"Tapos na ba kayo magsabihan ng mahal kita?"
Agad kaming napabitaw sa isa't isa at saka napatingin sa pinto kung saan nakatayo na yung apat
Tsk, epal! Nagmomoment pa kami dito tapos eepal sila
"Mamaya nyo na ituloy yan. Kakain na tayo"sabi naman ni Eshton at umalis na kasama si Chen habang si Rhea at Ella ay kinikilig parin na nakatingin sa amin
"Mga epal talaga ang mga kaibigan mo. Mamaya na nga lang tayo magusap basta tama ang pagkakarinig ko sa sinabi mo"nakangiting sabi nya at saka lumabas din ng kwarto ko at yung dalawang bruha naman ay tumakbo palapit sa akin
"Waaaaaaaaaaaaaaa"
"OMG OMG kinikilig ako!"
"Kayo na?"
"Sinagot mo na sya?"
"Nanligaw ba sya sayo?"
"Paano mo narealize na mahal mo sya?"
Paano nga ba? Hindi ko nga alam na mahal ko sya eh. Basta bigla nalang yun lumabas sa bibig ko na hindi ko naman inaasahan
"Pwede bang isa isa lang ang tanong nyo? Masyado kayong chismosa eh"
"Hindi lang kami makapaniwala na may emosyon din pala ang lalaking bato na yon tapos sinabi nya pang mahal ka nya tapos sumagot ka!!"halos isigaw na ni Ella yon kaya inis ko syang tiningnan
"Hinaan mo nga ang boses mo. Ang lakas lakas ng boses mo. Sa totoo pang ay hindi ko alam na mahal ko sya. Basta nalang kasi yon lumabas sa bibig ko eh. Ang alam ko lang ay gusto ko lagi syang nakikita at kasama tapos kapag sa kanya ay hindi lagi ako makatanggi na para sya na yung kumukontrol sa buhay ko"
Diretsyo ang tingin na sabi ko sa kanila kaya kitang kita ko na mas lalo pa silang kinilig kaya naisipan ko na iwan sila don at pumunta nalang ako sa kusina kung saan nakahain na ang mga pagkain
"Buti naman at lumabas ka na. Kumain ka na dahil sigurado ako na gutom ka na"salubong sa akin ni Dane at saka ako pinaglagay ng pagkain sa plato ko ay pinaghila pa ako ng upaan
"Nasaan na sila Ella?" Tingnan mo itong kakambal ko. Hindi na ako inaalala simula nung dumating si Dane. Nagtatampo na ako sa kanya ahhhh
Nakasimangot ako nung tumingin sya sa akin "anong problema mo diyan at nakasimangot ka?" Nagtatakang tumingin sya sa akin
"Wala ka nangpakialam sa akin, kambal ko"
"Ano na naman ang pinagsasabi mo?"naguguluhang tanong nya
"Hindi mo na ako inaasikaso. Hindi mo na ako pinaghahanda ng pagkain tapos hindi mo na ako sinasamahan sa mga pinupuntahan ko"nakasimangot paring sabi ko at napatawa naman sya saka lumapit sa akin at saka ako niyakap
"Nagtatampo ang kakambal ko. Ganto kasi yan, binibigyan ko lang kayo ng time ni Travis para sa isa't isa kagaya ng pagbibigay mo ng oras sa amin ni Ella kasi alam ko naman na mahal nyo ang isa't isa"bulong nya kaya hinampas ko sya sa balikat
"Ano na nga palang status nyo ni Ella?" Tanong ko at naramdaman ko na naman sya na tumawa
"Nililigawan ko na sya at iniintay ko nalang na sagutin nya na ako" bulong nya kaya napahiwalay ako sa kanya at gulat na tiningnan sya
"Kelan pa?"
"Kahapon lang hahaha. Ang tagal nya nga akong sagutin eh"agad ko syang nabatukan dahil sa sinabi nya
"Kahapon ka lang naman pala nagumpisa manligaw pero gusto mo ay sagutin ka na agad"
Tumawa na naman sya "Ikaw nga eh, hindi ka naman niligawan nyan si Travis pero sa tingin ko ay kayo na" tumingin pa sya sa tabi ko at narinig ko naman ang pagtawa ni Chen
"Sino may sabi sayo na kami na? Sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman sya sinagot kasi hindi naman sya nanliligaw"naiilang na sabi ko
"Kailangan ko parin ba gawin yon eh sinabi mo na nga rin na mahal mo rin ako kaya hindi ko na kailangan manligaw kasi tayo na"
"Woahhh. Hindi pa nga kami nakakamoveon sa narinig namin kanina tapos ito naman ang madadatnan namin"sabi ni Ella na kakapasok lang kasama si Rhea pero nananatili ang tingin ko kay Dane
"Aba naman. Ang kapal naman talaga ng mukha mo. Hindi ka nga manlang nanligaw tapos tayo na agad. Hindi porket sinabi ko na mahal kita ay tayo na agad"
Oo na, mahal ko nga sya. Hindi ko lang siguro napapansin pero sa tuwing malapit sya sa akin ay bumibilis ang tibok ng puso ko
"Wala akong pakialam kung gusto mo pang ligawan kita. Basta para sa akin ay tayo na. Tapos ang usapan" sabi nya at saka kumain na
Napatulala nalang kami sa kanya habang sya naman ay patuloy lang na kumakain
------------------
Dahan dahan akong bumangon sa higaan ko at nagayos ng sarili ko at saka ako dahan dahan lumabas ng kwarto ko
Alas kwatro palang ng umaga at tulog pa ang mga kasama ko kaya hindi ako pwedeng magingay
Kahapon ay wala naman kaming ginawang katinuan kasi nagkulitan lang sila habang ako ay nagiisip ng paraan kung ano ang magagawa ko para matigil ang kasamaaan ng mga dark magicians at ngayon nga ay gagawin ko na ang naisip ko kahapon
Hindi ko pinaalam sa kanila ang plano ko kahit kay Dane kasi ayaw ko silang madamay pa
Kaya eto ako ngayon. Nakilos ng patago. Gumawa na ako ng notes kanina at idinikit ko sa pinto ng kwarto ko
Nagteleport nalang ako palabas sa academy at nakita ko don si HM na iniintay ako
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo. Maaari kang mapahamak" nagaalalang tanong nyo
"Buo na po ang pasya ko HM. Kailangan ko po itong gawin para sa lahat. Kailangan ko pong sumubok kasi hindi ako matatahimik hanggang wala akong ginagawa"
"Sige pero magiingat ka. Siguraduhin mo lang na makakabalik ka ng ligtas dito mamaya kundi lagot ako sa mommy at daddy mo"binuksan nya ang gate kaya lumabas na ako don
"Promise po"nakangiting sabi ko na itinaas pa ang kanang kamay ko
"Sige. Umalis ka na at malapit nang sumikat ang araw at baka may makakita pa sa iyo"
"Sige po. Babalik din po ako mamaya"
Nagteleport ako papunta sa lugar kung saan nakatira ang mga dark magicians at nadatnan ko silang nagkakagulo don hanggang sa may nakakita sa akin kaya agad itong sumigaw
"Light magician!"
Ito na. Kailangan kong gawin ito. Sana hindi ako mapahamak
![](https://img.wattpad.com/cover/225897524-288-k961348.jpg)
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...