Chapter 1

3.4K 69 0
                                    

"mommy can I ask something?" Tanong ko sa mommy ko

"What is it baby?" Sagot nya

Nandito kami sa kwarto nila ni daddy at pumunta lang ako dito kasi may gusto akong malaman

"Paano po ba mainlove?" Tanong ko ulit at nagtaka ako ng makita ko ang gulat sa mga mata nila

"Bakit mo naitanong baby? Wag mo sabihing in love ka na, hindi pwede. Masyado ka pang bata"sunod sunod na sabi ni daddy at napasimangot naman ako agad

Bata? Eh seventeen na nga ako eh! Tapos tinatawag pa rin nila akong baby, mukha ba akong baby?!

"I can read your mind Ashley" sabi ni mommy na ikinainis ko

Yan ang ayaw ko sa magic eh kasi kaya nila mommy at daddy na mabasa yung isip ko kaya wala akong privacy sa kanila

'block'sabi ko sa isip ko para hindi nila mabasa

Kahit hindi nila nababasa ang isip ko ngayon ay mababasa parin naman nila ito bukas kasi one day lang ang tinatagal ng pagsara ng isip

"Daddy naman, nagtatanong lang ako at wala naman akong sinabi na in love na ako ahh"sabi ko kay daddy ng nakanguso

Nacucurious kasi ako sa love na yan kasi hindi pa ako nakakaramdam ng pagmamahal pwera nalang sa mga kamaganak ko at kaibigan ko

Ano ba ang feeling ng mainlove? Masaya ba yon?

"Dapat lang kasi masyado ka pang bata" sabi nya rin

"Daddy hindi na nga po ako bata eh" naiinis na sabi ko

"But you're still our baby" sabi ni mommy kaya napanguso na naman ako

"Babalik na nga lang po ako ng academy, bye po mommy and daddy. I love you"paalam ko

"I love you too baby"sabi nila at lumabas na ako sa kwarto nila at saka pumunta sa kwarto ko para kunin yung ibang gamit ko

Ako nga pala si Ashley Xarein (say-rain) Steve, 17 years old na ako at hindi na ako baby kagaya ng sinasabi ni mommy at daddy.

Ang pangalan nga pala ng mommy ko ay Elizabeth Lorein Lovely Irish Zoe Ally Lighting pero dahil kasal na sya kay daddy ay steve na ang apelyido nya. Ang pangalan naman ni daddy ay Dark Xavier Ashton Steve. Ngayon alam nyo na kung saan kinuha yung pangalan ko

May kakambal nga pala ako, mas matanda lang sa akin ng 2 minutes at sya ay si Eshton Xavien Steve. Medyo weird yung second name namin. Sisihin nyo sila mommy at daddy

Nung maayos ko na yung mga gamit ko ay lumabas na ako sa kaharian namin at sumakay sa kabayo ko, pwede naman ako magteleport papunta sa academy pero mas gusto ko makita yung mga dadaanan ko

Pumunta lang talaga ako dito para makita sila mommy at daddy at para tanungin na rin kung paano mainlove pero wala akong makuhang matinong sagot sa kanila

Ayoko magtanong sa mga kaibigan ko kasi alam ko na wala rin akong matinong sagot na makukuha sa kanila

Dumaan ako sa medyo parang gubat na daan papunta sa academy, parang gubat lang kasi hindi naman mga puno lang ang makikita dito, meron ring mga magagandang bulaklak at mga paru paro

Nakasakay lang ako sa kabayo ko habang natingin sa paligid ng merong biglang sumulpot na lalaki sa dadaanan ko kaya agad kong napatigil ang kabayo ko

"Hey, excuse me" sabi ko sa lalaki na nakakulay itim

Naka all black sya, nakasuot sya ng parang jacket na hanggang tuhod tapos may sumbrelo na nakatakip sa mukha nya at lower part lang ng mukha nya yung kita

"Excuse me, pwede umusod ka ng konti para makadaan ako"sabi ko ulit ng hindi sya magsalita

Hindi sya ulit nagsalita pero hinawakan nya yung sumbrelo ng jacket nya at unti unting inalis

Napasinghap ako ng makita ang kabuuan ng mukha nya at ang itim na itim na mga mata nya na nakatingin sa akin ng diretsyo. Kulay itim na buhok at mata, maputing kutis, matangos na ilong at mapula-pulang labi.

"Kuya, pwede ba umurong ka ng konti kasi dadaan ako"kinakabahang sabi ko. Nakakatakot sya tumingin.

Yung mga tingin nya ay yung tingin na hindi mo gugustuhing makita kasi kakabahan ka. Yon ang nararamdaman ko ngayon.

Umurong sya pagilid kaya pinalakad ko na ulit yung kabayo pero bago ako makaalis ng tuluyan ay nakita ko kung paano sya ngumisi na nakapagdagdag sa kaba ko kaya pinatakbo ko ng mabilis yung kabayo

Sino sya? Sigurado akong na hindi ko sya kilala kasi ngayon ko lang sya nakita. Halos lahat ng mga naninirahan sa mundong ito ay kilala ko pero sya ay hindi

Bakit ganon ang kasuotan nya? Bakit nakakatakot sya tumingin?

Nakarating ako sa academy na yon parin ang iniisip, kahit nung pumunta ako ng dorm namin ay hindi yon mawala sa isip ko

"Oh nandito ka na pala" salubong sa akin ni Eshton, kapatid ko

"Kuya may kilala ka bang lalaking kulay black ang buhok then black din ang mata?"tanong ko sa kanya

"Ashley, madaming may itim na buhok at mata" sarkastikong sabi nya kaya napanguso nalang ako. Wala akong mapapala sa kanya

Tumabi nalang ako ng upo sa kanya saka nilibot yung mata ko para hanapin yung iba

Five kasi kami dito sa dorm eh tatlong babae at dalawang lalaki, malaki naman ang dorm namin kaya kasya kaming lima

Oo nga pala yung mga kasama namin sa dorm ay sila Laira Ella Mendez, anak ni tito Ethan at tita Aira. May kapangyarihan din syang Electricity and Air tapos ang ability nya ay telephaty, teleportation, she can be invisible, mind reader, and telekenesis

Next is Rhea Mally Roswell, anak sya ni tito Mark at tita Althea tapos may powers sya na nature and water tapos ng mga ability nya ay telephaty, teleportation, portal maker and she can see future but only two minutes before it happens

Sunod ay si Carl Chen Melt na anak ni tito Ace at tita Aicelle. Ang powers nya ay Metal and Ice, ang ability nya ay telephaty, teleportation, telekenesis, healing, and he can be invisible

Kami naman ni Eshton ay nasa amin na yung lahat ng kapangyarihan na meron sila at ability kaso yung fire ni kuya ay normal lang while mine is color blue at may Light power ako

Sabi nila mommy at daddy ay ako daw yung nakakuha ng light galing kay mommy

Yung sa iba palang studyante dito ay mga ability lang ang meron, minsan dalawa ang ability nila kasi magkaiba yung ability na meron ang magulang nila. May isa rin lang ang ability kasi minsan ay yung mga magulang nila ay tulad lang ng ability so iisa lang ang ability nila

"May transfer daw" napatingin ako sa pimto ng bumukas yon at magsalita si Ella

"Who?" Tanong ko

"Hindi namin kilala, narinig lang namin na pinaguusapan nung mga student" sabi ni Rhea

Sino kaya yon?

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now