Naiirita parin ako kay Dane na yon kasi naman mali talaga ang ginawa nya. Parang napakadali lang sa kanya na manakit ng tao.
Paano kung isa sa amin ni Nate ay natamaan? Pwede ko yung gamutin pero paano kung malala..... Aishhh
"Bakit nakabusangot ka diyan?" Tanong ni Rhea sa akin kaya tiningnan ko sya
"Eh kasi si Dane hinagisan kami ni Nate ng kutsilyo" sabi ko sa kanya
Nandito na kami sa dorm namin at nagpapahinga sa sala habang si Eshton at Chen naman ay nagluluto sa kusina
"Bakit nya daw ginawa yon?" Tanong ni Ella
"Malay ko sa baliw na yon, ginagamot ko lang si Nate non tapos nagulat ako ng may naghagis sa amin ng kutsilyo"naiinis na sabi ko
Mukha naman silang nagulat sa kwinento ko "bakit nya naman yon gagawin?" Sabi ni Rhea na parang nagiisip
"Nababaliw na sya, kakatransfer palang nya pero ginawa nya na yon" sabi ko pa
"Baka hindi nya naman sinasadya"sabi ni Ella na ikinalaki ng mata ko sa kanya
"Paanong hindi sinasadya eh dumaan nga sa gitna namin yung kutsilyo"
"Hay nako mamaya na kayo magusap diyan, kunain na muna tayo"sabi ni Chen na kakalabas lang kusina saka muling pumasok don kaya sumunod nalang kami
Umupo nakang ako sa upuan ko sa dulo ng mesa at nagsiupuan narin naman sila
Ganto yung pwesto namin:
Eshton Ella
Ako table
Chen RheaSo yun na nga magkakatabi na naman yung may lovelife kong mga kaibigan at ako lagi ang lonely
Walang mga relasyon yang mga yan pero alam ko na may gusto sila sa isa't isa at ako lang ang nakakaalam non kasi ako lang naman yung nakakahalata, mga manhid sila eh
Kumuha nalang ako ng pagkain ko saka ulam saka nagumpisa kumain habang pinapanood sila
Si Eshton pinaglalagay ng pagkain si Ella tapos si Ella ay nakangiting nakatingin kay Eshton
Si Chen at Rhea naman ay nagaasaran habang kumakain at nagtatawanan
Habang ako naman ay LONELY kasi may mga sarili silang mundo.... Hayyssss
"Hiyang hiya naman ako sa inyo ahhh, may tao ritoooo" pagpaparinig ko sa kanila at sila naman ay tumingin sa akin
"Kelan ka pa naging tao"
"Nangangarap ka na naman"
Aissshhhh.... Masama ba magkamali huh?!
"Ewan ko sa inyo" nagmadali nalang ako kumain saka nagteleport papunta sa garden
Hayyysssss bakit kasi wala akong lovelife.... Hindi naman sa naiingit ako sa kanila pero kasi lagi solang may sariling mundo
Mr Right kelan ka ba dadating?
Nagiisip isip ako ng naramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya inilibot ko yung mata ko para hanapin pero wala naman akong makita
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka nagpalabas ng apoy sa kamay ko
"Sino ka?" Sigaw ko
Hindi ako pwedeng magkamali kasi nararamdaman ko talaga na may nakamasid sa akin kahit wala akong nakikita
"Magpakita ka!" Sigaw ko ulit ng walang lumabas
Nagintay ako ng ilang sandali hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa bandang kanan ko kaya napatingin ako don
"Ashley, anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ni Nate
Sya ba yon? Pero bakit parang hindi naman sya kasi kakaiba yung presensya nya, hindi sya yung kanina
"Nagpapahangin lang" sagot ko nalang saka pinaglaho yung apoy na ginawa ko
"Gabi na ahhh" sabi nya kaya nginitian ko nang sya
"Oo nga, eh ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko rin
"Hindi kasi ako makatulog eh" sagot nya at umupo sa damuhan at sumandal sa puno
Naupo ako sa tabi nya at saka pumikit. Pinapakiramdaman ko yung paligid ko at inaalam kung nasaan yung nararamdaman kong presensya
Napatingin ako sa malapit na puno sa amin at sak naglakad ako ng mabilis palapit don pero nung tiningnan ko naman yom ay wala na don yung nararamdaman kong presensya
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Nate na nakakunot ang noong nakatingin sa akin
"Ahhh wala, akala ko lang may nilalang dito" dahilan ko nalang "maiwan na kita, babalik na ako sa dorm namin"paalam ko saka nagteleport pabalik sa dorm namin
Dumiretsyo ako sa kwarto ko saka naglinis ng katawan at saka nahiga aa higaan ko
Hindi ko parin makalimutan yung naramdaman ko kanina kasi pakiramdam ko may nanonood sa akin don sa garden pero wala akong nakita
Imposible naman kasi na guni guni ko lang yon kasi non ko lang yon naramdaman simula ng ipinanganak ako
"Where have you been?" Napatingin ako kay Eshton ng basta nalang sya pumasok sa kwarto ko
Naisipan ko na itanong sa kanya yung nangyari kanina kasi baka alam nya yon
"Eshton naranasan mo na ba yung feeling na parang may nakatingin sayo pero wala naman?"tanong ko
"Hindi, bakit mo naman naitanong?"
"Eh kasi Eshton parang may nakatingin sa akin sa garden kanina pero nung nilibot ko naman yung mata ko ay wala na don"sabi ko
Naupos sya sa gilid ng kama ko at saka ako tinitigan"baka nagiimagine ka lang" sabi nya at inirapan ko naman sya
"Hindi, kasi nung naramdaman ko yung presensya nya sa likod nung punong malapit sa akin ay tiningnan ko yon pero biglang nawala yung presensya"
"Eh baka stalker mo lang, alam mo naman na madami kang stalker eh"sabi nya pero hindi ako nakumbinsi don
"Hindi eh"
"Eh anong gusto mong sabihin ko na minimulto ka lang" sarkastikong sabi nya kaya naman tiningnan ko sya ng masama
"Walang multo dito sa mundong ito" sabi ko
"Exactly, walang multo dito so baka nagiimagine ka lang"sabi nya na parang yon na yung pinaka-obvious na bagay dito sa mundong ito
Ang sarap batukan nito eh, kung hindi ko lang sya kapatid ay baka nabatukan ko na sya
"Kuya!" Inis na sabi ko
"Ashley, Eshton hindi kuya masyado mo akong pinapatanda"pagtatama nya
"Eh matanda ka naman talaga sa kin eh"
"Ilang minuto lang ang tanda ko sayo" inis na sabi nya
"Oo na pero Eshton, maari kaya na may taga dark kingdom pa na buhay?"Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung tanong na yon pero gusto ko rin malaman yung kasagutan
Paano kung may taga-dark kingdom pa nga?
"Imposible yang sinasabi mo kasi naubos na nila mommy lahat" sagot nya
Pero paano kung may natira pa?

YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...