Chapter 60

443 19 0
                                    

Lahat kami nandito sa training room para magensayo para sa nalalapit na digmaan

Nakaupo lang ako dito sa gilid at tinitingnan lang sila. Wala akong gana

Nalilito parin ako sa propesiya na yon. Sabi don ay dalawang taong nagmamahalan at sabi nila mom ay kami yon ni Travis pero hindi naman nya ako mahal

Sinabi nya na hindi nya ako mahal pero bakit ganon ang sabi ng propesiya? Baka nagkamali lang! Pero imposible kasi eh!

"Ashley! Ilag" naramdaman ko na may papalapit sa akin na apoy kaya inisip ko na maglaho ito at nawala naman ito agad

Apat lang ang may kapangyarihan na apoy dito, si mommy, si daddy, ako at si Eshton

Wala si mommy at daddy dito kaya alam ko na si Eshton lang ang gumawa non

Tsk! Meron pa pala. Si Alexander na may black fire

Hindi ko nalang pinansin si Eshton at saka ako tumayo

Kailangan matanggal sya sa isip ko. Kailangan ko malaman ang totoo

Nagteleport ako sa harang ng academy ay saka lumabas don pero agad akong napahinto ng may nagsalita

"San ka pupunta?" Ayon na naman yung mabibilis na tibok ng puso

Sa tuwing malapit sya ay hindi ko mapigilan ang puso ko na tumibok ng malakas

Huminga muna ako ng malamin bago ko sya hinarap "magusap tayo" sabi ko at hinawakan sya sa braso at nagteleport sa gubat

"Anong paguusapan natin?" Walang emosyon na tanong nya

"Mahal mo ba ako?"matapang na tanong ko. Umaasa ako na sasabihin nya ang oo

"Alam mo na ang sagot diyan"

'Oo, alam ko na ang sagot diyan pero pilit parin akong umaasa na sasabihin mo ay oo kahit ilang beses mg ng ipinamukha sa akin na hindi mo ako mahal'

Pinigil ko ang luha ko na gustong lumabas. "Okay" walang emosyon kong sinabi yon sa kanya "see you sa laban"

Nagteleport ako pabalik sa academy pero nagtaka ako ng hindi ako umalis sa kinatatayuan ko

Naramdaman ko na may nakahawak sa braso ko kaya tiningnan ko yon. Kaya naman pala

"Bitawan mo ako" seryosong utos ko pero hindi nya ako binitawan kaya hinawakan ko yung braso nya at saka mo sya pinaso kaya agad nya akong binitawan

"Hindi pa tayo tapos magusap"

"Tapos na. Nalaman ko na ang gusto kong malaman. Nalaman ko na nagsisinungaling lang yung propesiya at masyado akong umasa"

"Propesiya?"parang nagtatakang tanong nya

"Sinabi don na may magaganap na digmaan sa pagitan ng light at dark magicians kaya maghanda ka nalang don at magpalakas"sagot ko sa kanya

Nagteleport ako pabalik sa academy pero bumalik lang ulit ako sa kinaroroonan ko ng hawakan nya ulit braso ko

"Iniinis mo talaga ako?" Nakataas ang kilay na tanong ko at saka unti unting ngumisi

Tinuhod ko yung tiyan nya at saka ko sya tinulak "Kanina ka pa ah! Nagtitimpi lang ako na hindi ka patayin kasi kaaway parin kita at pag nasagad ang pasensya ko, makikita mo ang impyerno!"sigaw ko sa kanya

Parang hindi sya nasaktan ng tumayo sya at saka lumapit ulit sa akin

"Sumama ka nalang sa akin. Kalimutan mo silang lahat"

Nakakunot noo ko syang tiningnan "Papatawa ka ba?" Tanong ko "G*go ka pala eh! Binalak mo ako patayin tapos sasabihin mo sa akin na sumama ako sayo! Anong gusto mong gawin ko? Tulungan ka? Gusto mo bang tulungan kita na patayin yung mga magulang ko na matagal mo ng gustong makitang patay?"dinuro ko pa sya

Ramdam ko na nagaapoy na yung mata ko at alam ko na nagiging pula narin ang mga buhok ko at sandali nalang ay sasabog na ako sa galit

"Xarein" sinampal ko ng muli nyang sabihin ang pangalan na yon na ngayon ay kinamumuhian ko na

"Huwag mo ako tatawagin sa pangalan na yan! Kinalimutan ko na naging pangalan ko yan. Nagsisisi ako na hinayaan kita na tawagin ako sa pangalan na yan kaya ngayon pati pangalan ko ay kinamumuhian ko na!"

"Hindi mo naranasan yung naranasan ko kaya huwag mo akong husgahan kung bakit gusto kong mawala yung magulang mo sa mundong ito!"

"Oo, hindi ko yung naranasan mo pero hindi pa ba sapat yung paglagay mo sa akin sa machine na yon?! Hindi mo naramdaman yung naramdaman ko nung oras na yon! Pakiramdam ko ay pinupunit yung laman ko, sinusunog ako ng buhay, paulit ulit akong kinukuryente, at binabali isa isa yung buto ko! Hindi pa ba yon sapat ha?! Naghirap na ako!"namalayan ko nalang na tumutulo yung luha ko habang sinasabi ko yon

"Hindi ikaw ang magulang mo! Hindi ikaw ang pumatay sa tatay ko kaya hindi ikaw ang gusto kong magbayad. Xarein naman, bakit hindi mo kayang ibigay sa akin yung magulang mo? Sila lang sapat na para sa buhay ng tatay ko. Titigil ang kaguluhan kung mapapatay ko sila. Buhay ng tatay ko ang kinuha nila kaya buhay din nila ang magiging kapalit"sinampal ko ulit sya at saka dinuro sya

"G*go ka! Tanga ka! Itatanong mo sa akin kung bakit hindi ko maibigay yung magulang ko sa iyo. Ano ako tanga? Hinding hindi ko hahayaan na mapapunta sayo yung magulang ko. Hindi ko hahayaan na mamatay sila. Kasalanan ng tatay mo kung bakit sya namatay! Kasalanan nya kasi gumawa sya ng masama! Kasalanan nya kasi sakim sya! Kaya wag na wag mong isisisi sa magulang ko yung nangyari kasi yung tatay mo yung masama!"

"Hindi masama ang tatay ko! Wala syang kasalanan! Yung magulang mo ang masama! Yung magulang mo ang nagpapanggap na mabait!"

Ang sakit pala na marinig mo sa ibang tao na masama yung magulang mo. Kilalang kilala ko sila mom. Mabait sila. Sobra!

"Kung yan ang paniniwala mo, wala na akong pake. Wag mo na ulit ako kakausapin. Wag mo na ulit akong lalapitan. Nagsisisi ako na ginusto pa kitang makausap ngayon. Nagsisisi ako na nakilala pa kita. Nagsisisi ako na minahal pa kita"

Lumapit sya sa akin pero umatras ako agad "wag ka sabing lalapit sa akin!" Sigaw ko

"Xarein, sumama ka nalang sa akin. Hindi kita sasaktan"

"Hinding hindi ako sasama sayo. Mas gugustuhin ko pa na sumama sa ibang lalaki at magpakasal sa kanila kesa sayo!"sigaw ko

Agad akong napaatras ng makita ko kung paano maging itim yung buong mata nya tapos yung mga kamay nya ay parang handa ng manuntok

Nakakatakot sya!

"Wala kang lalapitan na lalaki, wala kang papakasalan! Ako lang! Ako lang ang nararapat sayo!"mas napaatras pa ako dahil sa sigaw nyang iyon

"Travis" umatras pa ako ng umatras kasi patuloy lang sya sa paglapit sa akin

"Wag kang lalapit sa akin" kinakabahang sabi ko

Parang yung tapang ko kanina ay biglang nawala dahil sa itsyura nya ngayon

"Ako lang, Xarein! Ako lang! Papatayin ko lahat ng aagaw sayo! Hindi ko hahayaan na may lumapit sayo na iba!"

Bago pa sya makalapit sa akin ay mabilis akong nagteleport sa kwarto ko at napaupo nalang sa higaan mo habang kinakabahan parin

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now