Nagising ako ng marinig ko ng may pumasok sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko at nakita ko na may pumasok don na anim na lalaki at isa don si Alexander
"Kunin nyo sya" utos nya sa limang lalaki
Tinanggal nung mga lalaki yung pagkakakabit ng kadena sa pinagkakabitan nito pero hindi sa kamay at paa ko
Sinubukan ko na gamitin yung kapangyarihan ko pero wala paring nalabas
"Huwag mo ng subukan na gamitin yan kasi hindi yan gagana dahil sa mga kadenang nakakabit sayo" nakangising sabi ni Alexander
Bigla nalang ako hinila nung dalawang lalaki patayo kaya napatayo ako
Sisikuhin ko sana sa tiyan yung isang lalaki pero nahawakan nung isa pang lalaki yung magkabila kong braso
"Wag mo na subukang lumaban" sabi nung isa
"Pakawalan nyo ako. San nyo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko
"Manahimik ka diyan!"sigaw din ni Alexander
"Hindi mo hawak ang buhay ko para utusan ako! San nyo ba kasi ako dadalhin?"
Patuloy sa paghila yung mga lalaki sa akin hanggang sa makarating kami sa isang kwarto at nadatnan ko sa loob si Dane at Kiara kasama ang isang malaking machine
"Anong gagawin nyo sa akin?" Kinakabahan na tanong ko
Ano yang machine na yan? Para saan yan?!
"Kukunin namin yung mga kapangyarihan mo para maipasa namin ito sa akin"sagot ni Alexander
Agad akong nakaramdam ng takot sa sinabi nya. Hindi nya pwedeng gawin yon! Mamamatay ako pagginawa nya yon!
"Please wag mong gawin yan" kahit makiusap na ako, wag lang nila gawin sa akin yon. Kailangan ko pang mabuhay! Meron pa akong second life pero hindi ako pwedeng mamatay kasi matatagalan pa ako pagbalik at baka wala na akong kapangyarihan sa pagbalik ko
"Hindi mo ako madadaan sa paawa mo" sabi nya
Pinilit akong ihiga nung mga lalaki sa higaan at saka ikinabit yung bakal sa kamay at paa ko sa kabitan nito
Agad akong nagpumiglas pero hindi ako makawala "pakawalan nyo ako dito" sigaw ko
Walang sumagot sa kanila, mga nakangisi lang sila sa akin bukod kay Dane at Kiara na walang emosyon
"Dane, please maawa ka, tulungan mo ako" kahit ngayon lang please
Kahit ngayon lang nya ako tulungan! Kailangan ko yung tulong nya
"Alam mo ba kung bakit ka nandiyan?" Walang emosyon na tanong nya pero hindi ako sumagot. Pilit parin akong nagpupumiglas pero hindi ako makawala
"Gusto kong paghigantihan yung magulang mo sa pagpatay nila sa tatay ko!" galit nyang sigaw
Tatay nya yung hari ng dark kingdom at tama sya, sina mommy nga yung pumatay sa kanya pero hindi naman nila yon ginusto. Kailangan nila gawin yon para sa kaligtasan ng mga kakampi nya
"Pinatay ng mga magulang mo yung tatay ko na nagalaga sa amin. Na nagpalaki sa amin!" Dugtong nya pa
"Kasalanan ng tatay mo kung bakit sya namatay! Masama sya kaya nararapat lang sa kanya yung nangyari!"sigaw ko rin
Ipagtatanggol ko sila mom at dad dahil alam ko na tama sila. Tama lang yung ginawa nila
"Ahh" daing ko ng may tumama sa tiyan ko na black fire, galing kay Alexander na galit na galit sa akin
Lumapit sya sa akin at agad akong sinampal at hinawakan yung panga ko ng madiin
"Hindi masama ang tatay namin. Ang masama ay ang magulang mo!" Sigaw nya sa akin
Pakiramdam ko ay madudurog na yung panga ko sa higpit ng pagkakahawak nya sa akin
"Masama ang magulang mo!" Pilit kong sigaw kahit nahihirapan na ako
"Hayop ka talagang babae ka"sinampal nya pa ako at sinuntok sa tiyan kaya napaubo ako
"Ikaw ang magiging kabayaran ng ginawa ng magulang mo sa tatay namin" sabi ni Alexander
"Papatayin nyo ako? Kagaya ng ginawa nyo sa mga kakampi namin?"nahihirapang sabi ko
"Oo papatayin ka namin kagaya ng ginawa ko sa Mitch na iyon"
Gulat akong napatingin kay Dane. Sya yung pumatay kay Mitch! Sya yon, hindi ako!
"Hayop ka! Nagsisisi ako na minahal ko ang demonyong katulad mo!" Sigaw ko
Nawala na naman ang emosyon nya sa mukha nya habang galit akong nakatingin sa kanya
"Pagkatapos nito ay hindi ka na makikita ng mga magulang mo"nakangising sabi ni Alexander
May ibinaba syang glass na nagkulong sa akin sa higaan ko. Pinilit kong magpumiglas pero wala parin akong magawa
May pinindot sya sa machine at agad akong nakaramdam ng panghihina na parang nay humihila sa kaluluwa ko
Anong nangyayari? Ganto ba talaga yon?
Sunod kong naramdaman yung sobrang sakit sa katawan ko na parang pinupunit yung laman ko
"Ahhhhhh" sigaw ko habang yung luha ko ay tuloy tuloy na tumulo
Rinig na rinig ko yung tawanan nung mga nasa labas ng glass peri hindi ko sila mapagtuunan ng pansin dahil sa sobrang sakit ng katawan ko
Buong katawan ko ay nasakit. Parang unti unting binabali yung mga buto ko
"M-mom, d-dad tu-tulungan nyo a-ako" bulong ko
"Ahhhhhhh" muling sigaw ko ng mas sumakit pa yung nararamdaman ko sa katawan ko
Ayoko na! Please! Ayoko na!
"I-itigil nyo i-ito" nahihirapang sigaw ko pero mas lalo pa silang tumawa
"D-dane" tawag ko
"Ahhhhhhhh p-please, tama na!"
Uminit yung nararamdaman ko na parang sinusunog ako ng buhay at sobrang sakit non na mas pililiin ko pa ang mamatay kesa sa maramdaman ko yon
"Eshton!" Tawag ko
"Kumain muna tayo habang iniintay natin na matapos yan. Ilang oras pa bago yan matapos"rinig kong sabi ni Alexander at nagsilabasan silang lahat habang ako ay naiwan dito
Madiin kong ipinikit yung mata ko habang yung luha ko ay tuloy tuloy sa pagagos habang hinihiling ko na may tumulong sa akin
"M-mom" tawag ko
Kailangan ko sila ngayon. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na nga katawan ko! Please, dumating na kayo!
"Ahhhh" mahinang daing ko
Naramdaman mo yung pamamanhid ng ibang bahagi ng katawan ko pero yung iba ay parang paulit ulit na sinasaksak, sinusunog, binabali ang buto at pinupunit yung mga laman ko
Natigil ako sa pagiyak habang iniinda yung sakit at patuloy na nanghihina habang pakiramdam ko ay unti unting nababawasan yung kapangyarihan ko
Hinihiling ko na mamanhid na yung buong katawan ko para hindi ko na ito maramdaman pa. Ayoko na maramdaman pa ito
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...