Eshton POV
It's been a week pero tulog parin ang kapatid ko, hindi ko na alam ang gagawin ko
Kagaya ng sinabi ng nurse ay walang nakagamot sa kanya kahit sila mommy pa, hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko na healer sya eh
Sa tuwing lumilipas ang araw ay humihina ng pagtibok ng puso nya at don kami natatakot
Mahal na mahal ko ang kapatid ko at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya pero ngayon ay wala akong magawa
Isang linggo narin ang nagdaan pero hindi parin namin alam kung sino ang may gawa nito sa kanya
Walang nakita sa garden kundi yung pana at saka yung keychain lang. Sinubukan namin tingnan kung may finger prints don pero bigo kaming makakita kahit isa
"Iniisip ko parin talaga yung keychain na yon eh, sobrang weird kasi nakita ko sya malamit sa may dugo ni Ashley"sabi ni Rhea habang nagkakamor ng ulo
Nagbabantay kami kay Ashley dito sa clinic at umaasa na magigising na sya at gusto namin ay kami ang makakita non kaya hindi kami umaalis dito
"Wala na namang ibang prince dito eh kundi kami ni Eshton pero kasama nyo kami non kaya napakaimposibleng kami yon"sabi din ni Chen
Nasa dorm lang kami nung nangyari yon kaya hindi kami yon pero sino pa ang ibang prinsepe bukod sa amin
"Hindi lang naman prinsepe ang pwedeng ibig sabihin nyang prince na yan eh, may pangalan na prince"napatingin kami kay Ella ng sabihin nya yon
Nakatulala lang sya sa hangin, nagaalala na nga ako sa kanya eh kasi lagi na lang syang nakatulala simula ng nangyari ito kay Ashley
Lubos kaming naapektuhan sa nangyari kay Ashley, halos hindi na kami umaalis dito sa clinic, hindi din kami madalas matulog at kumain
"Kunin mo kay hm ang lahat ng impormasyon ng mga studyante dito"utos ko kay Chen na agad namang umalis
Lumapit ako kay Ashley na ngayon ay tulog parin "little sis, isang linggo ka ng tulog. Hindi ka ba nangangalay diyan sa pagkakahiga mo? Bangon ka na, gising ka na. Miss na miss na kita, gusto na kitang makitang tumatawa at nakangiti. Gusto na kitang asarin kaya gumising ka na. Mahal na mahal kita little sis kaya wag na wag mo akong iiwan"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, sabihin mang kabadingan ang umiyak pero wala na akong pakialam
Simula ng ipanganak kami ay magkasama na kami, sabay kaming lumaki at laging magkasama
May nararamdaman din akong sakit sa tiyan ko pero kukunti lang. Magkadugtong ang buhay namin kapg nasasaktan sya ay masasaktan din ako pero hindi kagaya ng sakit na nararamdaman nya. Kung mamamatay sya ay manghihina naman ako.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas yon at saka pumasok si Chen na may dalang malaking kahon "nakuha ko na lahat and I found out na more than five thousand students ang nagaaral dito"sabi nya saka nilapag yung kahon sa sahig
"Umpisahan na natin para mahanap na natin yung gumawa nito sa kanya"sabi ni Rhea at binuksan na yung kahon
Chen POV
it's been a hour at naghahanap parin kami ng may pangalang prince, actually nakatatlong tao na kami na may pangalang prince
Hindi kami tumitigil kahit may nahanap na kami na may pangalang prince kasi hindi kami pwedeng magbintang agad
"Ito may prince din, Prince Rhailey yung pangalan" sabi ni Rhea sabay abot sa akin nung papel
Nagpatuloy kami sa paghahanap at tumagal kami ng ilang oras pa sa dami ng studyante dito at may pitong studyante na may pangalang prince dito
"Iisa isahin natin sila at aalamin kung sila ng my gawa non" sabi ni Eshton
Tumayo na kaming apat at saka lumabas sa clinic dala yung mga files ng pitong studyante
Bago kami umalis ay naglagay muna kami ng barrier para hindi makapasok ang masasamang magicians dito
"Unahin natin si Prince Edward, dorm 104 sya" sabi ni Ella at saka nagteleport kaya nagteleport narin kami
Nakarating kami sa tapat ng room 104 at kumatok na si Rhea don at ilang saglit lang ay may lumabas ng lalaki
"Bakit po mahal na prinsepe at prinsesa?"tanong nya sa amin pero kay Rhea lang nakatingin
Humarang ako sa harapan ni Rhea saka sya sinamaan ng tingin "nandiyan ba si Prince Edward?" Inis na tanong ko
Mukha namang nagulat sya sa ginawa ko at sa tono ng boses ko kaya sumagot agad sya "tatawagin ko lang po sya, pasok po kayo" sabi nya sa amin kay pumasok kami at nakita nin ang isang lalaki na nakaupo sa sofa
Nung tumingin sya sa gawi namin ay agad syang tumayo ng ayos "mga prinsesa at prinsepe" sabi nya
"Hinahanap nyo daw po ako mga prinsesa at prinsepe"napatingin kami sa isang lalaki na papalapit sa amin
"Magsiupo kayo"sabi ko at umupo naman sila sa harapan namin kaya naupo din kami
Tatlo silang nasa harapan namin at nakikita ko na nagtataka sila kung bakit kami nandito
"Nandito kami para sa imbestigasyon, may nakita kami na isang keychain sa garden kung saan napana si Ashley at nalagay don ang pangalang prince"sabi ni Rhea at saka tumingin kay Prince Edward na nagulat
"Nasaan ka ng oras na napana si Ashley, sa tingin ko naman alam nyo yon kasi kalat ang balitang yon dito"diretsyang tanong ni Ella
"Nandito lang po ako non at lumabas lang kami nung malaman namin ang nangyari sa prinsesa"sagot nya
"Anong ginagawa mo nung oras na yon?"tanong ni Eshton
"Nanonood po kami"sagot nya
Tumingin kami sa kasama nya at nagsitango naman sila " kasama po nakin sya at sigurado kaming hindi sya lumabas non hanggang sa mabalitaan namin na napana ang prinsesa"sabi nung isang lalaki
"Nanonood lang kami non isang palabas"sabi naman nung isang lalaki
Mukha naman silang nagsasabi ng totoo, kasi kung nagsisinungaling sila ay baka nautal na sila at hindi makatingin sa amin ng diretsyo
"Aalis na kami" sabi ni Ella
"Sige po mahal kong prinsesa"sabi nung isang lalaki na naabutan namin na nakaupo dito kanina
Hindi na ako nagulat ng nagpalabas ng apoy si Eshton sa kamay nya "itong apoy ko mahal mo rin ba?" Inis na tanong nya
"Eshton tigilan mo nga yan" saway sa kanya ni Ella at natawa ako ng agad pinaglaho ni Eshton yung apoy nya
"Subukan mong tawaging mahal kong prinsesa ulit si Ella, sisiguraduhin ko na matatamaan ka ng apoy ko"sabi nya at saka hinila si Ella palabas
Sumunod na kami ni Rhea sa kanila pero bago ako makalabas ay narinig ko pang bumulong yung lalaking nagbukas ng pinto kanina
"Ang ganda talaga ni princess Rhea, nakakainlove" dahil sa narinig ko ay agad kong hinarap yung lalaki at saka ako naglabas ng yelo sa kamay ko at saka binato ito sa paa nya kaya nagyelo ang paa nya hanggang binti
"Oras na marinig ko ulit na sabihin mo yan, hindi lang yan ang gagawin ko sayo"sabi ko at tinalikuran ko na sya at saka lumabas
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
