Chapter 11

743 29 0
                                        

"Ang susunod na gagawin nyo ay aakyat kayo sa building ng hindi gumagamit ng hagdan o elevator, bawal nyo rin gamitin yung kapangyarihan nyo"sabi ni prof habang itinuturo yung isang mataas na building

Halos mapanganga ako ng makita kung aling building yon, yun yung pinakamataas na building dito sa academy eh. Fifteen floor yung taas non kasi yon yung dorm namin

Nasanay na ako magtaas baba diyan sa building na yan kasi kaming mga royalties ay nasa pinakataas na floor, pero nagamit kami ng hagdan o elevator diyan. Minsan gumagamit din kami ng teleportation para mabilis

"Prof naman, paano kami aakyat diyan?"

"Oo nga prof, ang taas taas nyan at wala kami matutungtungan para makaakyat sa rooftop nyan"

"Baka mahulog kami tapos mamatay kami"

Kanya kanyang reklamo ang mga nadidinig ko ngayon at gusto kong magreklamo din pero hindi ko nalang ginawa kasi makakadagdag lang yon ng ingay

Halos kalhati nalang kami ngayon kumpara nung pangalawang training kasi ibang training yung ginagawa nung mga sumablay kanina sa pagtarget

"Gagamit kayo ng tali diyan sa pagakyat kaya hindi kayo mahihirapan, pag naman nahulog kayo ay may sasambot sa inyong malambot na bagay para hindi kayo masaktan"paliwanag ni prof

Gusto kong manghingi ng paliwanag kay prof kung paano nya nasabi na hindi kami mahihirapan sa pagakyat kasi may tali naman, sobrang hirap kaya umakyat gamit lang ang tali!

"Ito ang gloves nyo para hindi kayo masaktan sa paghawak sa tali" sabi ni prof

Kumuha ako ng gloves ng itim para umayon ito sa porma ko ngayon, naka jogging pants kasi ako ng black tapos jacket na black tapos sa loob ay sports bra na black din pero hindi kita kasi nakasarado yung jacket ko

Nakarubber shoes din ako ng kulay black at nakatali lahat yung buhok ko ng isang tali

Sabay sabay kaming lumapit don sa building at sa oras na yon ay hiniling ko na sana bumalik nalang yunh oras

Sana hindi ko nalang sinapol yung pagtarget ko kanina edi sana wala ako ngayon dito para akyatin itong mataas na building na ito

Magteleport kaya ako para tumakas? Kaso ayoko kasi baka parusahan ako tapos magisa akong paakyatin dito at magmukha akong unggoy don

"Magdahan dahan ka sa pagakyat mo" napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko don si Eshton na kasama sila Dane

"Hindi na kailangan, sasalohin mo naman ako diba?" Biro ko dito

Alam ko naman na nagaalala lang yan sa akin kasi ngayon lang ako aakyat sa building simula nung nagkabuhay ako

Ano ba kaso ang trip ni prof para paakyatin kami dito? Ano ba ang mangyayari kapag naakyat na namin ito?

Nung makita ko na sila magumpisa umakyat ay umayat narin ako, sobrang hirap kasi ang hirap buhatin nung sarili kong katawan

Yung kamay ko ay nakahawak sa lubid tapos yung dalawa kong paa ay nasa pader

Wala pa yata ako sa fifth floor pero pawisan na ako dahil sa hirap umayat

Hinawakan ko yung tali gamit yung isa kong kamay tapos yung isa naman ay ipinampunas ko sa pawis ko

"Ang hirap!!" Inis na sabi ko

"Wala ka pa nga sa gitna pero nagrereklamo ka na agad" napatingin ako sa kanan ko ng marinig ko don nagsalita si Dane

"Palibasa unggoy ka kaya hindi ka nahihirapan! Monkey!"inis na sabi ko

Palibasa kasi lalaki sya kaya madali lang sa kanila ang umakyat eh paano naman kami na mga babae na hindi gawain ang umakyat

"Sa gwapo kong ito, tatawagin mo akong unggoy" nakangising sabi nya

Hindi ko nalang sya pinansin at saka nagmadali nalang umakyat ulit, sino ba kasi ang nagpagawa ng building na ito at ganito kataas?

Kahit hirap na hirap na ako sa pagakyat ay pinilit ko parin pero tumigil ako saglit ng mangati yung hita ko

Bumitaw muna yung isa kong kamay sa tali at saka ko pilit na inaabot yung hita ko pero hindi ko maabot!

Dahil sobra na talaga akong nangangati ay pinilit ko parin pero hindi ko inaasahan na luluag yung pagkakahawak ko dun sa tali

"Dane!" Sigaw ko para magpatulong kasi babagsak na ako pero parang hindi nya ako naririnig

Napatingin ako sa kapiwa ko ng may humawak sa kaliwa kong kamay at nakahinga ako ng ayos ng makita na si Eshton yon

"Dahan dahan lang kasi sabi"

Humawak agad ako sa tali gamit yung kanang kamay ko para hindi na ako bumagsak saka ko unti unting binitawan yung kamay nya

"Thank you" sabi ko at nagsimula na ulit umakyat

Laking pasasalamat ko ng makarating ako sa rooftop at saka nalang alo napahiga don sa pagod at naghabol ng hininga

"Kamusta naman kayo?" Imbis na sumagot sa tanong ni prof ay hindi ko sya pinansin sa sobrang pagod ko

"Hell" rinig kong sabi nung isang classmates namin

Hell talaga! Ikaw kaya ang umakyat sa fifteen floors na building

"Ang hirap naman kasi umakyat prof eh" reklamo din ni Ella na kagaya ko ay nakahiga din sa sahig

"kailangan nyo paghirapan lahat ng bagay dahil ang gusto nyo ay hindi agad agad nakukuha kasi kailangan mong maghirap muna"sabi ni prof

Tama naman sya eh lalo na ngayon na hindi namin alam kung may dark magicians paba dito

"Magpahinga muna kayo sa dorm nyo para magbalik yung lakas nyo" sa sinabing yon ni prof ay agad akong nagteleport sa dorm namin at nahiga sa sofa

"Nangiwan ka na naman" sabi nila Rhea na kakadating lang at kasama nila si Dane

"Bakit ka nandito?" Inis na tanong ko sa kaniya

Hindi ko alam kung nagbibingibingihan lang sya kanina o hindi nya talaga ako narinig pero kasi sumigaw ako non eh kaya imposibleng hindi nya ako narinig

"Niyaya ko sya" sabi ni Eshton

Sinamaan ko sya ng tingin bago ako tumingin ulit kay Dane na nakakunot noong nakatingin sa akin

"Hindi mo ako tinulungan kanina, muntik na ako nahulog kanina"sabi ko sa kanya

"Hindi ko naman alam ah"sabi nya habang nakangisi

Lago nalang sya nakangisi, pinanganak yata sya ng nakangisi eh. Bagay sa kanya ang nakangisi pero minsan ay nakakakilabot yung ngisi nya

"Oo nalang" sabi ko at saka ko ako nagteleport sa kwarto ko

We Are Different (Completed)Where stories live. Discover now