"Isa ka pa! Sumasama ka lang naman sa kanila para sumikat ka, diba? Alam na alam ko na ang mga ganyang ugali!"sigaw nya kay Dane at dahil don ay hindi na ako nakapagtimpi kaya nasampal ko sya
"Kanina ka pa! Kanina pa ako nagtitimpi sayo dahil ayaw kong masaktan ka pero sinagad mo ang pasensya ko! Akala mo ba ikaw lang ang nalulungkot sa pagkawala nila?! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan?! Sa tingin mo ba, hindi namin sinisisi ang sarili namin dahil sa nangyari? Sana, mas maaga kami dumating para walang namatay! Sana nailigtas namin kayo lahat! Pero hindi eh! Hindi namin alam na susugod sila dito! Hindi namin alam na may mamamatay! Hindi namin hawak ang isip nila para makontrol sila! Sana hindi nalang ikaw ang naligtas! Sana hindi nalang ikaw ang nabuhay! Sana hindi nalang namin ikaw iniligtas. Nagsisisi ako na iniligtas ko ang katulad mo na walang utang na loob at hindi marunong magpasalamat! Ikaw, may nagawa ka ba para iligtas sya? May nagawa ka ba para iligtas ang mga namatay dito? Wala naman diba? Kaya tigil tigilan mo yang pagdakdak mo dahil hindi ka nakakatuwa!"sigaw ko
Nakita ko na natulala sya pati narin ang iba pang studyante dahil sa pagsigaw ko
Ito ang unang beses na may sinigawan ako sa mga studyante dito at hindi ako nagsisisi na ginawa ko yon
Tinalikuran ko sila lahat pero bago pa ako makalayo ay humarap ako ulit sa kanya na nanatiling nakatulala
"Isang beses ko pang marinig na pagsalitaan mo ng masama ang mga kaibigan ko, sisiguraduhin na magsisisi ka at hindi mo na maibubukang muli ang bibig mo"nagteleport ako pabalik sa dorm namin at inis na umupo don
Nagsulputan naman yung lima na at saka sila nagupuan sa mga bakanteng upuan at nagpalakpakan
"Woah, first time mo yung ginawa ahhh. I'm so proud of you, twin" nakangiting sabi ni Eshton pero inirapan ko lang sya
Wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanila
Meron na namang mga namatay, at wala na naman akong magawa para buhayin sila. Wala akong kakayahang buhayin sila
Isinandal ko yung ulo ko sa sofa at saka ipinikit yung mata ko kasi pakiramdam ko ay maiiyak ako
"Masakit ba ang ulo mo?" Rinig kong tanong ni Dane sa tabi ko
Iniling ko ang ulo ko "may iniisip lang"
Ano bang pwede naming gawin para tumigil na ang mga dark magicians sa pagpatay
"Kumain ka muna"
"Wala pa kaming pagkain"
Kumakalam narin ang sikmura ko pero wala pa kaming nailuluto
"Ella, Rhea, magluto kayo" utos ni Dane
"Wow naman, kung makapagutos ka ahhh, katulong mo kami? Porke't nagugutom lang yang my loves mo eh"sabi ni Rhea kaya tiningnan ko sya ng masama
"Oo nga"sangayon ni Ella
Bigla akong nagpalabas ng mga fire ball na nakapalibot sa kanila kaya naman napatigil sila at parang nanigas
"Mananahimik ba kayo o patatahimikin ko kayo?" Nagbabantang tanong ko sa kanila
"Joke lang, sabi nga namin magluluto na kami" nagtatakbo yung dalawa papuntang kusina kaya na ipikit ko ulit mata ko
"Magpahinga ka kaya muna habang nagluluto pa sila"sabi na naman ni Dane sa tabi ko kaya iniling ko yung ulo ko
Sa tingin ko ay hindi ako makakapagpahinga ngayon ng ayos dahil sa nangyari kanina
Nagiisip ako ng paraan kung paano ko mapapatigil yung mga dark magicians sa pagsalakay sa amin
Nagulat nalang ako ng maramdaman ko na umangat ako sa ere habang may nakahawak sa likod ko at sa likod ng tuhod ko
Agad kong naimulat ang mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na buhat ni Dane at naglalakad sya papunta sa kwarto ko
"Uyyyy ano ba, ibaba mo nga ako!" Utos ko sa kanya pero para syang bingi habang patuloy parin naglalakad papasok sa kwarto ko
"Ano ba!!" Inis na sabi ko sa kanya ng ihagis nya ako sa higaan ko
Buti nalang malambot talaga ito kung hindi ay lagot sya sa akin
"Magpahinga ka nga muna" kinuha nya pa yung kumot ko at saka ako kinumutan
"Ayoko nga"tumayo ako pero tinulak nya lang ulit ako
"Magpahinga ka na kung ayaw mong tabihan kita diyan" banta nya
Agad kong nahawakan ang kumot ko at saka naitalakbong sa sarili ko
Sa tagal ko na syang nakasama ay kilala ko na sya. Ginagawa nya talaga ang sinasabi nya kahit may pumigil pa sa kanya
"Good" narinig ko ang paglalakad nya palabas ng kwarto kaya tinanggal ko yung pagkakatalukbong ng kumot sa akin at saka napatulala sa kisame
Ano na ang gagawin ko? Ako ang prinsesa ng pinakamalakas na kaharian pero pakiramdam ko ay wala naman akong nagagawa
Katulad nalang ngayon, madami na naman ang namatay at wala akong nagawa para buhayin sila
Napakawalang kwenta ko naman na prinsesa!
Agad ko ulit naitakip yung kumot ko sa akin at nagkunwaring tulog ng biglang bumukas yung pintuan
"Sabi ko na nga ba, diba sinabi ko na magpahinga ka pero bakit hanggang ngayon ay gising ka parin"
Inis akong tiningnan sya na nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin
"Pag ba sinabing pahinga ay tulog na agad ang ibig sabihin non? Pwede din naman magpahinga na hindi natutulog ahhh!"
"Wag mo akong lokohin, kilala kita Xarein. Hindi ka makakapagpahinga hanggat hindi ka natutulog kasi kung anu ano ang papasok diyan sa isip mo"umupo sya sa gilid ng higaan ko at saka seryosong tumingin sa akin
Bumangon din ako sa higaan ko at saka seryoso din syang tiningnan
"Sa tingin mo, wala ba akong kwentang prinsesa?"
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Ikaw walang kwenta? Alam mo Xarein, napakahalaga mo sa bawat nilalang dito. Ikaw ang magliligtas sa kanila sa mga kapahamakan na darating. Kanina, kung hindi kayo dumating edi baka mas marami pa ang namatay"
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero guminhawa ang pakiramdam ko at hindi ko napigilan na mapayakap sa kanya
"Thank you" bulong ko
"Mahalaga ka sa lahat, lalo na sa akin. Mahal kita"
Pakiramdam ko ay huminto ang oras ng marinig ko ang sinabi nya at hindi ko inaasahan ang mga salitang kusa rin lumabas sa bibig ko
"Mahal din kita"
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
RandomThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...
