Chapter 51

377 16 0
                                    

Ilang oras na ako nakahiga sa malademonyong higaan na ito. Ilang oras na akong nasigaw at nadaing. Nakiusap narin ako sa kanila habang iniinda yung sakit pero wala silang ginagawa

Sa katunayan ay inaantay ko nalang yung kamatayan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko

Kung mamamatay man ako ngayon, gusto ko muna na makita yung mga magulang ko at mahal ko sa buhay. Gusto ko muna makita yung ngiti nila

Hindi na ako nagpumilit na magpumiglas dahil hindi ko na kaya. Sobra na akong nanghihina at pakiramdam ko ay wala na akong kapangyarihan. Konting konti nalang ay mauubos na.

Narinig ko na may pumasok sa kwartong kinalalagyan ko pero hindi ko magawang tingnan. Pakiramdam ko ay kahit pagmulat ng mata ay hindi ko na kaya

Bigla nalang nawala yung sakit na nararamdaman ko pero sobra parin akong nanghihina

Sunod kong narinig ay yung pagtaas ng glass sa higaan ko at may humawak sa kamay ko pero hindi ko

"Bumangon ka diyan, bilisan mo kasi baka mahuli nila tayo. Tutulungan kitang makalabas dito"bulong nya

Unti unti kong iminulat yung mata ko kahit nahihirapan pa ako at nakita ko si Kiara na nagaalala na nakatingin sa akin

"Tumayo ka, bilisan mo. Baka mahuli nila tayo" hinila nya pa ako paupo pero hirap na hirap ako para magawa yon

"Paano ba kita mailalabas dito?" Parang nagmamadaling tanong nya sa sarili nya "Alam ko na" biglang sabi nya

Ipinikit ko yung mata ko at sa muling pagmulat ko ay nakahiga na ako sa damuhan habang nasa tabi ko sya. Nagteleport sya kasama ako

"Hanggang dito lang kita pwedeng dalhin kasi baka mahalata nila na wala ako sa don. Patawarin mo kami sa nagawa namin"

Paano ko kayo magagawang patawarin sa ginawa nyo? Pinaramdam nyo sa akin ang impyerno at hinding hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa nyo

"Oo nga pala. Hindi ko sya boyfriend, pinagpanggap nya lang ako."sabi nya ulit

"Kailangan ko na umalis. Sana makatakas ka, magpagaling ka. Hindi lahat ng mga dark magicians ay masama, yung iba ay napipilitan lang na maging masama kagaya ko. Sya nga pala yung nagutos sa akin na pakawalan ka"bigla nalang syang nawala sa harapan ko

Pinilit kong tumayo at maglakad kahit ilang beses na akong natutumba. Naglalakad ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta

Wala akong magamit na kapangyarihan ngayon kasi pakiramdam ko ay nasaid lahat yon

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako namamatay eh. Kapag nawalan ng kapangyarihan ang isang magicians ay mamamatay sya

Siguro ay hindi pa ubos ang kapangyarihan ko kaya hindi pa ako namamatay

Naramdaman ko na may kaaway na nasunod sa akin. Pilit kong binilisan yung lakad ko pero hindi ko magawa

"San mo balak pumunta?" Sabi nung isang lalaki.

Tatlo sila ngayon na nakapalibot sa akin. Hahawakan sana ako ng isang lalaki sa braso ko pero ginamit ko yung lakas ko para masipa sya

Nakipaglaban ako kahit hinang hina na ako at hirap na hirap na talunin sila pero nagawa ko parin pero ilang sugat ang nagawa nila sa akin kasama pa yung sugat sa tiyan ko na dahil sa black fire na ibinato sa akin ni Alexander

Sa tingin ko ay putok din ang labi ko dahil sa sampal nya sa akin at may pasa ako sa tiyan dahil sa suntok nya

Naglakad pa ulit ako pero napatigil ako ng maramdaman ko na kumirot yung dibdib ko at hindi ako makahinga

Agad akong napahawak sa dibdib ko pero may nakapa ako, agad ko itong tiningnan at nakita ko yung itim na kwintas na bigay ni Dane

Tiningnan ko ito at agad na tinanggal at tinitigan. Ngayon ko lang ito tinitigan at don ko napansin na yung parang maliit na bato don pero hindi sya ordinaryong bato kasi ginagamit yon para malaman mo kung nasaan yung isang nilalang

Agad na namuo ulit yung galit ko at agad ko yon binato at naglakad palayo don

Kaya pala lagi akong nasusundan! Kaya pala laging alam ng kaaway kung nasaan ako dahil sa kwintas na iyon.

Akala ko ay normal na kwintas lang yon na ibinigay ni Dane pero ang hindi ko alam ay gusto nya lang pala na malaman kung nasaan ako para pagtangkaan ang buhay ko

Unti unting tumulo na naman yung luha ko na akala ko ay naubos na habang binubulong ang mga katagang sinusumpa ko

"Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sa akin"bulong ko

Ang gusto ko lang ay ang pahinga kaya ipinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa maramdaman ko na natumba na ako at lamunin na ako ng dilim

Eshton POV
Kahapon pa kami naghahanap kay Ashley pero hindi namin sya makita. Kasama na namin sila mom at dad pati narin yung ibang hari at reyna sa paghahanap pero hindi parin namin sya makita

Ilang beses na namin nilibot ang buong academy pero wala parin sya

Alam ko na nasa piligro sya kasi nararamdaman ko. Kakambal ko sya at magkaugnay ang buhay namin kaya nararamdaman ko na nasa kapahamakan sya

"Ashley, nasaan ka na?" Bulong ko

Nasa labas na kami ng academy naghahanap. Kasama ko si Ella ngayon ay yung iba ay magkakasama din

Kanina pa kami naglilibot sa labas ng academy pero hindi parin namin sya makita

"Mahahanap din natin sya" pagpapalakas nya ng loob ko

Ilang oras pa kaming naglakad hanggang sa may makita ako na parang babaeng nakahiga sa damuhan kaya agad ko itong nilapitan

Agad na namuon yung galit ko ng makita kung sino yon, puro pasa yung mukha nya, yung tiyan nya ay nagdurugo, putok yung labi nya at may mga sugat sya sa katawan. Namumutla narin sya

"Ashley" naiiyak na sabi ni Ella

Yung luha ko ay sunod sunod na tumulo habang pakiramdam ko ay gusto kong pumatay dahil sa nakikita ko yung kakambal ko na ganto ang kalagayan

Ngayon ko lang sya nakita na ganto, ngayon ko lang sya nakita na parang patay dahil sa kalagayan nya

"Ashley" sabi ko

Inangat ko yung ulo nya at inihiga yon sa hita ko habang pilit syang ginigising

"Ashley, gumising ka" sabi ko pero hindi nya iminumulat yung mata nya

Nakita ko na hinawakan ni Ella yung pulsuhan nya saka sya tumingin sa akin "buhay pa sya, kailangan nya magamot" sabi nya habang umiiyak

Inangat ko yung kamay ko at itinutok sa kanya at saka sya sinubukan na gamutin pero hindi nawawala yung mga sugat nya.

"Bakit ayaw gumana?"Galit na tanong ko

"Dalhin muna natin sya sa light kindom, baka may makakita pa sa atin dito"sabi nya

Agad kaming nagteleport sa light Academy at dinala ang kapatid ko sa kwarto nya

Gumawa si Ella ng limang air ball at saka nya ito kinausap "inuutusan ko kayo na puntahan pa ang iba naming kasama at sabihin sa kanila na nasa light kingdom na kami at nahanap na namin si Ashley, bilisan nyo"nagsilipadan yung mga airball habang pinipilit ko parin gamutin yung kakambal ko pero hindi ko magawa

Hinawakan ko yung kamay nya at hinalikan ko yung noo nya at bumulong sa kanya

"Ipinapangako ko na ipaghihiganti kita sa gumawa nito sayo"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now