Chapter 20

540 27 0
                                    

Tuwang tuwa ako ngayon kasi makakagala na ulit ako ngayon dito sa loob ng academy, kasi may barrier na.

Pinagbawalan naman ang lahat ng studyante na lumabas dito at umuwi sa mga bahay nila. Pinapayagan kung may kapangyarihan na teleportation o kaya ay may kasamang ganong kakayahan

So, ngayon nga ay naglilibot ako sa academy ng magisa kasi boring sa dorm, nagiinisan na naman kasi sila at ako ay lonely lang. Panatag na naman yung loob namin na walang mangyayari na masama sa akin kasi nga may barrier na

Napangiti ako ng makita ko si Dane sa ilalim ng puno at walang ginagawa kaya nilapitan ko sya

"Dane!" Malakas na tawag ko at tumingin naman agad sya sa akin

"Xarein" sabi nya rin

Lumapit pa ako sa harapan nya saka sya hinila sa kamay patayo "samahan mo ako magmall, naboboring na ako" nakasimangot na sabi ko at napangiti naman sya

What?! Ngumiti sya! Hindi ako pwedeng magkamali! Ngumiti sya sa akin!!

"Wag na magdaydream diyan, tara na" sabi nya at hinila na ako papunta sa mall

Napangiti nalang ako ng maalala na ngumiti sya ngayon. Nakangiting pinagmasdan ko yung likod nya

Nung makarating kami sa mall ay napangiti ako. Buti nalang talaga at may mall dito, hindi na namin kailangan lumabas ng academy para makapamasyal

Para ngang hindi ito academy kasi may mga mall at park tapos meron pang swimming pool dito

"San muna tayo pupunta?" Tanong nya

"Bibili muna tayo ng mga damit tapos kakain tayo tapos maglalaro tayo"excited na sagot ko at saka hinila ko na sya sa favorite na bilihan ko ng mga damit

Bumitaw ako sa kanya at saka naghanap ng mga damit at dress nung makarating na kami

Nung makakuha na ako ay pumasok ako sa fitting room para isukat yung mga napili ko

Napatingin agad ako sa pinto ng may kumatok don "Xarein, ipatingin mo sa akin yung mga binili mo"rinig kong sabi ni Dane

Kahit nahihiya ay lumabas ako suot ang black off shoulder na dress na three inches above the knee

"Bagay ba?" Nahihiyang tanong ko

Tiningnan nya ako at saka bumalik sa mukha ko yung tingin nya "bagay sayo pero hindi mo pwedeng bilhin yan kasi masyadong kita yung balikat mo at saka maikli, magpalit ka don!"utos nya

Nanlaki ang mata ko dahil sa mga sinabi nya tapos masama ko syang tiningnan "Hoy, lalaki. Para sabibin ko sayo, hindi maikli ang dress na ito at saka ako naman ang pipili ng bibilhin ko. Tinatanong ko lang naman kung bagay sa akin"

"Mamili ka, tatanggalin mo yan o sisirain ko yan sa harap mo"masamang ang tingin sa akin na sabi nya

Inirapan ko sya saka pumasok ulit sa fitting room at sinukat yung isa ko pang napili. Hindi na sana ako lalabas ng kumatok na naman sya at gustong tingnan

"Palitan mo yan, ang panget. Kita yung mga braso mo tapos hapit na hapit pa sa katawan mo. Wala ka bang maayos na damit na napili diyan?"tanong nya pa

"Maayos naman ito ah"inis na sabi ko

Taga saan ba sya at hindi nya alam yung salitang fashion. Anong gusto nya, dress na hanggang paa? At long sleeve?

"Palitan mo yan" sabi nya saka ako tinalikuran

Inis akong pumasok sa fitting room at sinuot yung damit ko kanina at saka inis na lumabas

Sinamaan ko sya ng tingin ng makita ko sya paglabas ko "ito ang bilhin mo" sabi nya at iniabot sa akin ang mga damit na hawak nya

Kinuha ko ito sa kanya at saka tiningnan "turtle neck long sleeve at jeans?" Hindi makapaniwalang tingin nya sa akin

Ano naman ang gagawin ko sa mga damit na ito. Hindi nya ba alam na ang init ng mga ito suotin?!

"Mas bagay yan sayo. At least, tago yung buong katawan mo diyan" sabi nya

"Ayoko" sabi ko at saka ibinalik sa kanya yung mga damit at saka pumunta sa counter para bayaran yung mga damit na napili ko

"One thousand five hundred ninety po" sabi nung babae kaya binigay ko na yung bayad at binigay nya naman sa akin yung mga paper bag

"Thank you" sabi ko

Humarap ako kay Dane at nagtaka ako ng inabutan din sya ng paper bag nung babae "ano yan?" Takang tanong ko

"Yung mga damit na napili ko para sayo" nakangising sabi nya

"Yung kanina?"

"Exactly, tara na kumain"hindi na ako nakaangal ng hilahin nya na ako palabas don at pumasok kami sa isang kainan "Anong gusto mo?" Tanong nya

"Ikaw na bahala, maghahanap lang ako ng upuan. Libre mo nga pala"nakangising sabi ko at saka nagmadaling lumayo sa kanya at saka naghanap ng upuan namin, baka kasi umangal pa sya

Yung sa sulok na upuan yung napili ko at inantay ko nalang sya don. Hindi naman sya nagtagal kasi ilang minuto lang ay bumalik na sya na may dalang trey ng pagkain

"Cake, burger, fries at milktea nalang ang binili ko kasi hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo"sabi nya habang binababa yung mga pagkain sa lamesa

"Okay na yan" sabi ko

Pasalamat nga ako at hindi mga damo ang binili nya. Ayaw ko kumain ng mga ulam dito kasi hindi ko malaman kung anong klaseng mga halaman ang ginagamit nilang panluto. Parang mga damo lang eh

Inuna ko kainin yung burger ko habang umiinom ng milktea "ang sarap" sabi ko

"Syempre, ako ang pumili eh" sabi ni Dane habang kumakain rin sya

"Yabang"bulong ko

"Hindi ako mayabang.  Ang pagsasabi naba ng totoo ay kayabangan na"

Ang hina na nga ng bulong ko pero narinig nya parin, tsk!

"Sabi ko nga"

"Kumain ka na nga lang diyan. Paano ka mabubusog kung dal dal ka ng daldal diyan"

Sinamaan ko sya ng tingin "ikaw  kaya ang kumakausap sa akin. Nagkomento lang naman ako tapos kinausap mo na ako"

"Oo na ang ingay mo"

"Dapat pala si Nate nalang ang niyaya ko"sabi ko at nakita ko na naman na sumama yung tingin nya sa akin

"Akala mo naman mageenjoy ka kasama nya. Hindi naman ako papayag"

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now