRIKE LVL. 230 [98%]
• BEHEADED LVL.230 [98%]
• KILLING SPREE LVL.227 [97%]
• MANY MORE [OPTIONS][OPTIONS]
• SEND FRIEND REQUEST
• SEND MESSAGES
• BLOCK
• FRIENDS (400/700)
Increased in limit? Recharge!
• REWARDS/GIFTS (???)[TRADE]
[SETTINGS]"Max na pala VIP mo?" Ngumiti ako sa kanya. Akalain mo nga naman. Magiging disciple ko pa itong pinakamalakas na player na ito.
"Ah yes po. I am not really planning too but to increase my friend limit, I need too. Therefore, the upgrade was necessary, isa pa mag s-send ako friend request sa inyo at sa kikitain o makikilala ko pa po." Tumango ako sa makabuluhang paliwanag niya.
"Let's proceed na sa contract." Habang nag l-loading ang aming Master and Disciple contract ay lumabas na Top 2 lang kami sa buong System Rankings.
"Sino kaya ang Top 1?" Pag tatanong ko.
"Sa akin rin po Master. Naging top 2 lang po tayo dahil sa bumabatay ang Rankings sa magiging benefits na makukuha mo sa isa't isa. Mas mataas po ang btl power ko kumpara sa inyo kaya naman top 2 lang tayo." Tumango tango ako sa paliwanag niya.
"Sino ba ang kikitain mo? Aalis ka ba? Pwede pa naman tayo mag laan ng araw na mag kikita tayo upang magawa ko na ang espada mo at mabigyan ka ng unting aral sa paggawa ng tamang hakbang sa paggawa ng espada." Sabi ko sakanya. Malakas yata ang disipulo ko kaya naman sigurado akong busy to.
"Sa level 1 map lang din naman at sa Tavern ko sila kikitain." Kumislap ang mata ko nang malaman 'yun.
"Tara at mag sabay na. Duon din ako patungo" Habang nag lalakad kami ay pinag titinginan kami. Maraming bumabati kay Rage pero 'yung iba ay pinapansin niya at 'yung iba naman ay hindi.
Kahit maraming nakaharang ay nakita ko na lang sarili kong nasa may tavern na ng mapa na ito.
Wuuu. Grabe, parang dahil sobrang dami ng players, ay kung anong init ang nararamdaman ko kapag nag gagawa ako ng weapon o armor ay ganon din ang temperatura sa dami ng players na nakapalibot saamin.
"Master hindi ko pa pala alam ang IGN mo." Narinig kong may nagsalita sa gilid ko. Tinaasan ko ng isang kilay ang lalaking ito.
"H-hindi mo ba ako kilala?" Pag tatanong ko. Umiling naman ito...
"W-what? Totoo ba yan?" Halos maiyak na ako rito, sobrang proud pa naman ako sa sarili ko 'tas di pala niya ako kilala.
"Ako si Sweet Viper. Isa akong blacksmith, kilala ako sa mga armor at weapons na ginagawa ko. Mababa lang ang aking level at hindi magaling sa combat pero sigurado naman akong malaki ang tulong ko para sa mga katulad ninyong combat type na player. Kitain mo lang ang nais mong kitain at mag sisimula na tayo sa pag aayos ng espada mo. Gusto mo rin bang simulan ang pag tuturo sa iyo sa pag forge ng sword?" Tanong ko. Magandang ituro na sa lalaking ito ang lahat.
Sabay kaming pumasok sa loob, duon nakita ko sila Rue. Sa kanila kasi ako kumukuha ng kagamitan, isa pa kung hindi rin naman dahil sa kanila wala ako magagawang sandata at kalasag.
"Rue. Arceus." Pag tawag ko sa kanila ay agad na akong lumapit. Sumabay pa rin si Rage sa pupuntahan ko.
"Wag mong sabihin na sila rin ang kikitain mo?" Tanong ko.
"Sila nga iyon, Master." Ngumiti si Rage at mamaya ay siya na ang naunang mag lakad sa grupo.
Habang ako ay naiwan at nakatulala.
[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 20: MY MASTER FIN]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...