Naitulak ko kaagad si Dane palayo sa akin "bakit mo ako hinalikan?" Histerikal na tanong ko
"Hindi ko sinasadya"
Naiiyak na ako "Wag mo ako lokohin! Sinadya mo"
"Anong nangyayari sa inyo?" Napatingin agad ako sa pinto ng pumasok don sila Eshton
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at saka sya yinakap. Tumulo narin ang luha ko
"Bakit ka naiyak?" Halata sa boses nya ang nagaalala pero mas lalong lumakas ang pagiyak ko
"Eshton! Wala na ang first kiss ko!" Para pa akong bata na nagpapapadyak habang naiyak
"Hinalikan mo ang kapatid ko?!" Sigaw ni Eshton kay Dane
"Hindi ko sinasadya, bigla syang humarap sa akin"
Humiwalay ako sa yakap ni Eshton kaya nakita ko sila Ella at Rhea na parang kinikilig pa
"My gosh! Nagkiss kayo ni Travis!" Kinikilig na sabi ni Ella
Wala na yung first kiss ko!
"Naka-reserved pa naman yon sa taong papakasalan ko. First kiss ko yon eh"
"Edi si Travis nalang ang pakasalan mo para hindi masayang ang first kiss mo" gusto kong suntukin si Chen sa mukha dahil sa sinabi nya kaya ginawa ko
"Hindi magandang biro yan" pinunasan ko na yung luha ko habang masamang nakatingin parin kay Chen
"Honey, sinuntok nya ako" sumbong nito kay Rhea
"As if I care" natuwa naman ako sa sagot ni Rhea
"Xarein, hindi ko talaga sinasadya" tumingin ako kay Dane ng masama
"Bakit kasi nasa likod kita tapos invisible ka pa?"
Ipinangako ko pa naman na yung first kiss ko ay mapupunta sa taong mamahalin at makakasama ko hanggang sa huling hininga pero nasira lang yon lahat
"Malay ko ba na lilingon ka"
Alam nyo yung nakakainis? Kinuha nya na nga yung first kiss ko tapos wala pa syang emosyon tapos parang wala pa syang pakialam!
"Panagutan mo ang kapatid ko" lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Eshton kaya nabatukan ko sya
"Anong panagutan ang sinasabi mo diyan?! Hindi ako buntis para panagutan nya"hindi ko alam kung saan nakuha ni Eshton yung sinabi nya pero ang sarap nya ibabad sa kumukulong tubig
Prinsepe ba talaga yan? Kapatid ko ba talaga sya? Anong klaseng isip ba ang meron sya para sabihin nya na panagutan ako ni Dane kahit hindi naman ako buntis?
"Hoy Ashley! Makabatok ka ah! Hindi lang naman buntis ang pinanagutan. Wag mo sabihin sa akin na buntis ka nga?"sinamaan ko sya ng tingin dahil sa pinagsasabi nya
"San ka nakaalam na nagkiss lang ay mabubuntis na agad, may utak ka ba?"
"Ikaw may utak ka ba?"
"Malamang!"
"Hindi halata"agad kong pinagyelo ang kalahati ng katawan nya-mula paa hanggang bewang-dahil sa sinabi nya
"Kakambal ba talaga kita?" Inis na tanong ko
"Malamang!"
"Hindi halata. Matalino ako tapos ikaw hindi. Maganda ako tapos ikaw hindi"pangaasar ko rin pero napatigil ako ng magyelo rin ang katawan ko. Buong katawan! Mula leeg hanggang paa
"Yan ang napapala mo" tinunaw nya yung yelo sa katawan nya
"Eshton!" Sigaw ko
Pinainit ko yung katawan ko gamit ang apoy. Unti unti namang natunaw yung yelo sa katawan ko. Hinagisan ko agad sya ng fire ball pagkatunaw ng yelo na sya namang inilagan nya
"Laban pala ang gusto mo huh?" Nakangising nyang sabi at binato ako ng water blade na hindi ko inaasahan kaya hindi ako nakaiwas at natamaan ako sa braso
"Eshton!"
"What?" Inosenteng tanong nya
"Ella, tulungan mo ako sa kanya"sabi ko
Alam ko na walang magagawa si Eshton kapag si Ella ang makakalaban nya at gagamitin ko yon laban sa panget kong kakambal
"Baby, wag kang tutulong sa kanya"
"Baby? Yakk! ewww!" Pangaasar ko pa sa kanya at saka ko kinindatan si Ella na napatawa nalang saka ako tinulungan kay Eshton
"Sorry Eshton, pero sa kanya ako kakampi" natatawang sabi ni Ella
"May punishment ka sa akin mamaya" hindi pinakinggan ni Ella si Eshton at bagkus ay nagbato ito ng air ball na tumama sa braso ni Eshton
Pinagbabato ko sya ng mga lupa na binabalutan ng mga putik na kinuha ko sa isang paso dito
Nailagan man nya ang iba ay tumama naman sa kanya yung iba pa kaya may putik na ang damit nya
"Chen, Travis tulungan nyo ako" sabi ni Eshton na bigla nalang nawala at napangisi naman si Chen habang si Travis ay bigla nalang rin nawala
Agad akong napangisi kay Chen "Rhea, patumbahin mo si Chen" sabi ko na agad namang ikinatawa ni Rhea
Akala nyo Eshton at Chen ay magpapatalo ako sa inyo? Pwes nagkakamali kayo
"Sa dalawang kasama ko palang ay talo na kayo kasi hindi nyo sila kayang saktan, right Chen and Eshton?"
"In your dreams"sabay na sagot nung dalawa habang si Eshton ay hindi ko alam kung nasaan
"Well, let's see. Pupuntiryahin ko muna si Dane kasi may kasalanan pa yan sa akin" hindi ko pa nakakalimutan yung pagnanakaw nya sa first kiss ko
"Go, find me babe" babe? Ewww
"Lumabas ka" utos ko pero walang nalabas
"Just find me"
Naguumpisa na ang laban nung apat. Si Ella at Eshton ay parehas hindi ko makita kasi parehas silang may kakayahang maging invisible pero nararamdaman ko naman na naglalaban na sila
Si Chen at Rhea naman ay nakikita ko pero puro iwas lang ang ginagawa ni Chen kaya napangisi ako.
Sabi ko na nga ba, hindi nila kayang saktan ang mga kakampi ko. Kaya man ni Chen na maging invisible ay hindi nya ginagawa kasi.... Ewan ko
Sa aming anim ay si Rhea lang ang hindi kayang maging invisible pero kaya nya makakita ng future
Pinakiramdaman ko na ang paligid para hanapin si Dane at agad akong napangiti ng maramdaman ko na nasa kanan ko sya kaya agad akong tumakbo papunta don pero halos mapasubsob ako sa sahig ng mawala sya don
"Sorry, babe"
"Yakk! ewww! Babe ka diyan!" Inis kong binato ng metal blade yung unahan ko dahil alam ko na nandoon si Dane pero tumama lang yon sa base na ikinabasag nito
"Better luck next time, babe" naramdaman ko sya na nasa tabi ko lang kasi bumulong sya sa tenga ko kaya agad ko syang sinuko at luckily nagawa ko at nakikita ko na sya ngayon!
"Ang sakit non!" Reklamo nya na nakahawak sa tiyan nya
"Dapat lang yan sayo sa pagkuha ng first kiss ko!"
"Gusto mo ibalik ko? Come here, ibabalik ko"nakangising sabi nya
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
РазноеThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
