Rhea POV
Nagteleport agad kami papunta sa clinic ng may nakapagsabi sa amin na napana daw si AshleyHindi na kami nagayos ng sarili namin basta ang alam lang namin ay kailangan agad namin makapunta sa clinic
Nadatnan namin na mga nagkakagulo ang studyante sa labas ng pinto kaya agad kaming pumunta don at saka pumasok
"Kawawa naman ang prinsesa"
"Ano bang nangyari sa kanya?"
"Napana daw sya"
"Sino daw ang may gawa?"
"Wala pang nakakaalam"
"Excuse me!" Sigaw ko at nung makita nila kami ay nagsitabihan sila sa pinto kaya nakadaan kami at pumasok
Napatigil kami sa nadatnan namin, si Travis na walang emosyong nakatingin sa bintana, mga nurse na nakatingin lang kay Ashley, at si Ashley na walang malay na nakahiga sa higaan at puro dugo ang tiyan
"Ashley" rinig kong banggit ni Eshton
Bigla nalang tumulo yung luha ko habang nakatingin kay Ashley na duguan, para na syang patay sa lagay nya
"Anong itinutunga-tunganga nyo diyan! Gamutin nyo sya!"sigaw ni Chen sa mga nurse na nakayuko lang
"Pasensya na po pero hindi po namin sya magawang magamot"sabi nung isang nurse
"Anong hindi nyo magamot? Paghilumin nyo yung sugat nya!" Sigaw din ni Eshton habang naiyak na
Minsan lang sya umiyak at alam ko na sobra na syang nagaalala para sa kakambal nya
"Wala po tayong magagawa, may lason po yung pana na ginamit sa kanya. Hindi po namin sya kayang gamutin dahil sarili nya lang ang makakatulong sa kanya"sabi nung isa pang nurse
"paanong sarili nya lang ang makakatulong sa kanya, nakikita nyo ba ang kalagayan nya huh! Sa tingin mo sa lagay nyang yan ay magagamot pa nya yung sarili nya?!" Hindi ko na napigilan na hindi sumabat
Nakikita ko na malubha yung lagay nya, at hindi nya kayang gamutin ang sugat nya lalo na kung wala syang malay
"Ka-kailangan nya pong la-labanan yung lason na nasa katawan nya, kailangan nyang maging matatag at manatiling buhay. Ang mga healer ay may kakayahang gamutin ang sarili nila at pati narin ang iba. Kung lason ang kailangan tanggalin sa katawan ay hindi iyon magagawa ng iba dahil ikaw mismo ang kailangan makatanggal non at ang mga healer lang ang may kakayahan non. Maswerte pa sya kasi healer sya at kaya nyang gawin yon. There's only 40 percent chance that she will survive"
Para kaming nanghina lahat sa narinig namin, fourty percent lang ang mayroon sya, ibig sabihin ay yung natitirang sixty percent ay ang posibilidad na maaari syang mamatay
Nagumpisang magsihulugan ng sunod sunod yung luha namin dahil sa narinig namin, hindi namin kaya kung mawawala sya
"May iba pa bang paraan?" Tanong ni Ella na naiyak narin
"Wala na, kahit sinong makapangyarihan ay walang magagawa para gamutin sya dahil sarili nya lang ang kayang gumamot sa kanya. Ibang klaseng lason ang ginamit sa kanya at hindi iyon simpleng lason lang"
"Travis, nakita mo ba ang gumawa nito sa kanya?"napatingin kami kay Chen ng tanungin nya yon
Tumingin sya sa amin na wala paring emosyon sa mukha nya "wala akong nakita, umalis na ako non pero may nakalimutan akong sabihin sa kamya kaya bumalik ako tapos nakita ko na syang ganyan"paliwanag nya
"Papatayin ko ang gumawa nito sa kakambal ko, sisiguraduhin ko na magbabayad sya"napatingin kami kay lahat kay Eshton ng makaramdam kami ng iba'ibang uri ng kapangyarihan
Nagpapalit palit ang temperatura, lumalamig, umiinit, humahangin. Nagulat kami ng basta nalang mabasag ang salamin at ng tingnan ko si Eshton ay galit na galit sya, nakakuyukom na ang kamao nya na parang handa na syang manuntok
Nagumpisang mabasag ang mga babasaging gamit dito kaya nagpapanic na kami
"Eshton, huminahon ka" sabi ko dito pero pra syang walang naririnig
"Bro, baka masira lahat ng gamit dito"
"Eshton, tumigil ka"
Para talaga syang walang naririnig kasi patuloy lang sya sa ginagawa nya, ang dami ng basag dito sa clinic at sobrang gulo narin ng paligid na parang dinaanan ng ipo ipo
"Eshton, tama na please" nawala lahat ng kapangyarihan na nararamdaman namin at napatigil ang pagkabasag ng mga gamit ng biglang yakapin ni Ella si Eshton
"Hindi nakakatulong ang ginagawa mo" sabi ulit ni Ella
Nakita ko ng pumikit si Eshton at parang nagpipigil sya sa gagawin nya at ilang segundo lang ay nagmulat na sya ng mata
"Ipahanap ang gumawa nito sa kapatid ko, siguraduhin na mahahanap sya dahil pagbabayadan nya ang ginawa nya sa kapatid ko"malamig na sabi nya na nakatingin kay Ashley
Lumabas si Chen at sa tingin ko ay hahanap sya ng pwedeng maghanap sa gumawa nito
"Nabagal ang pagtibok ng puso nya" sabi nung nurse kaya napatingin kaming lahat sa kanya
Hawak nya ang pulsuhan ni Ashley at parang sinusuri ito, nakikita namin na natataranta sya at kinakabahan na sya
Kailangan itong malaman nila tita at tito, baka makagawa sila ng paraan para gumaling si Ashley
Nagpalabas ako ng tubig mula sa kamay ko at saka ito pinalutang sa harapan ko
"Inuutusan kita na sabihin kila Tita Elliza at Tito Dark ang nangyayari ngayon" utos ko dito at bigla nalang itong nawala na parang bula
"May inutusan na ako para magimbestiga sa nangyari" biglang pumasok si Chen at sinabi yon kaya napatingin kami lahat sa kanya
"Pupunta ako don, sasama ako para tumulong sa imbestigasyon"sabi ko sa kanila
"Sasama na rin ako"sabi ni Chen
Lumabas kami at saka nagtungo sa garden na sinabi ni Ashley na pupuntahan nya kanina
"Sa tingin mo sino ang gumawa nito?" Tanong ni Chen na parang wala sa sarili
"Hindi ko alam pero pag nahanap ko sya at sisiguraduhin ko na magbabayad sya" sabi ko sa galit na boses
Nung makarating kami sa garden ay nakita ko ang ilang kalalakihan na nandoon din
"Nakita namin ang panang ginamit sa kanya at iimbestigahan na iyon" sabi sa amin nung isang lalaki kaya tumango kami
Inilibot ko yung tingin ko sa pakigid, nagbabakasakali na makakahanap ng kakaiba dito para sa imbestigasyon
Tiningnan ko din ang bawat puno dito pero wala akong nakita, tiningnan ko yung mga damo at nakita ko ang ilang patak ng dugo na alam kong kay Ashley
Habang tinitingnan ko yung digo ay may napansin akong isang bagay, maliit sya na makinis na kahoy na parang keychain?
Kinuha ko yon sak ako lumapit kay Chen para ipakota ito sa kanya "ano yan?" Tanong nya sa akin
Sinuri ko yung keychein at saka ko napansin na parang may hati sa gitna yon at parang pwedeng buksan kaya binukasan ko
Palapad ang kahoy na ito at para syang kakaiba, hindi sya ordinaryong kahoy pero alam ko na kahoy ito
"Prince" basa ko sa nakasulat sa kahoy at saka ako tumingin kay Chen ng nakakunot ang nuo

YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...