"Ba-bakit hindi kita kayang patayin? Gustong gusto na kitang patayin para maiparanas ko sayo yung sakit na pinaranas mo sa akin pero bakit hindi ko magawa?"nakatungon tanong ko sa kanya
"Kasi mahina ka"sagot nya
Umiiyak akong nagangat ng tingin sa kanya. Gustong gusto kong magalit sa kanya pero sa tuwing nakikita ko yung mukha nya ay nawawala
"A-ako nalang kaya ang pa-patayin mo. Wa-wala narin naman a-akong kwenta dito"mas lumalakas ang hikbi ko habang sinasabi ko yon sa kanya
Gusto ko na mawala yung sakit eh. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko nalang mawala sa mundong ito
"Naalala mo ba na prinsesa ka ng light kingdom. Kapag pinatay kita ay mabubuhay ka ulit"walang emosyon nyang sabi
"Edi pagnabuhay ulit ako ay patayin mo nalang ulit ako!"sigaw ko sa kanya
Tumayo ako sa harap nya at saka sya tinitigan ng seryoso sa mata nya
"Parang awa mo na" pakiusap ko sa kanya
"Sa tingin mo, kaya kitang patayin? Sa tingin mo, kakayanin kong makita ka na mamatay sa harapan ko?"
Oo! Nagawa mo na akong pahirapan! Nilagay nyo ako sa machine na nagtanggal ng ibang kapangyarihan ko! Nagawa mo akong saktan!
Gustong gusto ko yon isigaw sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya
Tinalikuran ko nalang sya at saka naglakad pabalik sa academy ng nakatungo
"Sumama ka nalang sa amin Xarein. Kalimutan mo sila. Sumama ka nalang sa akin, hindi kita sasaktan"
Pinunasan ko yung luha ko bago humarap sa kanya "Nagawa mo na akong saktan kaya hindi ako maniniwala na hindi mo na ako kaya pang saktan. Wala na akong tiwala sayo"
Pagkatapos ko iyong sabihin ay nagteleport ako sa labas ng academy at saka pumasok don
Nagteleport ulit ako sa dorm at don ko nakita sila Eshton na nakaupo sa sofa
Agad silang tumayo at lumapit sa akin ng makita ako
"San ka galing?"
"San ka pumunta?"
"Ayos ka lang ba?"
"May nangyari ba sa iyo?"
Hindi ko pinansin yung mga tanong nila. Nilampasan ko lang sila at saka pumunta sa kusina para kumain
Habang kumakain ako ay pumasok sila sa kusina at umupo sa mga upuan nila
"San ka galing?" Tanong ni Eshton
Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko
Iniisip ko yung sinabi ni Dane sa akin. Hindi nya ako sasaktan? Eh nagawa nya na nga eh
Sinungaling sya! Hindi na ako maniniwala sa kanya. Hinding hindi na ako magtitiwala
"Ashley, sumagot ka naman" sabi ni Eshton
Hindi ko sya ulit pinansin. Nung matapos ako kumain at nilagay ko yung pinagkaininan ko sa lababo at saka nagteleport papunta sa light kingdom
"Mom, dad" tawag ko sa kanila
Pumunta ako sa trono nila at don ko sila nakita na nakaupo kaya agad akong lumapit sa kanila
"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko
Naramdaman ko kanina na ipapatawag nila kami kaya nauna na ako dito
"Intayin nalang natin sila" sabi nya sa akin

YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
AléatoireThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...