Nagising ako at agad kong nabungaran ang itim na kisame kaya nagtaka agad ako kasi hindi itim ang kisame ng kwarto ko
Sinubukan kong bumangon pero agad akong napabalik sa higaan ng maramdaman ko na nakatali yung dalawang kamay at paa ko
Tiningnan ko ito at nagulat nalang ako ng may bakal na nakakabit sa mga pulsuhan at paa ko
Shit! Nasaan ba ako?
Sa tanong kong iyon ay parang bigla nalang bumalik yung alaala ko
Kasama ko si Dane, lumabas kami ng academy, pinilit ko sya na bumalik pero may nagtakip ng ilong at bibig ko at huli kong namalayan ay nahimatay na ako
Dane? Si Dane! Nasaan na yon? Nasaan ako?!
Sinubukan ko gamitin yung kapangyarihan ko para makaalis sa pagkakagapos sa akin pero nagulat ako ng walang lumalabas na kapangyarihan sa aking kamay
Anong nangyayari?!
"Dane! Nasaan ka?! Pakawalan nyo ako dito!" Sigaw ko
Nasaan ba ako? Wala akong makita dito kundi ang isang kwarto na purong itim kung saan ako naroroon at isang pinto na nakasarado!
"Dane! Tulungan mo ako. Nasaan ka na ba!" Sigaw ko pa ulit
Parang walang nakakarinig sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari?!
"Dane!"
Nagbukas yung pinto kaya tumigil ako sa pagsigaw pero agad akong kinabahan ng may isang lalaking pumasok na nakaitim
Dark magician!
"Manahimik ka diyan kung ayaw mo na maagang pumanaw"sabi nya
"Pakawalan nyo ako dito!" Sigaw ko sa kanya
Ano ba ang ginagawa ko dito?! Paano ako napunta dito! Si Dane, nasaan na ba sya? Ayos lang ba sya?
"Sa tingin mo, tanga ako para pakawalan ka?" Inis na tanong nya
"Bakit mo ba ako itinali dito!?"
"Pwede ba! Manahimik ka. Nakakabingi ka!" Sigaw nya at saka lumabas
Shit! Anong gagawin ko? Sinubukan ko ulit na gamitin yung kapangyarihan ko pero wala talagang nalabas sa kamay ko
Sinubukan ko rin na magpalabas sa katawan ko ng enerhiya pero ayaw talaga. Sinubukan ko na rin na magteleport pero nabalik parin ako sa kinahihigaan ko
"Kawawa ka naman" napatingin ulit ako sa pinto
Nilamon agad ako ng takot ng makita ko si Alexander don na nakangisi
Ang lider ng mga dark magicians!
"Bakit ka nandito?!" Pilit kong itinatago ang takot ko para hindi nya mahalata
"Kailangan mo pa bang malaman kung bakit ako nandito. Hindi pa ba sapat na nandiyan ka at hindi makakaalis para malaman mo kung bakit ako nandito?"
"Ikaw! Ikaw ang may kagagawan nito"
"Tama ka! Ako nga ang may kagagawan kung bakit ka nandiyan pero hindi ako ang nagdala sa iyo dito"
"Pakawalan mo ako! Nasaan na si Dane?!"galit na sigaw ko
"Dane? Ang tinutukoy mo ba ay ang aking kapatid?" Agad akong kinabahan sa sinabi nya
Kay kapatid sya?! Dane ang pangalan? Hindi! Hindi! Imposible yon! Hindi si Dane ang tinutukoy nya!
"Pakawalan mo ako dito!" Galit na sigaw ko sa kanya
Ibinuka ko yung kamay ko at sinubukan ko ulit na magpalabas ng kapangyarihan pero wala talagang lumalabas
Tumawa sya ng malakas "Wag mo na subukan na gumamit ng kapangyarihan dahil wala karin naman na mapapala. Inuubos mo lang ang lakas, dahil kahit anong gawin mo ay walang lalabas na kapangyarihan sa iyo dahil pinipigilan yon ng mga bakal na nasa katawan mo. Kung ako sayo ay ipahinga mo ang sarili mo para sa gagawin namin mamaya sayo"
Anong gagawin nila sa akin!? Eshton! Si Eshton
"Eshton!" Sigaw ko
Umaasa na maririnig nya. Sya nalang ang alam ko na makakatulong sa akin ngayon kaya sana hinahanap na nila ako ngayon. Ngayon ko sila kailangan!
"Tumigil ka na sa pagsigaw kasi walang makakarinig sa iyo dito!"
"Dane!" Sigaw ko ulit
"Bakit?"parehas kaming napatingin sa pintuan at don ko nakita si Dane
Parang nabuhayan agad ako ng loob ng makita ko sya pero unti unting nawala yon ng makita ko ang anyo nya
Nakaitim sya at may suot syang kapang itim na katulad ng kay Alexander
"Tulungan mo ako" pakiusap ko sa kanya
"Why, babe? Hindi ba masarap ang mahiga diyan?" Nakangisi sya
No! Anong nangyari sa kanya! Hindi sya ganyan! Lagi nya akong tinutulungan
Galit akong tumingin kay Alexander "anong ginawa mo sa kanya?!" Galit na sigaw ko
Tumawa na naman sya "wala naman akong ginawa sa kanya. Gusto mo ba ipakilala kita sa kanya? Sya si Dane Travis Death ang aking nakababatang kapatid at ang may hawak ng dark magic at kami ang mga prinsepe ng dark kingdom na sinira ng mga magulang mo!"
Dane? Dark magic? Prinsepe ng Dark kingdom?
Unti unting tumulo yung luha ko at dahan dahan akong tumingin kay Dane
"Hindi naman totoo yon diba? Hindi ka nya kapatid? Hindi ikaw ang may hawak ng dark magic at hindi ikaw ang prinsepe ng dark kingdom?"
Inintay ko sya na sumagot habang umaasa na sasabihin nya na hindi yon totoo
"Tama sya. Ako si Dane Travis Death ang prinsepe ang dark kingdom at ang may hawak ng dark magic. Ako rin ang papatay sayo"
Parang gumuho yung pagasa ko at yung luha ko ay nagtuloy tuloy sa pagtulo
Pinagkatiwalaan ko sya! Minahal ko sya!
Hindi ko alam na nagtiwala at nagmahal pala ako ng kaaway! Hindi ko alam na may kasama na pala akong kaaway
"Paano mo nagawang magsinungaling? Pinagkatiwaan kita Dane!" Sigaw ko sa kanya
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang panga ko ng madiin kaya agad na sumakit yon pero hindi non kayang pantayan yung sakit sa dibdib ko
"Walang nagsabi sayo na pagkatiwalaan mo ako. Lubhang tanga ka lang para mabilis na magtiwala sa taong hindi mo naman kilala"
Yung boses nya! Sya yung nakalaban ko na nakamaskara. Tama nga ako na pamilyar yung boses nya kasi yung taong mahal ko yung may ari non!
"Dane. Please naman oh. Nagbibiro ka lang diba. Hindi ka nila kaanib. Please pakawalan mo ako dito"pagmamakaawa ko sa kanya
Hindi nya kayang gawin ito sa akin! Mahal nya ako! Sinabi nya yon sa akin!
"Wag kang tanga. Nakikita mo na nga ang totoo sa harapan mo pero nagpapakatanga ka parin"
Tinalikuran nya ako at si Alexander naman ay ngumisi muna sa akin at tumalikod din at sabay silang naglakad papunta sa pinto
"Dane! Mahal kita!" Sigaw ko
Pilit parin akong umaasa na pakakawalan nya ako kasi hindi sya dark magician. Kakampi namin sya!
"Hindi kita mahal"
At don nagumpisa na mawala ang pagasa ko
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
AcakThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...