Nung makarating kami sa cafeteria ay sabay sabay kaming nagorder ng pagkain namin bago kami humanap ng table na uupuaan namin at nung nakakita kami ay agad kaming lumapit don
Pang walong tao yung upuan kaya labis pa dalawa
Naupo ako sa tabi ni Eshton na syang katabi si Ella sa kaliwa nya kaya sa kanan ako nakaupo. Si Rhea naman ay nakaupo sa tapat ni Ella tapos si Chen ay sa tapat ni Eshton tapos si Dane ay sa tapat ko kaya hindi ako makapagangat ng tingin
Parehas na may bakanteng upuan sa tabi namin ni Dane kasi nga labis ng dalawa
Nakita ko na kinuha ni Eshton yung plato ko saka hiniwa yung karne don sa maliliit na piraso. Lagi nya yang ginagawa kaya hinahayaan ko nalang.
Sobrang protective ni Eshton pero dahil sanay na ako ay ayos lang. Hindi nga nyan hinahayaan na may makalapit sa akin na hindi ko kilala
"Yan na, kain ka na" Sabi nya at binalik sa akin yung plato ko
"Thank you"
Napaangat ako ng tingin at tumama ang tingin ko kay Dane na walang emosyong nakatingin sa akin
Agad kong naiiwas yung paningin ko saka itinuon nalang yung pansin ko sa pagkain ko kahit nahihirapan ako kasi ramdam ko na patingin tingin sya sa akin
Bakit ba sya nakatingin? May dumi ba sa mukha ko? Magulo ba ang buhok ko?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko na hindi sya pinapansin hanggang sa matapos kami kumain
"Eshton, pahingi ng tubig" sabi ko sa kanya at agad nya namang inabot yung bottled water nya
Nung matapos kami kumain ay bumalik na kami sa classroom namin at saka inantay si prof
"Good morning class" bati nung prof namin at binati naman namin sya pabalik"magkakaroon tayo ngayon ng pageensayo para sa inyong lakas na hindi gumagamit ng kapangyarihan, mamili na kayo ng makakapareha nyo para sa pageensayo"sabi ni prof
Agad nagkaingay sa buong classroom para maghanap ng makakapareha sa gagawing pageensayo pero ako ay nanatiling nakaupo at nagiintay na may lumapit sa akin
"Ashley ikaw na ang kapartner ko" napalingon ako ng magsalita si Eshton sa tabi ko at agad akong umiling
"Ayoko, kayo ni Ella ang magkapartner. Alam ko naman na gusto mo syang makapartner eh kaya ayos lang sa akin"sabi ko sa kanya
Chance na ni Eshton ito para makasama si Ella saka lagi nya naman akong kasama at kapartner kaya si Ella naman ngayon
"Pero paano ka?"tanong nya
"Eshton hindi naman ako mauubusan ng kapartner intay ka lang at mamaya may kapartner na ako kaya lapitan mo na si Ella kasi baka mamaya ay maunahan ka pa"nakangiting sabi ko
"Ashley, pwede ba kita makapartner?"napaangat ako ng tingin ng may nagtanong sa akin at nakita ko yung isang kong classmate na lalaki na nakangiting nakatingin sa akin
"Sure" sagot ko saka ako tumingin kay Eshton
Kinindatan ko sya "told you, may makakapartner na ako" nagmamalaking sabi ko at tiningnan nya naman yung lalaki
"Wag mong sasaktan yan kundi lagot ka sa akin" pananakot nya at natawa nalang ako
Lagi nya namang tinatakot yung mga lumalapit sa akin kaya imbis na mainis ay natatawa nalang ako
"Tara na sa field" sabi ni prof at lumabas na kaya nagsisunuran kami sa kanya
Magkapartner nga pala si Rhea at Chen tapos si Eshton at Ella. Sabi sa inyo eh ako lang ang walang lovelife sa magkakaibigan
"Gagamit kayo ng mga patalim ngayon pero you're not allowed to kill your partner or anyone here"sabi ni prof
Lumapit kami sa table na may lamang mga patalim at saka namili ng gusto naming gamitin
Napili ko yunh isang espada na kumuha ng ayensyon ko habang si Nate na partner ko ay isang espada din
"Okay, maglalaban lang kayo sa loob ng three minutes and you may start now" mung sinabi yon ni prof ay agad akong naghanda at humarap sa partner ko
Nagumpisa kami maglaban at walang nagpapatalo sa amin kaya mas ginanahan pa ako sa pakikipaglaban sa kanya
Naging mabilis ang kilos ko hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon na masugatan sya sa braso nya kaya medyo napaurong sya
Nagumpisa ulit kami maglaban at maririnig mo ang nga ingay ng pagtatama ng mga espada namin at ng ibang naglalaban din
Nagulat ako ng makaramdam ako ng kirot sa bandang hita ko kaya lumayo ako kay Nate saka tiningnan yon at nakita ko nalang na nadugo na ito dahil may sugat
Nabutas yung leggings na suot ko at patuloy parin na nagdudugo yung sugat ko. Nagkaleggings lang ako ngayon saka simpleng t-shirt kasi nagpalit muna kami bago maglaban
"Sorry" sabi ni Nate na lapit na pala sa akin ng hindi ko namamalayan
"Okay lang tapos na naman yung laban kasi tapos na yung tatlong minuto saka parehas tayong may sugat"sabi
"Ahhh sige"sabi nya
"Lapit ka sa akin gagamutin ko muna ang sugat mo" sabi ko sa kanya kasi patuloy parin ang pagdurugo ng braso nya
Lumapit sya sa akin at agad ko namang itinapat yung kamay ko sa sugat nya at unti unti itong naghilom
Halos mapaurong ako sa gulat ng may dumaang kutsilyo sa pagitan namin ni nate kaya agad kong tiningnan yung pinanggaling non at nakita ko na nagmula yon kay Dane
Nakaramdam agad ako ng inis kaya ginamot ko yunh sugat ko at saka inis na lumapit sa akin
"Anong bang problema mo huh? Bakit ka naghagis ng kutsilyo sa gitna namin? Hindi mo ba alam na pwede akong matamaan non"inis na sigaw ko sa kanya
Pwede sya makapanakit dahil sa ginawa nya. Mali yon kasi wala naman kaming ginagawa sa kaniya pero naghagis sya ng kutsilyo sa direksyon namin
"Hindi ka naman natamaan" sagot nya kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis
Eh paano kung natamaan ako non? Sabihin na nating hindi ako natamaan pero mali parin yung ginawa nya
"Paano kung natamaan mo si Nate, maari syang masaktan" inis na sigaw ko parin sa kanya
"Hindi naman sya natamaan........ pero sana nga natamaan sya"sabi nya na ikinakunot ng nuo ko
"Ang sama ng ugali mo"sabi ko sa kanya at nakita ko naman na natigilan sya saka walang emosyong tumingin sa akin ng diretsyo"
"Hindi mo pa ako kilala"sabi nya at tinalikuran ako
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...