Chapter 2

1.5K 60 1
                                    

"Ashley, bilisan mo naman male-late na tayo sa klase natin" rinig kong reklamo ni Ella kaya nagmadali na akong kunin yung gamit ko at lumabas na ng kwarto

"Eto na" sabi ko sa kanya

"Ang bagal mo talaga kumilos" sabi naman ni Rhea kaya nginusuan ko sya

"Tara na, male-late na talaga tayo kapag inuna nyo pa ang pagdadaldalan" sabi ni Eshton at umakbay sa akin pero hinayaan ko nalang

Lumabas na kami sa dorm namin at pumunta na sa room namin at nung makarating kami don ay umupo nalang kami sa upuan namin

Pinagtitinginan na naman kami pero hinahayaan na namin kasi nasanay na naman kami diyan eh

Oo nga pala katabi ko si Eshton sa kaliwa ko tapos katabi nya si Ella sa kabilang side nya tapos sa kanan ko naman ay si Chen sunod ay si Rhea

Saglit lang kaming nagantay ng dumating na yung prof namin kaya umayos na kami ng upo

"Good morning class, bago tayo magumpisa ng klase ay hayaan muna nating magpakilala ang transfer"sabi nya at napatingin naman ako sa pintuan at agad akong napaurong palikod at dahil nakaupo ay kasama yung upuan sa pagurong ko na nakalikha ng ingay

Napatingin sa akin ang lahat pati yung tansfer kaya agad akong napahawak sa braso ni Eshton at naisubsob ko ang mukha ko sa balikat nya

Ayoko tumingin sa kanya kahit alam ko na nakatingin parin sya sa akin kasi natatakot ako sa kanya

Kakaiba talaga yung tingin nya kasi parang ang sama nya tumingin tapos nararamdaman ko parin na nakatingin sya sa akin

"Ashley okay ka lang?" Tanong ni Eshton sa akin pero hindi ko nagawang sumagot

"I'm Dane Travis Death, just call me Travis" pakilala nya at mas lalong humigpit yung pagkakahawak ko sa braso ni Eshton nung marinig ko yung malamig na boses nya

"Ang gwapo nya"

"Oo nga, be mine Travis"

"Ang ganda ng boses nya"

"Ashley, ano bang nangyayari sayo?" Tanong ulit ni kuya

"Na-nakakatakot sya"nauutal na sagot ko sa kanya. Ayaw ko tumingin kay Dane katulad ng ginagawang pagtitig ng babae dito sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako natatakot sa kanya eh parang wala namang kakaiba sa kanya. Gwapo naman sya eh

"Mukha namang mabait sya ah" sagot nya

"And your ability?" Tanong ni prof

"Teleportation and invisibility" rinig kong sagot ulit nya

"Maari ka na umupo kahit saang bakanteng upuan mo gusto"rinig kong sabi ulit ni prof

Narinig ko ang mga yabag ng mga paa ni Dane hanggang sa tumigil yon sa likod ko

"Eshton" tawag ko

Niyakap nya ako"wag kang matakot sa kanya little sis nandito naman ako eh" bulong nya sa akin at umalis sa pagkakayakap sa akin saka hinawakan ng yung kamay ko

"Let's start our discussion. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa history ng mundong ito at lalo na sa mga kingdom"rinig kong sabi ni prof kaya pinilit kong makinig sa kanya kahit nahihirapan ako kasi nararamdaman ko yung presensya ni Dane sa likod ko

"Sa mundong ito ay may siyam na kaharian. Ang fire, water, air, earth or nature, ice, metal, electricity, most powerful kingdom at ang panghuli ay ang kalaban ng walong kaharian and dark kingdom

Ilang taon narin ang nakalipas simula ng matapos ang huling digmaan. Maraming nasawi ngunit nagtagumpay ang walong kaharian para talunin ang Dark kingdom.

Sinasabing naging magkaaway ang mga kaharian at ang itim na kaharian dahil naging sakim ang itim na kaharian.

Walong studyanteng  may taglay ng malalakas na kapangyarihan ang naging daan para matalo ang mga kalaban.

Maraming nagsakripisyo para sa buhay ng iba ngunit hindi matutumbasan ang pagsasakripisyo ng buhay ng pinakamakapangyarihang tao dito.

Lahat ng namantay na kakampi ay muling nabuhay kapalit ng kanyang buhay. Isinakripisyo nya ang buhay nya para sa kanyang pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at nasasakupan.

Namatay sya ngunit muling bumalik at ngayon ay syang reyna ng pinakamalakas na kaharian at fire kingdom kasama ang kanyang kabiyak.

Naging reyna at hari ang walong magkakaibigan sa mga kahariang kanilang kinalakihan. Kaharian ng mga magulang nila"napangiti ako sa kwento ni prof kasi kilala ko yung walong studyanteng iyon at yon ang mga magulang namin ni Eshton at magulang ng mga kaibigan ko

Sobra kong ipinagmamalaki ang mga magulang ko kasi kung wala sila ay baka wala narin kami at ang itim na kaharian ang namumuno diti sa mundong ito na puro kasakiman ang alam

"Nagbunga ang pagmamahalan ng walong magkakaibigan at ngayon ay may mga bago tayong prinsesa na iyong kilala at ginagalang sila---"

*Kringggggggggggg

Naputol ang sasabihin ni prof ng tumunog ang bell na hudyat ng labasan

"Ituloy nalang natin ang lesson na ito bukas, good bye" sabi ni prof at saka lumabas na

"Ashley tumayo ka na diyan para makakain na tayo sa cafeteria"sabi ni Eshton kaya inayos ko na yung gamit ko

Lumabas na kami ng classroom at agad ulit akong napahawak sa braso ni kuya ng makasalubong namin si Dane at ng mapansin kong nakatingin sya sa akin

"Hey bro" napalingon ako kay Chen ng kausapin nya si Dane

Tiningnan sya nito ngunit hindi nagsalita kaya napakamot sa ulo si Chen.

"Gusto mo sumabay sa amin kumain, may kasabay ka" gusto kong batukan si Chen ng mga oras na iyon kasi niyaya nya pa

Hindi naman ako masamang tao para hindi magyaya kumain pero bakit si Dane pa eh natatakot nga ako sa kanya eh

Tumango si Dane at saka sumabay sa amin sa paglalakad. Nauuna sa paglalakad si Rhea at Chen tapos sabay sabay naman kami nila Eston at Ella tapos sa likod si Dane

Minsan iniisip ko na ako lang ang walang love life sa mga ito eh. Biruin mo minsan naghaharutan sila pero ako magisa sa gilid at pinapanood sila.

Buti nalang nandiyan si Eshton kundi magiging lonely na talaga ako. Minsan napapagkamalan kami ni kuya na may relasyon at hindi magkapatid kasi sobrang close namin tapos tingnan mo ngayon hawak pa namin ang kamay ng isa't isa kaya yung mga hindi nakakakilala sa amin ay napagkakamalan talaga kami

Si Eshton kasi lagi ang kasama ko simula ng lumaki ako kaya sya na yung other half ko at hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa tabi ko.

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now