RAGE'S POV
Dulot ng mataas kong stats sa perception ay mabilis ko na sense na may bagong player na nakarating sa Level 231. Ang bilis naman, ganon ba talaga kapag may dagdag kang EXP na makukuha.
Isang malaking sana all.
[Perception - Alertness, Awareness, Cautiousness... Character's opens to their surroundings detect vital clues, traps, or hiding enemies, and might influence combat sequence or the accuracy of range attacks.]
Agad kong sinundan ang pinang gagalingan na direksyon nang player na iyon at pag dating ko ay si Avyanna ang aking nakita.
Napaisip ako at Oo nga pala iniwan ko siya sa map Level 200 kaya sigurado akong makakasunod ito sa Level na ito ng mas mabilis kumpara sa ibang players.
Iba talaga kapag may kasama kang Rage pag magpapalevel up ka.
Hindi mawala ang ngiti ko nang makalapit na sa kanya, suot-suot nito ang puting Heroine Wedding Skin kaya naman sinuot ko rin ang akin.
Tinanggal ko kasi kahit costume, maaaring madumihan ito dahil Virtual Reality ang laro, kanina lamang nang bully ako kaya naman nadumihan pa rin ang aking suot.
'Tas kapag nadumihan ito sa oras na tinago ko itong Heroic Wedding Skin maaari ko ulit itong gamitin sa susunod na araw. Ganun katagal kaya naman ayaw kong nadudumihan ito.
Isa pa pala hindi ko pa natatanggap ang aking malupitang reward dahil sa kinakalkula pa ng system ang aking mga napatay na MOBS.
Madami din 'yun ngunit mukhang good mood pa ang System at ayaw pa mag simulang mag trabaho. Kaya sige pag bigyan na.
Uunahin ko pa ba ang reward na iyon kung nandito na ang aking Girlfriend.
"Surprise!" Ngumiti si Avyanna.
"Na miss kita." Napatitig ako sa mukha ng babaeng ito, ang ganda talaga.
"I miss you too, nakita ko ang System Record sa nangyaring labanan. Hindi ka ba pagod?" Tanong saakin ni Avyanna.
"Nope. Mabilis na mapuno ang Stamina Bar kapag max level ka na, 'tas dagdag mo pang nakita kita kaya naman sobrang bilis nawala ng pagod ko." Napatango si Avyanna.
Lalong ngumiti ito dahil nagustuhan ang aking pag sagot.
[Constitution - stamina, endurance, Vitality. Sturdy a character is influence hit points, resistance for special type of damage (poison, illness, heat etc)]
Totoong nawala agad ang aking pagod, as it will only take seconds para mapuno ang MP Bar ko at HP. Dagdag mo pang Bilyon at Milyon na ang bawat stats ko.
Hindi na ako nakakakuha ng EXP ngunit hindi ganon ang Battle Power ko, sa ngayon nadagdagan na naman ako ng isa na namang Bilyon sa stats.
Ang bawat Skills ay may Levels, hindi ko ganong pinapakita sa isang dahilan, patuloy pa kasi itong lumalakas.
What's the point of showing, if my Skill Level is dynamic in itself.
Sa ngayon isang bilyon ang dagdag dahil sa madalas kong nagagamit ang Darkness Element at siyempre ang bago kong Light Element.
Kapag pinalakas ko pa ang paggamit ng Light Element, hindi ako mapipigilan nang kung sino kapag gusto kong gawing dalawang digit ang Bilyon kong Battle Power.
Nag kakaroon din ako ng balita kay Prince Caspian. Sa tulong nila Rouge.
Mukhang ang kapatid ko ay 'yung klase ng player na hindi gusto ng combat ngunit nahihilig sa Blacksmithing o profession.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...