Chapter 67

455 19 0
                                    

Eshton POV

Nandito ako sa rehae village at kasalukuyan kaming naghahanda habang iniintay na dumating yung mga dark magicians

Kanina pa ako inip na inip dito kasi hindi pa sila nadating. Kailangan ko na bumalik sa academy dahil kay Ashley. Hindi sya pwedeng maiwan lang magisa don, masyadong delikado

May masama talaga akong pakiramdam para sa kakambal ko. Pakiramdam ko ay may mangyayari sa kanyang masama

"Ang tagal naman nila" inis na sabi ko

Hindi kami pwedeng sumugod dahil hindi namin alam kung nasaan sila.

Naintay pa ako ng isang oras pero wala parin talagang nadating

Nagaalala na ako sa mga kasama ko, baka kung napaano na yung mga yon. Kung pwede lang talaga akong umalis dito

Magingat sana sila

Ilang minuto pa akong nagintay hanggang sa biglang sumakit yung ulo ko at biglang may lumitaw na mga imahe sa utak ko

Magulo, puro dugo, may mga patay, maraming sumusugod ata lahat yon ay sa academy!

Shit! Trap ito! Sa academy sila lahat pupunta!

Nagteleport agad ako papunta sila kila Ella at sinabi sa kanila ang nalaman ko

Nagsama sama kaming apat at saka nagteleport papunta sa academy at kitang kita ko kung gaano karami na ang patay dito

"Isang minuto nalang at may darating na mga bagong dark magicians" sabi ko

Nakakakita ako ng future pero dalawang minuto lang bago ito mangyari at alam ko na mangyayari na ito!

"Tulungan nyo muna sila at hanapin nyo si Ashley, may pupuntahan lang ako"sabi ko at nagsitango naman sila kaya tumakbo ako para hanapin si HM

Nakita ko sya na nanonood sa gulo kaya agad akong lumapit sa kanya

Nagpalabas ako ng metal sword at saka ito itinutok sa leeg nya

"Nasaan ang tunay na Headmaster?" Galit na tanong ko sa kanya

Ngumisi sya "Alam mo na pala"

Sya ang nagsabi sa amin na pumunta sa iba't ibang lugar para tumulong pero wala naman talagang pupunta don kasi dito sila lahat sa academy susugod at pagkatapos ay sa iba't ibang lugar

"Saan mo dinala si hm?!" Pinagdiinan ko pa yung espada sa leeg nya at nagdugo yon

"Gusto mo ba talagang malaman? Patay na sya, pinatay ko na sya" nagbago ang anyo nya at pati narin yung mukha nya

Hindi sya si HM. Kalaban din sya!

Tumindi yung galit ko sa kanya at saka sya sinaksak sa puso nya at binato ko sya ng fire ball

"Pinatay mo si HM kaya ikaw naman ang papatayin ko. Damhin mo ang init ng apoy"sabi ko sa kanya

Tumakbo ako at lahat ng humaharang sa akin ay iniisip ko na mamatay kaya nawawala agad sila dah clone lang sila na ginawa namin

"Ashley!" Sigaw ko at saka pinatamaan ko ng tubig yung sasaksak sana sa kanya kaya agad itong natumba

Nilapitan ko ito at saka sinaksak ito kaya naglaho ito

Nilapitan ko si Ashley na nakikipaglaban parin kaya tinulungan ko sya

Sabay kaming nakipagespadahan sa mga kalaban namin para protektahan ang aming mga sarili

"Bakit ka nandito?" Tanong nito na patuloy na nakikipaglaban

"Hindi si HM ang nakasama natin nung nga nakaraang linggo dahil nagpapanggap lang sya bilang si HM. Pinatay nya si HM. Niloko lang nya tayo"paliwanag ko sa kanya

Sinaksak ko yung huling kalaban ko at saka tumingin sa kanya "okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya

Biglang dumating yung tatlo kaya agad kong nilapitan si Ella at tiningnan ito mula ulo hanggang paa "hindi ka ba nasaktan?" Tanong ko sa kanya

"Hindi" sabi nya

"Kupal na Alexander na yon, ayaw magpakita! Naduduwag na ata" inis na sabi ni Ashley

"Maghanda, andiyan na naman ang mga bagong dark magicians"sabi ni Chen at sabay sabay kaming tumingin sa unahan namin habang nasa likod namin yung mga studyante rin dito

Nagkatinginan kaming lima at saka napangisi sa isa't isa at sabay sabay naming itinaas yung kamay namin at pumitik sa ere

Sabay sabay nagbagsakan ang lampas kalahati ng mga kalaban dahil sa mga clone lang ito

"Rhea, ikulong ang mga studyante sa water shield" utos ni Ashley na agad namang sinunod ni Rhea

Sabay sabay kaming lima na nagpalabas ulit ng espada at saka kami sumugod sa mga kalaban namin

Ashley POV

Patuloy ang digmaan pero sa oras na ito ay kaming lima nalang ang nakikipaglaban kasi kinulong na ni Rhea ang mga prof at ibang studyante

Sugatan na sila at hindi na namin pwedeng hayaan na lumaban na naman sila

Wala silang kapangyarihan na katulad sa amin, mga abilities lang ang meron sila at alam namin na pagod na sila sa ngayon

Patuloy ako sa pakikipagespadahan sa mga kalaban ko. Saksak doon saksak dito. Sipa doon sipa dito ang ginagawa namin. Gumagamit din kami ng mga kapangyarihan

"Mukhang nanghihina na ang prinsesa" asar sa akin nung lalaking kalaban ko

"Pakialam mo naman" sabi ko sa kanya

"Sa tingin mo ba ay matatalo mo kami?" Nakangising sabi naman nung isa

Lumipad silang tatlo na kalaban ko kaya ginamit ko din yung hangin para lumipad at sundan sila

Pinagbabato ko sila ng ice spikes habang ilag naman sila ng ilag at tumatawa pa

Nakakarindi yung mga tawa nila, ang sakit sa tenga!

Nagpalabas ako ng koryente sa kamay ko at itinutok don sa isa na agad namang natamaan kaya bumagsak ito habang nangingisay pa

Nagpalabas naman ako ng air ball at akmang ibabato na dun sa isa pa ng biglang may sumipa sa akin kaya lumagpak ako sa lupa

Inis akong bumangon at tiningnan yung may gawa non, masakit yon ah!

Muli akong lumipad at hinagisan ng apoy yung gumawa non. Pinagbabato ko silang dalawa ng apoy na pilit nilang iniilagan

Sikreto akong gumawa ng mga ice spike sa likod nila habang pinagbabato ko parin sila ng fire ball

"Ready to say goodbye to this world" sabi ko at pinatama sa likod nila ang mga ice spike ng hindi nila namamalayan

Nahulog nalang sila na wala ng buhay kaya nilapitan ko pa yung iba at patuloy na nakipaglaban

"Ella, gumawa ka ng air tornado" sabi ko na agad naman nyang sinunod

"Chen, lagyan mo ng ice and metal spikes ang tornado" ginawa naman nya ang inutos ko

"Rhea, mas patibayin mo pa ang water shield sa mga studyante at kalabanin ang mga sumisira nito"tumakbo sya sa mga studyante na nahaharangan ng shield na pilit sinisira ng ilang mga dark magicians

"Eshton, tulungan mo akong ipasok ang mga natitirang dark magicians sa ipoipo"sabi ko

Gamit ang hangin ay pinalutang namin ang mga dark magicians na natitira pa papasok sa looob ng tornado

Paulit ulit namin yon ginawa hanggang sa wala ng mga dark magicians at ng matapos kami ay sabay sabay kaming tumingin sa malaking ipo ipo

Napangiwi ako ng makitang may mga dugo na sa ilalim non na galing sa nga dark magicians

"Ella, itigil mo na ang ipoipo" sabi ko

Nung maitigil na ay nagbagsakan yung mga walang buhay na dark magicians at puro sila sugat habang may mga nakatusok pa na metal at ice spikes sa katawan nila

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now