Nung makaalis yung lalaki ay pagod akong nagteleport papunta sa dorm at nadatnan ko silang nakaupo sa sofa at nagkwekwentuhan
Inis akong tiningnan sila, nandito pala sila pero bakit himdi sila dumating? Kung kelan kailangan ko ng tulong nila
"Ang tagal nyo naman matapos gumawa ng poison ni Travis" sabi ni Eshton nung makita nya ako
Inirapan ko sya. Naiirita ako sa kanila. Paano nalang kung namatay ako kanina?
"Woah, anong nangyari sayo? Bakit ang dumi mo?" Tanong ni Chen
Nung tingnan ko ang damit ko ay puro galbok nga at mga dumi, gusot gusot din, ikaw kaya ang makipaglaban kung hindi mangyari sayo ito
Inis ko silang tiningnan "bakit hindi kayo dumating?" Tanong ko at nakita ko silang nagtaka
"Anong hindi dumating? Saan?" Tanong ni Ella na nakakunot ang noo
"Nakakita ako ng dark magician kanina at tinangka nya akong patayin"inis na sagot ko sa kanya at nagulat naman sila
Mga nanlalaki ang mga mata nila at umawang pa ang mga bibig. Gulat na gulat?
"Nasaan na sya? Sinaktan ka ba nya?" Tanong naman ni Rhea
"Syempre, tinangka nya nga akong patayin diba? Pinatawag ko kayo kay Dane pero hindi kayo dumating, ayon tuloy nakatakas sya"
"Nakilala mo ba sya?"seryosong tanong ni Eshton
Umiling ako "tinanong ko sya pero ang sinagot nya lang ay sya ang papatay sa akin" seryoso ding sabi ko
"Walang sinabi sa amin si Travis kanina, hindi din namin sya nakita"sabi ni Chen
"Pero nagteleport sya kanina dito para tawagin kayo kaya inintay ko naman kayo"sabi ko sa kanila ng nagtataka
Bakit hindi nasabi ni Dane? Nasaan ba sya ngayon?
"Hindi pa namin sya nakikita simula ng umalis kayo" sabi ni Ella kaya agad akong nagalala
"Alam nyo ba yung dorm number nya?" Tanong ko
"Sa pagkakatanda ko ay 257"sabi ni Chen kaya nagteleport ako sa harap ng pinto na 257 ang nakalagay
Ilang segundo lang ay nandito na rrin sila Rhea dahil nagteleport din sila. Kumatok ako sa pinto at bumukas naman agad yon
"Mga prinsesa at prinsepe" gulat na sabi nung isang lalaki saka nagbow sya
"Nandiyan ba si Dane?" Tanong ko sa kaniya
"Wala sya dito, hindi pa sya nauwi simula kanina"sagot nya
Nasaan na yon? Baka napahamak na yon! Paano pag nakuha sya ng mga dark magicians
"May alam ka ba na pwede nyang puntahan?" Tanong ni Eshton
"Wala, hindi sya madalas na umuuwi dito. Malimit na wala sya"sagot nya
Nagtataka akong napatingin sa mga kasama ko. Minsan lang sya matulog sa dorm, pag nagmomovie marathon lang kami kaya imposible na sa amin sya napunta pag wala sya dito
"Baka naman ay may ginagawa sya" sagot ni Rhea
"Wala naman syang sinasabi, hindi nya ako kinakausap o pinapansin manlang"
Hindi na nakakapagtaka yon kasi lagi namang tahimik si Dane eh, minsan lang talaga sya magsalita
Lagi ding walang emosyon yung mukha non na parang ipinanganak na ganon na
Magbabago lang ang emosyon non pag ngingisi yon at madalas ay nakakatakot pa
"Sige, salamat" sabi ni Chen
Nagteleport na kami pabalik sa dorm namin at saka nagsiupo sa sofa. Nasaan ka na Dane?
"Sabihin natin kila mommy ang nakita mo Ashley"sabi ni Rhea at tumango naman ako saka sabay sabay kaming nagteleport papunta sa fire kingdom
Alam ko kasi ay nandoon sila mommy ngayon at kasama ang ibang reyna para sa isang pagtitipon
Hindi nga ako nagkamali dahil nakita namin sila sa dining hall na naguusap "mommy, daddy" tawag ko sa kanila
Lumingon naman sila at nakita ko na nagtaka sila kung bakit kami nandito "Bakit kayo nandito?"
"May mahalaga po kaming sasabihin" sabi ni Eshton
Nagsiupo kami sa mga bakanteng upuan at saka kami seryosong tumingin sa kanila
"Mommy, nakakita po ako ng dark magician kanina at gusto nya akong patayin"sabi ko at gulat silang tumingin sa akin
"Saan mo sya nakita?" Tanong ni daddy
Ayan na naman ang walang emosyon nyang mukha. Malimit din sya na walang emosyon lalo na kapag seryoso ang usapan pero kapag sa amin lang ay nagkakaroon naman sya ng emosyon
"Sa daan po papunta dito. Pinagawa po kami ng poison kanina pero nagulat kami ng kasama ko ng makakita kami ng isang lalaki. Nagpalabas po sya ng Black fire kaya nalaman ko na dark magician sya at sabi nya po ay sya ang papatay sa akin"paliwanag ko sa kanila at magsiseryoso ang mga mukha nila
"Mukhang nagkamali nga tayo ng isipin nating naubos na sila" seyosong sabi ni tito Ace, tatay ni Chen
"Nasisiguro kong gaganti sila sa pagkamatay ng mga kasama nila"sabi ni Tita Aicelle, nanay ni Chen
"Maaaring magdulot na naman ito ng panibagong laban"sabi ni Tita Althea, nanay ni Rhea
"Hindi na nakakapagtaka yon"sabi ni Tita Aira, nanay ni Ella
"Kailangan paghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw, nasisiguro ko na hindi sila mananhimik" seryosong sabi din ni mommy
They are scary. Kaya ayoko pag mga seryoso sila eh kasi nakakatakot sila. Parang handa lagi silang lumaban at walang makakahadlang sa kanila
"Ano po ang dapat naming gawin?" Tanong naman ni Ella
"Tulungan nyo ang mga studyante na maging malakas because we dont know what would happen next"sagot ni tito Ethan
Nagsitanguhan naman kami. Handa naman kaming tumulong lalo na kung para sa ikabubuti naming lahat
Hindi naman pwedeng kami lang ang lumaban dahil hindi namin kakayanin kung marami sila at kokonti lang kami
Sa ngayon ay hindi pa namin alam kung marami sila pero kailangan namin maging sigurado lalo pa ngayon na hindi namin kilala ang kalaban namin
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa headmaster para sa mangyayaring training ng mga studyante"sabi ni Mommy
"Bigyan din ng panahon ang mga kawal sa bawat palasyo na magpalakas para sa mga hindi inaasahang mangyayari"maawtoridad na sabi ni daddy
Hanga talaga ako sa kanila. Nagampanan nila ang tungkulin nila bilang hari at reyna at patuloy nilang ginagampanan
Masayahin at maloko ang karamihan sa kanila pero nawawala yon sa mga seryosong bagay na at nagiging maawtoridad sila
"Bumalik na kayo sa dorm nyo at magingat kayo lalo na ikaw Ashley dahil alam ko na gugustuhin nilang patayin ka"sabi ni mommy
![](https://img.wattpad.com/cover/225897524-288-k961348.jpg)
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...