RAGE'S POV
May mga nakapasok pa rin sa loob ng pader na mataas na sa tulong ng mga patay na katawan na nag kapatong patong. Dahil sa dugo kumakalat ang masangsang na amoy sa buong paligid.
Ngunit para sa akin na sanay na at paulit-ulit itong ginagawa sa iba't ibang mapa ay hindi na naging big deal pa para sa'kin ang pangyayaring ito.
Tinignan ko ang dalawang NPC.
"Gawin niyo ang lahat para mapatay ang ilang MOBS na nakapasok sa loob ng inyong lugar at kung tapos na ang trabaho mag bigay kayo ng senyas sa akin. Ang senyas na iyon ang pahintulot niyo dahil gagamit ako ng delikadong Element.
Mataas ang inyong pader ngunit kung ikukumpara sa kumpol kumpol na katawan ng mga patay na MOBS at mga tao ninyo para niyo na ring ginawan ng daan ang kalaban papunta sa inyo." Paliwanag ko.
Tiningnan ko ang dalawang NPC na ito. Nakatulala sila sa akin ngunit binaliwala ko ito...
"KILOS!!" Utos ko at tinulak duon ang dalawang NPC, agad silang natauhan at tumulong sa pag patay ng MOBS sa loob.
Ngayong mag isa na lang ako, ginamit ko ang aking espada para mapatay ang ibang MOBS na mag tatangkang pumasok sa loob ng pader na iyon. Hindi ko na inisip ang bridge sa Level 239 dahil sigurado naman na binabantayan nila Rebel at Rebellion 'yun.
At kung sakaling may lalagpas ay mayayari sa akin ang dalawang devil na 'yun.
---------------------------------------------------------
Sa kabilang banda30 na NPC sundalo ang nag tutulungan upang mapatay ang isang MOB. Malaki kasi ito at malakas kaya naman nahihirapan ang mga sundalo para mapatay ito.
Si Roy isang NPC ang lumapit sa MOB na iyon. Kung titingnan siya 'yung nagsabi na buksan ang gate para makapasok si Rage.
May dala dalang spear si Roy at inasinta ito sa kalaban na MOB, tumama ito sa pinakamahinang parte ng katawan ng MOB na iyon. Sa ulo. Dahil nasaktan, nagalit ang MOB at binabaliwala nito ang 30 na sundalo at galit na sinugod ang NPC na si Roy ngunit sa likod ni Roy ay lumabas ang isang NPC na si Core. May dala itong malaking shield at dambuhalang espada.
Tama nga sila na kapag galit ang kahit tao o hayop, katawan ang unang kumikilos at hindi ang utak. Tumama lalo ang spear na nakatusok sa ulo nito sa malaking shield. Dahilan para lalong lumalim ang tusok.
Nung malapit na sa dalawang NPC ang MOB ay bumagsak ang katawan nito sa harap nila.
Napatingin sa paligid sina NPC Roy at NPC Core, sinusuri ang paligid kung may MOBS pang kailangang patayin ngunit wala na. Nag tanguan ang dalawang NPC, tumakbo si NPC core sa lugar na nanggagaling ang tunog na *GONG* *GONG* at nung nandon na siya ruon nag simula ang senyas para kay Rage at isang senyas na nag pagulo sa ibang NPC.
Mag papatunog kalamang kasi non kapag may padating na MOBS. Sa isip ng ibang NPC ano 'to? Bagong bilang na naman.
Sumigaw si NPC Roy na mag tago sa pader na mataas, napanuod ng ilang NPC ang laban nila NPC Roy at Core kaya sinunod nila ito.
Nagbago ang pag tingin ng ibang NPC sa kanila dahil sa kanilang katapangan.
Balik kay Rage,
---------------------------------------------------------
*GONG* *GONG*
Isang tunong ang nag pabalik sa akin, pwede ko nang gamitin ang Darkness Element Corrosive Effect.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...