Katulad ng ginagawa namin nung mga nakaraang araw ay nagprapractice lang kami
Wala munang klase kasi kailangan namin magtraining para sa nalalapit na digmaan. Ibabalik naman nila yon pagkatapos ng digmaan
Nandito ako sa garden, wala akong kasama kasi ayaw ko na may gumulo sa akin
Marami akong iniisip at wala ako sa mood makipagusap ngayon sa kahit sino
"Ashley, bakit ka nagiisa dito?" Napatingin ako ng may umupo sa tabi ko
"Nate, ikaw pala" sabi ko nalang
Kakasabi ko pa lang na gusto kong mapagisa pero dumating naman sya. Tsk, hayaan na nga
"Bakit ka magisa dito?" Ulit nya sa tanong nya
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at saka tumingin sa mga bulaklak dito "marami lang akong iniisip"
"Isa ba sya don?" Muli akong napatingin sa kanya ng tanungin nya yon
Nung sinabi nyang sya ay parang naintindihan ko na agad kung sino ang tinutukoy nya
Hindi ko nalang sya sinagot at iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya
Totoo naman eh. Isa sya sa maraming iniisip ko ngayon at sa tingin ko ay kahit anong gawin ko ay hindi na sya mawawala sa isip ko
"Alam mo ba na para sa akin ay hindi sya masamang magicians. Para sa akin ay mabait sya. Nagawa ka nyang pasayahin, nagawa ka nyang pangitiin at nagawa ka nyang patawanin"
Pero nagawa nya rin akong saktan. Kahit ang sarili ko ay iniisip na hindi naman talaga sya dark magicians pero yung katotohanan ay nasa harapan ko na at kulang nalang ay isampal na sa akin para marealize ko
"Wala man lagi syang emosyon, pero nakikita ko naman na totoo lahat ng pinapakita nya sa inyo"
Don ka nagkakamali. Nagpapanggap lang sya kagaya ng pagpapanggap nya na mahal nya ako at kaibigan ang turing nya sa amin
"Kinausap nya ako non na layuan kita kasi lagot ako sa kanya kapag nakita nya pa akong dumidikit sa iyo"
Muli akong napatingin sa kanya at inintay na sabihin nya na nagbibiro lang sya pero hindi nya ginawa
Matutuwa na sana ako pero naalala ko na nagpapanggap lang si Dane nung mga oras na yon
Ito na naman ako, umaasa. Lagi naman eh.
"Inaamin ko na gusto kita pero hindi na kita nilapitan kasi nakikita ko na masaya ka sa kanya, sya yung mahal mo. Gustuhin ko man na lapitan ka pero hindi ko ginagawa kasi nakikita ko naman na masaya ka sa piling nya. Nakontento ako sa malayo"
Confession na ba ito? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya
"Wag kang magalala, sinasabi ko lang nararamdaman ko. Hindi mo kailangang sumagot"natatawang sabi nya
Tsk, mind reader nga pala sya
"Hindi lang ako makapaniwala na isa syang dark magician. Sa tingin ko ay napilitan lang sya na maging dark magician"
"Hindi sya napilitan"pagtutol ko sa kanya "isa sya sa dark princes. Gusto nyang patayin yung magulang ko dahil sa pagpatay nila mom sa tatay nya"
"alam ko, pero para sa akin ay hindi sya masama. Magbabago pa sya"
Natuwa ako sa sinabi nya, hindi lang pala ako ang umaasa. Dalawa kaming naniniwala na magbabago si Dane
"Thank you" nakangiting sabi ko
Nginitian nya din ako "nandito lang ako kapag kailangan mo ng kara--"
Nagulat nalang kami dahil nakita nalang namin na may pana ng nakatusok sa tiyan nya
"Nate!" Nagaalalang sabi ko
Humarap agad ako sa kanya at saka hinawakan yung pana "wag kang gagalaw, tatanggalin ko yung pana. Magiging masakit ito" sabi ko at tumango naman sya at saka pumikit
Hinila ko yung pana na nagpadaing sa kanya kaya agad kong itinutok yung kamay ko sa tiyan nya at ginamot yung sugat nya
Nung maghilom na yung sugat nya ay tiningnan ko kung saan nanggaling yung pana
Nung makita ko yung nakatayo sa puno na nakacloak na itim ay agad akong nagteleport papunta don at hinawakan sya sa likod at saka nagteleport palabas ng academy
Nagpalabas agad ako ng metal blade at saka itinutok yon sa likod nya
"Sino ka?! Bakit mo pinana si Nate!?" Sigaw ko sa kanya
Ng hindi sya sumagot ay hinila ko yung nakatalukbong sa ulo nya kaya nakita ko yung mukha nya
"Dane?" Gulat na sabi ko pero napalitan yon ng inis "bakit mo pinana si Nate?!"
"Hindi ka ba talaga makaintindi?! Diba sabi ko, walang dapat na lumapit sayong lalaki bukod sa akin. Hindi mo ba maintindihan yon? Gusto mo bang ipaintindi ko pa sayo?!"bigla syang tumingin sa akin kaya napahakbang ako palayo sa kanya
Ayon na naman yung itim na itim nyang mata "nasa academy ako, Dane. Malamang, maraming lalapit sa akin na lalaki kasi hindi lang naman babae ang nagaaral don."pinilit kong itago yung kaba ko kasi gusto kong maging matapang sa harap nya
"Eh kung patayin ko lahat ng lalaki don?!"
Naginit yung ulo ko sa sinabi nya kaya nagpalabas ako ng ice balls at inihagis sa kanya na agad nya naman iniwasan
"Wala ka bang alam kundi ang pumatay. Ano bang ginagawa nila sayo?! Sinasaktan ka ba nila? Diba hindi naman! Si Nate, anong ginawa nya sayo para panain mo sya? Naguusap lang kami tapos namalayan na lang namin na pinana mo na sya!"
"Yun na nga eh, naumguusap kayo! Nilapitan kanya at sapat na yong dahilan para panain ko sya. Pasalamat ka nga at hindi ko sya tinuluyan."
"Wow, nahiya naman ako sayo! Ako pa pala ang dapat magpasalamat sayo! Thank you kasi pinana mo sya. Thank you kasi hindi mo sya napatay. Yan ba ang gustong marinig sa akin? Eh gago ka pala eh! Siraulo ka!"sinigaw ko yon habang nakataas yung isang kamay ko at nakatutok sa kanya yung hintuturo ko
"Sa susunod na may makita akong lalaki na malapit sayo, sisiguraduhin ko na mamatay sya"bigla nalang syang nawala sa harapan ko
Parang biglang nanghina ako ng makaalis nya kasi don ko nailabas yung takot ko.
Bumalik ako sa academy at biglang sumalubong sa akin si Nate na niyakap pa ako
Agad akong napalayo sa kanya ng maalala ko yung sinabi ni Dane. Alam ko na seryoso sya don
"San ka galing? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ko
"Okay lang ako" nilampasan mo sya pagkasabi ko non
Naglakad ako pabalik sa training room at ako mismo yung pilit na lumalayo sa mga lalaking malapit sa akin
Natatakot ako na baka bigla nalang silang mamatay at wala akong magawa para sa kanila
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
