Nandito ako sa garden para magpahangin, wala kaming pasok ngayong araw kasi sabado ngayon kasi pagsabado at linggo ay wala kaming pasok kasi pahinga namin yon, so we're free to do whatever we want
Wala akong magawa ngayon kasi naman sila Eshton ay nasa dorm lang namin at inaasikaso nila ang love life nila habang ako ay lonely
Hindi kami pupunta kila mom ngayon kasi naisip namin na dun nalang magdinner bukas at sama sama kaming lahat, lahat ng reyna at hari pati narin sila Ella ay pupunta sa light kingdom bukas
Nakatingin lang pala ako sa paligid habang pinapanood yung mga paru-paro na naglilipadan sa mga bulaklak
"Xarein" napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman ko na may umupo don
"Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Bakit ka magisa dito? Hindi mo ba alam na maari kang mapahamak?"tanong nya
"Busy sila sa love life nila eh" sabi ko sa kanya at napangisi naman sya
Ayan na naman sya sa pagngisi nya!
"Lonely" sabi nya
Ngumiti ako sa kanya "katabi nga kita ngayon eh so paano mo nasabi na lonely ako ngayon"
"Kapag umalis ako ay maiiwan ka ulit na magisa" sabi nya
Umiwas ako ng tingin at binalik ang mata ko sa panonood ng mga paru-paro
"Aalis ka ba?" Tanong ko sa kanya
Hindi naman masamang magtanong ahh, simpleng tanong lang naman yon at oo at hindi lang ang sagot
"Hindi pa sa ngayon, pero hindi ako magtatagal"
Napatingin ako sa kanya, parang hindi naman tungkol sa pagiging magisa ko ngayon yung sagot nya eh para kasing may iba pa sya pinapahiwatig
"Huh?" Naitanong ko na lang
"Hindi pa ako aalis ngayon pero mamaya ay aalis na rin ako, hindi naman pwede na manatili ako dito sa garden ng matagal"
Tumango nalang ako at sak simandal sa puno na nasa likod ko, wala na akong maisip na sabihin sa kanya kaya nanatili nalang akong tahimik hanggang sa may naalala ako
"San ka nga pala nakatira?" Tanong ko
Wala pa kaming alam sa kaniya, pangalan nya nga lang ang alam ko sa kanya at saka yung abilities nya
"Sa dorm namin" sagot nya saka nagiwas ng tingin
"Ibig sabihin ko ay saan ka nakatira nung hindi ka pa napasok dito"
"Sa..... malayong lugar, wag mo nalang alamin kasi hindi mo rin naman alam"sabi nya
Pakiramdam ko iniiwasan nya yung tanong kong yon kasi hindi sya tumitingin sa akin
"Nasaan yung magulang mo? Anong pangalan nila?"tanong ko sa kaniya
"Patay na ang ina ko bata palang ako at ang ama ko naman ay pinatay sya ng mga walang kwentang nilalang sa mundong ito, kami nalang ng kuya ko ang magkasama"sabi nya
Nakaramdam ako ng awa sa kanya, wala na syang kasama sa buhay nya kundi yung kuya nya. Patay na nga ang nanay nya tapos pinatay pa yung tatay nya
"Kilala mo ba kung sino ang pumatay sa ama mo?" Tanong ko
"Kilalang kilala ko sila at hindi ko sila makakalimutan" sabi nya
Nakita ko na kumuyukom yung kamao nya at yung mata nya ay parang galit na galit
"Anong gagawin mo pag nakita mo sila?" Tanong ko
Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin nya kung makikita nya yung mga pumatay sa tatay nya
"Gusto ko silang patayin kagaya ng ginawa nila sa tatay ko, gusto ko silang paghigantihan sa ginawa nila. Gusto ko silang pahirapan ng mas malala pa sa ginawa nila sa tatay ko"sabi nya
"Masama ang pumatay, Dane. Marami pang paraan para makaganti ka. Tutulungan kita pero hindi sa paraang pagpatay"sabi ko sa kanya at saka hinawakan yung braso nya
Tumingin sya sa akin "tutulungan mo ako?" Tanong nya sa akin
"Oo, basta hindi ka papatay" sabi ko sa kaniya ng nakangiti at nakita ko na ngumisi sya
"Manatili ka lang sa tabi ko, malaking tulong na yon" sabi nya at tumango naman ako
"Mangako ka na hindi ka papatay"sabi ko sa kanya pero umiwas lang ulit sya ng tingin at saka tumayo
"Aalis na ako" sabi nya at bigla nalang nawala
Ipinikit ko nalang yung mata ko habang nakasandal parin sa puno, iniisip ko si Dane. Paano nya nakakaya na mabuhay na hindi nya kasama ang mga magulang nya, nasaan nga pala yung kapatid nya?
Napamulat ako ng mata ko ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan ko at nagulat ako ng makita na may nakatusok na pana sa tiyan ko
Kitang kita ko ang pagagos ng dugo mula sa tiyan ko, ramdam na ramdam ko rin ang sakit na nagmumula dito
"Ahh" daing ko
"Xarein?" Naiangat ko yung tingin ko at nakita ko si Dane na nagaalalang nakatingin sa akin
"Dane" nanghihina na sabi ko
'Bumalik sya' yan ang nasa isip ko ngayon ng makita ko sya, matutulungan nya ako
Agad syang lumapit sa akin at saka ko naramdaman na umangat ako sa lupa, binuhat nya ako
"Sinong may gawa nito sayo?" Tanong nya
Ramdam ko ang paglakad nya at nung tingnan ko ay palabas na sya ng garden
"Hi-hindi ko alam" sagot ko sa kanya at saka ko hinawakan yung pana bago ipinikit ang mata at hinila ito para katanggal sa pagkakatusok sa tiyan ko "Ahhh" daing ko
"Saglit nalang, makakarating na tayo sa clinic"sabi nya
Nanatiling nakapikit yung mata ko dahil sa panghihina, hindi ko na nagawang makasagot sa kanya kasi hindi ko na maibuka yung bibig ko sa panghihina
Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na magteleport nalang sya pero hindi ko magawa, hindi ko rin kayang magteleport kasi nanghihina na ako
Ilang minuto pa ang sa tingin ko ang lumipas bago ko naramdaman na nakahiga na ako sa higaan nitong clinic at sa tingin ko ay marami ng dugo ang naqala sa akin
"Nurse, pagamot muna sya, malala ang sugat nya!" Rinig kong sigaw ni Dane
Napaubo ako at naramdaman ko na may lumabas na dugo galing sa bibig ko
Sino ang may gawa nito sa akin? Bakit niya ito ginawa?
Hindi ko na kaya, sobra na akong nanghihina pero ramdam na ramdam ko parin yung pagsakit ng tiyan ko
Ilang nagaalalang boses ang narinig ko pa bago ako nawalan ng malay
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...