"Hello mom, dad" masiglang sabi ko at saka lumapit sa kanila at kiniss sila sa cheek
"Mabuti naman at nakarating kayo agad dito" nakangiting sabi ni Dad
Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanan ni mom at sa harap ko naman ay si Eshton, nagsiupuan narin sila Ella
Napansin ko na nandito din sila tita at tito na magulang nung tatlo at mukha silang seryoso kaya nagtaka ako
"Ano pong paguusapan natin?" Tanong ko na nagtataka
"Batid namin ang nangyaring kaguluhan sa academy at kami man ay nagtataka kung saan nanggaling ang mga dark magicians na sumugod sa inyo"sabi ni tita Aira
"Maaaring tama ang hinala natin na may natira pang dark magicians na nagtago sa mundo ng mga tao kaya sila ay hindi namatay"sabi ni tita Althea
"Ang kailangan nating alamin ay kung sino ang namumuno sa kanila, kailangan nating alamin kung saan sila naninirahan ngayon gayong sira na ang kaharian nila"sabi ni tito Ethan
"Kayong mga royalties ang hahanap sa kanila at makikiusap na huwag ng makidigma sa atin para wala ng kaguluhan ang maganap dito"sabi ni mommy
"Pero hindi po natin sigurado kung papayag sila sa gusto mo mom"sabi ko
"Tama si Ashley mom, hindi natin sigurado kung papayag silang itigil ang panggugulo. Paano kung hindi sila pumayag?"sangayon sa akin ni Eshton
"Wala tayong pagpipilian kundi ang makipagdigma, isa lang ang sigurado ko, yon ay hindi sila mananalo sa atin kung wala sa kanila ang nagtataglay ng dark magic"sabi ni dad
Katulad ng sinabi ni prof ay sigurado silang hindi mananalo ang kalaban kung wala silang dark magic
"Posible po ba na may natitira pa sa kanila na may taglay na dark magic?"napatigil kaming lahat sa tanong ni Rhea
Paano nga kung meron pa? Paano kung hindi lang yung hari ng dark magicians ang meron? Parang yung light magic din, hindi lang si mommy ang meron non kasi namana ko rin yon sa kanya
"Depende nalang kung may anak sya na namana ang kapangyarihan nya" sabi ni mom na nakapagpatigil sa amin
"Ibig sabihin lang non ay hindi tayo sigurado sa magaganap sa hinaharap, hindi natin alam kung meron pa ngang nagtataglay ng ganong kapangyarihan kaya kailangan natin na mas maging maingat pa"sabi ni tito Ace
"Kayong mga royalties ang bahalang prumotekta sa academy at kami naman ang bahala sa bawat kaharian"sabi ni tita Aicelle
"Kailangan nyong masiguro na magiging maayos ang paaralan lalo pa't maraming maaring mapahamak dahil sa dark magicians"sabi ni tito Mark
"Kami na ang bahalang magsabi kay hm na hindi muna kayo makakapasok dahil sa misyon na gagawin nyo kaya magsipaghanda na kayong lima dahil maguumpisa ang misyon nyo bukas"sabi ni mommy
Nananghalian din kami kasabay nila habang pinaguusapan ang plano para sa mga dark magicians
Nang matapos kaming kumain ay nagsibalik kami ng academy para maghanda sa gagawin naming misyon
Hindi na kami pumasok ng hapong iyon para makapagpahinga. Hindi ko narin nakita si Dane dahil baka pumasok sya ng hapon. Sigurado naman akong pupunta yon dito pagkatapos ng klase
"Ang hirap naman ng gagawin natin. Pupunta tayo sa misyon na hindi naman natin alam kung saan"reklamo ni Rhea habang nakaupo kaming lahat dito sa sala
"Sobrang lawak nitong mundong ito kaya saan naman tayo maguumpisa? Sa tingin ko ay aabutin tayo ng ilang araw o kaya linggo"reklamo din ni Ella
May advantage din naman kasi ang gagawin naming misyon. Unang una ay maaaring mapapayag namin sila na itigil ang nais nilang pakikipagdigma.
Pangalawa ay masusubok ang taglay naming lakas at kapangyarihan.
Ang pinakahuli ay ang pinakanakakatuka, iyon ay hindi na dorm at room lang ang pwede kong puntahan.
"Nandito na pala kayo" lahat kami ay napatingin kay Dane na kakapasok lang sa dorm namin
"Pero aalis din kami bukas ng umaga para sa aming misyon" sabi ni Chen
"Ano namang misyon?" Tanong nya ulit
"Ang hanapin ang mga dark magicians at makiusap sa kanila na itigil ang ginagawa nilang panggugulo"sabi naman ni Eshton
Lumapit sya sa akin at tumabi "magiingat ka don, huwag mong hayaan na magkasugat ka. Wag ka rin tatanga tanga don at pasaway"
Kung makatatanga tanga naman sya! Anong tingin nya sa akin, hindi marunong magisip?
"Opo, itay" sabi ko nalang
"Yieeeeeeee" sabi ni Rhea at Ella
"Anong itay, kamukha ko ba ang tatay mo?" Nakakunot ang noong tanong nito
Hinawakan ko ang mukha nya saka iniharap sa akin saka ito tinitigan. Umiling ako "mas gwapo sayo si Daddy" sabi ko dito at binitawan ang mukha nya
"Mas gwapo naman ako sa kakambal mo" bulong nya pero rinig ko naman kaya natawa ako
Tiningnan ko si Eshton at iniharap din ang mukha nito sa akin saka tinitigan. Umiling ulit ako "kamukha nya si Daddy kaya mas gwapo sya sayo" sabi ko at nakita ko naman na mas kumunot ang noo nito sa akin
"Pero mas gwapo ako kay Chen" sabi nito ulit
Hinawakan ko yung mukha ni Chen na katabi ni Eshton saka tinitigan pero naputol yon ng dumilim ang paningin ko kasi may tumakip sa mata ko
"Hindi mo na sya kailangan titigan kasi mas gwapo ako sa kanya saka baka magustuhan mo pa sya"
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay nya sa mata ko saka sya tiningnan "mas gwapo ka nga sa kanya pero mas malakas sya sayo" pagamin ko
Inaamin ko na gwapo sya at kayang kaya yon itapat kila daddy at Eshton pero dahil kakambal at tatay ko sila ay dapat mas gwapo sila para sa akin kahit wala namang lamang ni isa sa kanila
"Kahit na, wala naman syang ikaw" nakangising sabi nya
Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko dahilan para mamula ito
"Yieeeeeeeee" rinig kong sabi ulot nung dalawa
"Yieeee kayo ng yieeee diyan eh kung lambingin nyo nalang kaya yung dalawa para matuwa naman sila sa inyo"pangiinis ko para maiwasan si Dane
"Xarein"tawag ni Dane pero hindi ko sya pinansin
"Xarein"tawag nya ulit per hindi parin ako sumasagot
"Xarein" inis akong humarap sa kanya
"Ano?" Inis na tanong ko
"Mahal kita"
And because of that two words and four syllables, unti unting lumambot ang puso ko
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
