Chapter 63

464 25 2
                                    

Nung makabalik kami sa academy ay sumalubong sa amin si HM

"San kayo galing?" Tanong nya agad

"Nagpahangin lang po" sabi ni Rhea

"May mahalaga akong sasabihin sa inyo" sabi nya

Nagpalabas ako ng tubig at ipinalibot ito sa amin. Alam ko na may nakikinig sa amin

"Kailangan nyong maghiwahiwalay sa darating na digmaan. Pupunta ang iba sa ibang lugar ang may mananatili dito"sabi nya

Agad na kumunot yung noo namin at saka ako nagtanong "Pero HM paano itong academy"

"Kagaya ng sinabi ko, may maiiwan dito sa academy. Hindi natin pwedeng hayaan yung ibang lugar na maaring sakupin din ng mga dark magicians. Magiging ligtas ang academy kasi nandito naman ako at mga prof para tulungan ang maiiwan dito. Yung iba sa inyo ay aalis kasama ang ibang studyante. Sa mga kaharian nyo naman ay hindi kayo dapat magalala dahil nandoon ang mga mommy at daddy nyo pati narin ang lola't lolo nyo"

"Ako ang maiiwan dito, aalis kayong apat"sabi ko sa kanila

Tumingin sila sa akin at si Eshton naman ay biglang lumapit sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko at tiningnan ako ng seryoso

"Hindi ka magpapaiwan dito. Sasama ka sa kanila paalis at ako ang maiiwan dito. Masyadong delikado dito"

Umiling agad ako "Yun na nga eh. Masyadong delikado dito kaya kayo ang aalis. Ako ang maiiwan"

Hindi ko sila hahayaan na maiwan dito.

"Ashley. Masyado silang malakas para manatili ka dito"

"Yun na nga eh. Alam nating lahat na ang academy at mga kaharian ang pakay nila. Alam kong kaya nila mom na lumaban sa mga dark magicians kaya hindi natin kailangang magalala sa kanila. Pero naisip mo ba na paano kung si Dane ang sumugod dito. Dark magic sya at light magic lang ang makakatalo sa kanya"

"Edi gawin natin yung ginawa ni mommy na pagpasa ng kapangyarihan"

"Alam nating limitado lang ang kapangyarihan na kayang ipasa. Hindi yon magiging sapat para matalo sya, kambal"tinawag ko talaga syang kambal para malaman nya na seryoso ako

"Pero Ashley--"

"Ako ang maiiwan dito. Kung gusto nyo ay bilisan nyo yung pagpatay sa mga kalaban tapos punta agad kayo dito para tulungan ako"sabi ko sa kanya

'saka, diba madali lang natin sila matatalo kasi halos clone na yung kalaban natin' sabi ko gamit ang telephaty

"Tsk, sige magiingat ka dito, kambal" niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya

"Syempre naman. Mahahanap ko pa si love of my love ko eh. Saka wag kang masyadong madrama. Hindi pa naman kayo aalis dito eh. Sa digmaan pa"natatawang sabi ko

Sobrang protective nya kasi eh. Handang isuko ang buhay para sa mga mahal nya sa buhay

Tinanggal ko yung water shield at sabay sabay kaming naglakad pagkatapos namin pagusapan yung mga gagawin

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatingin sila sa akin at tumigil din

"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanila. Nagsitango naman sila at saka nauna ng maglakad

Nagteleport ako at hinawakan sya sa balikat nya at nagteleport ulit sa labas ng academy

"Ano ba ang ginagawa mo dito?! Lagi ka nalang nandito!"sigaw ko sa kanya

"Binabantayan lang kita sa mga lalaking maaaring lumapit sayo. Hindi ko sila hahayaan na makalapit pa sayo muli"

Alam ko na kakarating nya lang at nagpapasalamat ako don kasi kung kanina pa sya ay baka mahalata nya na wala kami dito

"Hindi mo ako kailangang bantayan kasi wala ka naman pakialam kung may lumapit man sa akin na lalaki."

Tunay naman eh. Sya nga eh nakita ko kanina na pinapalibutan ng mga babae, may ginawa ba ako? Wala naman diba!

"Hindi ko sila hahayaan na makalapit sayo. Akin ka lang! Tandaan mo yan! Papatayin ko ang lahat ng lumapit sayong lalaki"

"Wala ka na bang alam kundi ang pumatay? Yan nalang ba lagi ang ginagawa mo! Hindi ka naman nila inaano para patayin mo sila"inis na sabi ko

"Ang lapitan ka lang nila ay isa ng pagkakamali para sa akin. Sa oras na may lumapit pa sayo, idadamay ko na ang magulang mo tutal pinatay naman nila ang tatay ko kaya may kasalanan sila sa akin"hindi ko napigilan ang kamay ko na lumapat sa pingi nya, sinampal ko sya

"Walang kasalanan ang magulang ko sa iyo kaya huwag na huwag mo silang idadamay. Kasalanan ng tatay mo kung bakit sya namatay kasi sakim sya. Gusto nya na lahat ng kapangyarihan ay sa kanya!"sigaw ko sa kanya sa galit

Nagitim ulit ang buong mata nya pero sa pagkakataon na iyon ay hindi ako natakot dahil sa galit ko

"Ang magulang mo ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ko, sila ang dahilan kung bakit nawalan ako ng ama. Sila ang dahilan kung bakit kami naghihirap. Sila ang masama hindi ang tatay ko. Sila ang sakim. Sila ang walang ibang gusto kundi kapangyarihan"nasampal ko ulit sya dahil sa sinabi nya habang tumutulo ang luha ko

Ang sakit pala na marinig na sinasabihan ng masamang salita yung magulang mo. Parang tinutusok ng paulit ulit yung puso ko

"Hindi masama ang magulang ko! Kayang kaya ko yang patunayan sa iyo"

Ipagtatanggol ko ang magulang ko! Alam ko ang totoo at alam ko na sila ang tama.

Hindi ko hahayaan na may magsabi sa kanila ng masasamang salita

Mabait sila, mabuti silang magulang. Mabuti silang reyna at hari at alam lahat yon ng nasasakupan nila

Nagpalabas ako ng tubig at hinulma itong pabilog at saka nagsalita

"Inuutusan kita na ipakita ang nakaraan sa pagitan ng aking magulang at ng tatay nya. Ipakita sa amin ang katotohanan sa nangyari sa nakaraan"

Lumabas ang mga imahe nila mommy at daddy pati narin yung mga tita ay tito ko

Ilang beses ko na itong nakita. Hangang hanga ako sa kanila kasi napagtagumpayan nila. Nagawa nila na matalo ang dark king at namulay sila ng mapaya sa loob ng ilang taon kaso natapos yon ngayon

"Manood ka mabuti ng malaman mo ang tunay na nangyari" sabi ko sa kanya

Nakita ko na nakatutok talaga yung tingin nya sa ginawa ko hanggang sa yung emosyon nya ay biglang nagbago...naguguluhan

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now