Chapter 31

409 19 0
                                    

Nandito ako sa sala habang nakatulala sa kawalan. Hindi parin pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Dane

Mahal nya ako? Nagloloko lang naman sya diba?

Ilang araw na ang lumipas ng sinabi nya yon pero hindi parin ako makapaniwala

"Xarein" napatingin ako sa pintuan at agad na napaiwas ng tingin ng makita ko si Dane don

"Eshton, una na ako sa room!" Sigaw ko saka naglakad palapit sa pinto para makaiwas kay Dane

"Sa amin ka sasabay! Kapag umalis ka diyan ay lagot ka sa akin!" Sigaw din ni Eshton

Inis akong bumalik sa upuan at saka padabog na umupo don at napairap

"Xarein"hindi ko alam ang gagawin ng tawagin nya ulit ako kaya nagkunwari nalang akong may hinahanap sa loob ng bag ko

"Xarein, kausapin mo naman ako" sabi nya at saka tumabi sa akin sa sofa kaya agad akong napaurong palayo pero ang baliw ay umurong rin palapit

"A-ano ba? Bakit ka ba urong ng urong" naiilang na tanong ko ng makaabot na ako sa dulo ng sofa

"Ikaw ang bakit lumalayo sa akin, sinabi ko lang naman ang totoo diba tapos nilayuan mo na ako. Tinanong mo ako tapos nung sinabi ko ay lalayo ka"

"Nag-nagbibiro lang naman ako non, ma-malay ko ba na ganun ang nararamdaman mo"

"Ano naman kung nagbibiro ka non? Seryoso ako sayo"

Napatulala nalang ulit ako dahil sa sinabi nya at hindi na ako nakasagot sa tanong nya

"Ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa? Ilang araw na naming napapansin na nagiiwasan kayo"napatingin nalang ako sa pinto ng kusina ng marinig ko yung boses ni Ella don

Nakita ko silang apat na nagtatakang nakatingin sa amin, mga nakakumot ang noo

"Ahhh wa-wala, a-alis na ta-tayo" sabi ko at saka tumayo na at pumunta sa pinto

"Travis, anong nangyari?"rinig kong tanong ni Chen kaya agad akong napatigil

Wag mong sasabihin! Hindi pwede! Baka mapagalitan na naman ako ni Eshton! Baka hindi ako makalabas ng ilang buwan!

"Inanim ko na sa kanya" napapikit nalang ako sa sinabi ni Dane

"Talaga? Congrats bro, nakaamin ka na"

"Alagaan mo ang kakambal ko"

Gulat akong napatingin sa kanila ng marinig ko yun, lalo na yung sinabi ni Eshton

"Oh my gosh! May lovelife ka na Ashley!"

"Oo nga!"

"Hi-hindi ka ga-galit?"nagtatakang tanong ko kay Eshton

"Bakit naman ako magagalit? Kilala ko na si Dane kaya alam ko na aalagaan ka nya"nakangiting sabi ni Eshton

Bakit nung yung kay Nate yung nalaman nya ay galit na galit sya, balak pa nga nya sugudin eh tapos ngayon ay okay lang sa kanya na mahal ako ni Dane, anong nangyayari sa kanya?

"Ayaw nya akong pansinin o kausapin manlang" sabi ni Dane

"Hoy Ashley! Ikaw pa ang ayaw mamansin, sinong gusto mo? Si Nate ba?"dirediretsyong sabi ni Chen at halos batuhin ko sya ng apoy dahil don

Dahan dahan akong napatingin kay Eshton at Dane at nakita ko sila na masama na namang nakatingin sa akin

"Wala akong sinabi na ganon? Si Chen lang ang may sabi non!" Agad na sabi ko kasi baka malagot na naman ako sa kanilang dalawa

"Tara na nga lang pumasok, male-late na tayo" sabi ni Ella kaya nakahinga ako ng maluwag

Nagteleport na ako sa room namin at nadatnan ko yung ibang mga classmates ko

Sunod na dumating ay yung lima kaya nagsiupo na kami sa upuan namin habang iniintay yung prof namin

"Xarein" inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Nate na nakangiti sa akin

"Bakit?" Kinakabahang tanong ko

Alam kong nakatingin na sa akin yung lima at dalawa sa kanila ay masama amg tingin sa akin

"Pwede ba kitang makasabay sa lunch?" Nakangiti pa nitong tanong

Napapikit nalang ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari

"Sino ka para yayain syang makipagluch sayo?" Galit na tanong ni Eshton

"At sino ka para tawagin syang Xarein, ako lang ang may karapatan na tumawag na Xarein sa kanya"ramdam ko ang pagtayo ni Dane sa likod ko kaya mas lalo akong kinabahan

Kilala ko na sya, alam ko na masungit yan. Lagi yan walang emosyon at kung nagkakaroon man ay yun kung ngingisi sya. Sa akin ko nga lang yan nakikitang ngumiti eh

Alam ko rin na malakas sya kahit invisible at teleportation lang ang ability nya kaya dapat ay hindi sya maliitin

"Gusto ko lang naman sya makasabay maglunch" sabi nito habang nakatingin kay Eshton at nilipat ang tingin kay Dane "wala ka ring karapatan na pagbawalan akong tawagin sya na Xarein dahil pangalan nya yon at hindi sayo"

Bakit ka pa sumagot?! Galit na ang mga yan pero ginalit mo pa! Dapat nanahimik ka nalang!

"Pakiulit nga ang sinabi mo?" Nang maramdaman ko na naglakad si Dane palapit kay Nate ay agad akong napatayo para pigilan sya

Lumapit ako sa kanya at saka sya tiningnan ng deretsyo sa mata "wag mo nalang syang pansinin, okay? Ako na ang bahala sa kanya"

Tumingin ako kay Nate "Sorry, hindi ako pwedeng sumabay sayo sa lunch at pakitawag nalang ako sa pangalan ko na Ashley, sorry talaga"

Wala syang laban kina Eshton at kay Dane kasi portal maker lang sya, dipende nalang kung sandata ang gagamitin nila

"Okay lang, next time nalang siguro" nakangiting sabi nya kaya napangiti nalang rin ako

Bakit ba ang bait nya? Sina Eshton at Dane na nga ang may sinabing masama sa kanya pero okay lang sa kanya

Nagulat nalang ako ng may tumakip sa mukha ako at pinaharap ako sa kanya

"Wag kang ngumiti sa kanya, sa akin ka lang pwedeng ngumiti" sabi ni Dane na masama ang tingin sa akin kaya napairap nalang ako

"Ewan ko sayo" bumalik nalang ako sa upuan ko at ganon din naman sila

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Prof at nag discuss sya tungkol sa iba't ibang uri ng ability hanggang sa may makakuha don ng atensyon ko

"Ang dark magic ay ang kalaban ng light magic. Dalawa lang ang nabubuhay ngayon na may light magic kaya kailangan silang protektahan. Wala ng natitirang nilalang na may Dark magic kaya hindi namin alam kung saan nanggaling ang mga dark magicians na sumugod sa atin nung isang araw. Kailangan nating maging handa para sa mga dadating pang peligro. Isa lang ang sigurado ko, wala ng dark magicians na pwedeng makatalo sa atin"napangiti ako sa sinabi ng prof namin

Meron mang dark magicians ay hindi naman nila kami matatalo dahil taglay namin ni mommy yung light magic

Nung matapos ang pagdidiscuss ni ma'am ay nagkanyahan kaming tumayo para lumabas pero napatigil kami ng marinig namin na tumunog yung speaker

"Calling for the attention of the royalties, proceed to the light kingdom now"

Ilang beses pa yon nagpaulit ulit kaya nagkatingin kaming lima saka nagteleport papunta sa kaharian namin at naiwan si Dane

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now