Chapter 56

387 21 1
                                    

Chen POV
Two weeks na ang lumipas simula ng pumunta kasi sa tirahan ng mga dark magicians at masasabi ko naman na tahimik ang naging buhay namin sa dalawang linggo na iyon

Maraming nagbago. Tulad ng pagkakaibigan namin. Si Ashley ay naging cold na, hindi na sya palangiti, hindi na sya palasalita, hindi na naririnig yung tawa nya at lagi ng walang emosyon yung mukha nya.

Natatakot na kami kasi simula ng bumalik kami ay ganyan na yung nadatnan namin na Ashley at ang mas nakakatakot pa don ay lagi syang nagkukulong sa kwarto nya at kahit isa sa amin ay walang nakakapasok.

Lagi namin syang naririnig na umiiyak sa kwarto nya pero pagkaharap kami ay para syang bato na hindi man lang nagsasalita kung hindi namin tatanungin

Isang tanong, isang sagot

Kalat na kalat narin dito sa academy yung nangyari at nalaman na nila na si Travis ay isang traydor

Madaming natakot dahil nalaman nila na mayroong nabubuhay na may hawak ng dark magic

"Ash, labas ka na diyan, kakain na tayo" kumatok pa si Rhea sa kwarto ni Ashley

At gaya ng inaasahan namin ay walang sumagot pero maya maya lang ay lumabas na si Ashley na parang walang buhay na naglakad sa kusina

Nagkatingin nalang kami at saka sumunod sa kanya. Nagumpisa kaming kumain pero kahit isa sa amin ay walang nagsalita

Kagaya ng sinabi ko, naging cold sya at mabilis na umiinit ang ulo nya

Ayaw nya ng maingay kasi nagagalit agad sya. Naalala ko pa na may nakabunggo sa kanya na babae habang naglalakad sya at bigla nalang syang nagpalabas ng apoy at muntik ng ihagis dun sa babae buti nalang talaga at napigilan sya ni Eshton

Unti unti naring nabalik yung lakas ng kapangyarihan nya pero hindi pa kasing lakas ng dati

Sobrang laki ng pinagbago nya at hindi namin alam kung paano sya ibabalik sa dating sya

"Ash, may pasok pala tayo ngayon. Ipinapaalala ko lang" nagaalangan na sabi ni Ella

Isa pa yan, bihira na sya pumasok. Lagi namin syang pinipilit pero ayaw nya talaga. Minsan ay dalawang beses lang sya pumasok sa isang linggo

"Alam ko" sagot ni Ashley sa kanya

"Ash, kain ka pa oh" sabi naman ni Eshton at nilagyan nya pa ng kanin at ulam yung kakambal nya

Lahat kami ay napatingin kay Ashley ng ibagsak nya yung kutsyara at tinidor nya saka masamang tumingin kay Eshton

"Hindi ako bata para ipaglagay mo pa ng pagkain. Kung gusto ko pang kumain ay kakain ako kaya wag mo akong pakialaman"pagkasabi nya non ay tumayo sya saka pumunta sa kwarto nya

Napayuko si Eshton at alam ko na malungkot yan. Lagi nyang ginagawa yon kay Ashley pagnakain kaya nakasanayan nya na rin pero bigla nalang nagbago ang lahat

Walang imik na tinapos namin ang pagkain namin at saka kami nagsipasok sa kwarto namin para magayos na ng sarili

Nung matapos ako ay lumabas ako agad at nakita ko yung tatlo don

"Si Ashley?" Tanong ko sa kanila

"Hindi pa sya nalabas eh" sagot ni Rhea

Tumayo si Eshton at naglakad papunta sa pintuan ni Ashley "Ashley, tara na, male-late na tayo" kinatok nya pa yung kwarto ni Ashley

Ilang saglit lang naman ay lumabas na sya at nakauniform na habang wala paring emosyon yung mukha nya

Naguna na sya sa amin maglakad kaya sumunod nalang kami sa kanya

Habang naglalakad kami ay madaming nakatingin sa amin. May mga paghanga sa mga mata nila pero hindi nalang namin yon pinagtuunan ng pansin

Tungkol nga pala kay Mitch, napatunayan na hindi si Ashley ang pumatay sa kanya. Nalaman kasi namin na si Travis ang may gawa non

"Magandang umaga mga prinsesa at prinsepe"

"Ang ganda talaga nila no?"

"Grabe ang gwapo talaga ni prince Eshton at ang ganda naman ni Princess Xarein. Halatang kambal sila"

Lahat kami ay napatigil ng bigla nalang tumigil si Ashley sa paglalakad

Nasa unahan namin sya kaya kitang kita namin ang ginagawa nya. Nagulat kaming lahat ng bigla nalang magyelo yung mga kamay nya

Shit! Masama ito!

Tumingin sya sa mga babaeng naguusap na parang natatakot narin

"Anong itinawag mo sa akin?" Yung boses nya, nakakakilabot

Nagtaasan yung mga balahibo ko sa batok pati narin sa braso ko dahil sa nakikita ko sa kanya

Nakatayo sya ng tagilid sa amin at kitang kita ko yung gold na bilog sa mata nya ay naging pula at nagaapoy

Shit! Paano nangyari yon?! Dapat puti ang mata nya kasi yelo ang ginagamit nya pero bakit pula?!

Mas lalo pa kaming nagulat ng bigla nalang naging pula ang lahat ng buhok nya. Paano nya nagawa yon?!

"Yelong mga kamay, nagaapoy na mata at pulang buhok. Isa lang ibig sabihin nito..........sobrang galit sya at hindi ko alam kung kakayanin natin syang pigilan sa gagawin nya"bulong ni Eshton

Mas lalo akong nangilabot. Oo, lalaki ako pero pagdating sa kapangyarihan ni Ashley ay natatakot parin ako. Sobrang lakas nya at sa isang kurap lang ay maaari syang makapatay ng maraming magicians

"Ahhh...ehhhh...princess Xarein po" halata sa boses nung babae na natatakot narin sya

Itinaas ni Ashley yung kamay nya at may lumabas don na mga spikes at saka nya itinutok yung kamay nya sa babae

"Shit! Pigilan natin sya!" Sigaw ni Eshton

Isa lang ang alam ko, kapag hindi namin pinigilan si Ashley ay mamamatay yung babae na walang kalaban laban

Lumapit si Rhea at Ella don sa babae at saka tumayo sa harapan nito

"Ashley, ibaba mo yang kamay mo" halata sa boses ni Rhea na natatakot na sya

Sinubukan namin ni Eshton na hawakan sa magkabiglang braso si Ashley pero hindi pa kami nakakalapit ay tumalsik na kami

"WALANG SINUMAN SA INYO ANG MAY KARAPATAN NA TAWAGIN AKO SA PANGALAN NA IYON! HINDI KO NAIS NA MARINIG YON!"sigaw nya at saka pinalipad yung mga spikes don sa babae

"Ella, Shield!"sigaw ni Eshton

Agad na gumawa ng air shield si Ella kaya hindi tumama sa kanila yung ice spikes sa kanila

Mas lalong nagalit si Ashley. Ramdam namin yung init ng nakapalibot na hangin sa amin at alam ko na dahil yon kay Ashley

"Tawagin nyo si HM"

"Umalis na tayo dito baka madamay pa tayo"

"Nakakatakot sya"

"Oo nga parang hindi na sya yung prinsesa natin"

"Wag kayong maingay. Baka marinig nya tayo"

"Ano na ang gagawin natin?"

Rinig na rinig ko yung mga bulungan ng mga studyante at halata sa boses nila ang takot

Yung iba ay nagsialisan na at yung iba ay nananatili na nakatingin sa amin

Tumayo kami ni Eshton at sinubok ulit na makalapit kay Ashley pero hindi pa kami nakakalapit ay muli kaming tumalsik

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now