Chapter 49

355 18 0
                                        

Para akong patay na nakahiga dito. Hindi ako nagalaw. Yung mata ko, tuloy tuloy lang sa pagluha

Ang tanga tanga ko. Wala akong kwentang prinsesa! Paano ko nagawang mahalin ang isang kaaway? Bakit hindi ko nalaman na isa sya sa mga traydor, na isa sya sa mga kalaban namin

Bakit ganto? Ang dami dami namang iba diyan pero bakit sya parin yung minahal ko?!

"Eshton, please come here" bulong ko

Kailangan ko sya. Ngayon ko kailangan ng pagaalala nya!

Masakit na yung dibdib ko. Kanina pa ito nakirot dahil sa bwisit na Dane na iyon

Bwisit sya. Minahal ko sya pero ginanto nya ako

Bigla kong naalala yung nasa garden ako tapos magkasama kami tapos bigla syang umalis at may pumana sa akin non tapos bigla rin syang bumalik

Naalala ko na may nakita sila Eshton na keychain na may nakalagay na prince. Ngayon alam ko na kung sino ang may gawa non! Si Dane!

Hindi na ako magtataka kung sya din ang nagsabi sa Alexander na yon kung nasaan kami nung gumagawa kami ng potion

Yung may nagpana sa akin nung naglalagay kami ng barrier sa academy, baka sya din yon!

"Hindi kita mapapatawad Dane!" Sigaw ko sa kanya

Ngayon ko lang nalaman na sya pala yung pilit na pinapatay ako, sya pala yung gusto na mamatay ako! Yung taong mahal ko pala yung nagtatangka sa buhay ko

"Minahal ko lang naman sya ah pero bakit ito ang kapalit?" Wala sa sariling tanong ko

Kanina ko pa hinihiling na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana nandoon ako sa higaan ko at isang masamang panaginip lang ito

Ayoko nito! Nasasaktan ako! Trinaydor ako ng isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko!

"Eshton, mom and dad. Puntahan nyo ako dito" pakiusap ko

Kahit isa manlang, sana may maghanap sa akin. Kahit isa lang!

"Ang saya makita na nagdudusa ka"

Unti unti nabuo yung galit ko ng marinig ko yung boses na yon pero hindi ko sya tiningnan

Hayop sya! Hinding hindi ko sya mapapatawad!

"Bakit hindi ka nagsasalita, babe? Hindi ka ba masaya na kasama mo ako ngayon?"

Galit akong tumingin sa kanya "Paano mo nagawa sa akin ito?"

"Simple lang. Isa ka kasing mangmang na prinsesa na mahilig magtiwala sa mga taong hindi nya naman kilala ng lubusan"

Pakiramdam ko, nadagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko at yung luha ko ay mas lalo pa nagtuloy tuloy sa pag-agos

Hindi sya ganyan nung kasama namin sya. Hindi nya ako sinasabihan ng ganyan! Kasi nga nagkunwari sya!

"Ikaw, ikaw yung pumana sa akin sa garden at nung naggagawa kami ng barrier"diretsyong sabi ko sa kanya at hindi na ako nagulat ng ngumisi sya

"Ako nga. Ang tanga nyo kasi para hindi malaman. Yung kakambal mo na tanga rin ay tiwalang tiwala rin sa akin"tumawa pa sya ng malademonyo

"Alam mo kung bakit? Kasi akala namin mabait ka. Akala namin mapagkakatiwalaan ka. Alam mo ba na takot na takot ako sayo ng una kita makita pero nung nakasama kita ay nawala yon. Siguro nga tanga ako kasi nagawa kong mahalin yung tunay na kaaway namin. Tanga ako kasi hindi ko alam na kaaway ka pala kasi masyado akong nagtiwala sayo. Nung marinig ko yung boses nung nakamaskara na nakaaway ko, kaboses mo sya eh pero dahil malaki ang tiwala ko sayo ay hindi ko hinayaan na lamunin ako ng pagdududa. Ngayon, hinihiling ko na nanaginip lang ako kasi ayaw kong maniwala na kaaway ka namin. Ayaw ko na maniwala na ikaw yung may hawak ng dark magic, na ikaw yung prinsepe ng dark kingdom. Ayaw ko maniwala na ikaw yung nagtatangka sa buhay ko. Minahal na kita eh! Bakit ngayon mo pa ito ginawa? Sana noon pa na hindi pa kita mahal. Paano ko magagawang saktan yung taong mahal ko?"napahagulhol na ako ng iyak habang sinasabi ko yon

Ang sakit! Lalo na ng tingnan nya ako ng walang emosyon sa mukha

"Wag kang magdrama diyan. Hindi tatalab sa akin yan dahil hindi ako tanga na katulad mo"

Kailangan ba talaga na ipamukha sa akin na tanga ako?! Oo na nga diba?

"Baby, bakit ang tagal mo diyan?" Sabay kaming napatingin sa pinto at nagtaka ako ng makita ko ang babaeng nakangisi don

"Kinakausap ko lang sya, baby. Saglit nalang ito" sagot ni Dane

Pakiramdam ko, mas kumirot pa yung dibdib ko dahil sa narinig kong sagot nya

Tinawag nyang baby yung babae!

Lumapit yung babae kay Dane at naipikit ko nalang yung mata ko ng halikan nya ito

Tumulo ng sunod sunod yung luha ko. Ayokong imulat yung mata ko kasi ayoko silang makita. Ayoko silang makita kasi nasasaktan ako!

"Gusto mo ba syang makilala?" Iminulat ko yung mata ko ng marinig ko yung boses ni Dane na nagtatanong at nakita ko sya na sa akin nakatingin

Hindi ako sumagot. Tinanggal ko yung lahat ng emosyon sa mukha ko. Pinilit kong tumigil sa pagiyak kahit nakikita ko na nakayakap yung isa nyang braso sa bewang nung babae

Hindi ko sya sinagot at nananatili lang na nakatingin sa kanya ng walang emosyon

"Sya si Kiara Dayholt, ang girlfriend ko"nakangisi nyang sabi

Kahit parang sinaksak ako sa puso ko ay hindi parin ako nagpakita ng emosyon ko. Kahit yung luha ko ay parang tutulo na pero pinigilan ko parin

"Wala akong pakialam, umalis na kayo dito. Ayoko makita yang mga pagmumukha nyo" diretsyong sabi ko

Hindi yon totoo! Gustong gusto ko na nakikita ko sya pero nasasaktan na ako eh

Sapat na siguro yung sakit na dinaranas ko ngayon. Wala naman akong ginawang masama eh pero bakit ako ang nakakaranas nito

Wala naman akong ginawa eh kundi ang tumulong lang pero bakit ako? Ang daming masasam diyan oh!

Mom, Dad please sunduin nyo ako dito!

Nung lumabas sila ay saka nagsituluan yung luha ko pero nananatili yung walang emosyon sa mukha ko

Hindi ako nagingay. Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagsalita

Pakiramdam ko namamanhid na ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay wala na akong nararamdaman na kirot sa dibdib ko pero alam ko na babalik lahat yon pagnakita ko ulit sila

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now