Isang linggo ang nakalipas at kagaya ng inaasahan ay ilang beses muntik kaming mapahamak lalo na ako
Halos hindi na kami lumalabas ng dorm dahil sa mga yon, hindi na nga kami makapasok ng ayos sa mga klase namin eh
"Naboboring na ako dito" reklamo ni Rhea
"Hindi lang ikaw Rhea" sagot naman ni Ella
Wala kaming ginagawa dito sa dorm kundi magkwentuhan, kumain at matulog
"Ano kaya ang pwede nating gawin para makalabas tayo dito?"nagiisip nantanong ni Chen
Kahit ako ay gusto ko na makalabas dito kaya lagi akong nagiisip kung ano ang pwedeng gawin
Simula kasi ng manalo sila mommy sa laban sa dark magicians ay nanatili na kaming kalmado kasi ang alam namin ay wala na sila pero ngayon ay meron pa pala
Wala na ring barrier itong academy kasi nasira daw nung naglalaban ang dark magicians at saka sila mommy--teka!! Barrier?
"Barrier!" Masayang sigaw ko at napatingin naman silang lahat sa akin
"Pinagsasabi mo?" Tanong ni Chen
"Pwede tayong maglagay ng barrier dito para hindi makapasok yung mga dark magicians"sabi ko
Nagliwanag naman ang mukha nila at saka biglang nawala. Hiyang hiya naman ako sa kanila, ako yung nakaisip ng paraan pero ako yung iniwan
Nagteleport nalang ako sa office ni Headmaster dahil alam kong nandoon sila para sabihin yung naisip kong paraan
"Payag ako sa plano nyo pero kakayanin nyo ba?" Nagaalalang tanong ni Headmaster ang nadatnan ko
"Opo naman po headmaster"sagot agad ni Ella
"Kailangan nyo lang po papasukin yung mga studyante sa dorm nila para magawa po namin ng ayos"sabi ko at tumango naman sya
"Aalis na po kami pupunta na po kami sa field"sabi ni Eshton saka kami nagteleport papunta sa field
Nandito na kami sa field at wala na ngang mga studyante dito. Ito yung pinakagitna ng academy kaya dito namin naisipan na magumpisa sa paglalagay
"Magumpisa na tayo" sabi ni Eshton at nagsitango naman kami
Magkakaharap kami at nakaikot kami ng pabilog sa gitna nitong field at saka namin pinikit yung mata namin
"God of metal and Goddess of Ice"sabi ni Chen
"God of nature and Goddess of water"sabi ni Rhea
"God of Electricity and Goddess of Air" sabi naman ni Ella
"Gods and Goddesses, we are calling you" sabi ni Eshton
"Goddess of light I'm he-- arghh"hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa binti ko
Agad kong naimulat yung mata ko at nakita ko ang panang nakatusok na sa binti ko
"Ashley okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Eshton at tumango lang ako
Hinugot ko yung pana sa binti ko at saka nilibot ko yung tingin ko sa paligid ko para tingnan yung nagpana sa akin pero wala akong nakita
Nagpalabas ako ng water shield palibot sa amin para kung may magtangka man ay hindi nya magawa agad dahil kailangan nya pa sirain yung shield
"Ituloy na natin" sabi ko kahit sobrang sakit ng binti ko
"Hindi pwede, gamutin muna natin yan. Baka mapaano ka" nagaalalang sabi ni Ella pero umiling lang ako
"Mas lalo tayong mapapahamak kunghindi pa natin gagawin ito kaya magumpisa na tayo"madiing sabi ko
Nagsitango sila kahit alam ko na napipilitan lang sila "Goddess of light and all the Gods and Goddesses, we are here to ask your help"sabi ko na nahihirapan
Nagliwanag ang mga katawan namin kasabay ang pagpapalabas namin ng lahat ng kapangyarihan namin at saka sabay sabay na itinaas namin ang mga kamay namin
Nagliwanag ang buong field dahil sa ginawa namin. Kita kita ang pagdaloy ng mga kapangyarihan namin pataas at nagsimula itong magsama sama
Patuloy parin kaming magpapalabas ng kapangyarihan namin at patuloy yon sa pagsasama hanggang sa unti unti nung napapalibutan yung buong academy
Napaupo kaming lahat ng matapos kami dahil nalagyan na ang buong academy ng barrier
Hindi man ito ganon katibay pero alam namin na maproprotektahan parin kami nito sa mga dark magicians
Malakas ang barrier na ginawa namin at sa tingin ko naman ay hindi na kami basta basta mapapahamak dito sa loob ng academy pati narin ang mga magicians dito
Nakarinig kami ng palakpakan kaya nilibot namin ang mata namin at nagulat kami ng makita yung mga studyante na nakapalibot sa amin sa pangunguna ng mga teacher at headmaster
"Ang galing talaga nila"
"Oo nga ang lakas nila"
"Sila lang ang may kayang gumawa nyan bukod sa mga reyna at hari"
Napangiti kami sa mga komento nila pero agad na nawala yung ngiti ko ng maramdaman ko ulit yung kirot sa binti ko
"Ashley yung binti mo!" Inis na sugaw ni Eshton saka lumapit sa akin at saka hinawakan yung binti ko at umilaw naman yung kamay nya kasabay ng pagkawala ng sakit sa binti ko
"Makakalabas na tayo ng dorm!" Masayang sabi ni Rhea
"Thank you talaga sa Gods ang Goddesses kasi binigyan nila tayo ng sapat na lakas" sabi ni Chen
Nung umilaw yung katawan namin ay ibig sabihin non ay binigay na ng Gods and Goddesses ang kailangan namin kahit hindi namin sabihin ay alam n nila yon
"Balik na tayo sa dorm" sabi ni Eshton kaya nagteleport na kami papunta sa dorm namin at saka nagsihiga don
Nasa sofa kaming tatlong babae na nakaupo at sila Eshton at Chen naman ay sa carpet saka kami nagsitulugan
Nagising ako dahil sa mga ingay ng mga kasama ko kaya iminulat ko yung mata ko at nagtaka ako ng mapansing nakahiga na ako
Agad akong napabangon at nagulat ng makitang sa mga hita ako ni Dane nakaunan
"Buti naman at gising ka na"
"Mukhang sarap na sarap ang tulog mo ahh"
"Syempre kay Travis sya nakaunan eh"
"Oo nga sa Dane nya sya nakaunan"
Pinagbabato ko yung apat ng Ice Spike at nagsilagay naman sila ng mga shield nila habang tumatawa
"Kamusta ka na Xarein?" Tanong ni Dane
Ngayon ko nalang ulit sya nakita simula nung gumawa kami ng poison at nagtataka ako kung saan sya pumunta
"Ayos lang naman ako, ikaw?" Tanong ko
"Ayos lang din ako"
"Saan ka pala nagpunta, ngayon lang kita nakita eh"tanong ko
"Sa tabi tabi lang"
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
