Chen POV
Isang linggo na ang nakakalipas at tulog parin si Ashley. Hindi na namin alam ang gagawin namin para gumising na syaPara syang patay kasi sobrang putla nya tapos hindi pa talaga namin sya nakikitang gumalaw
Mabagal din ang paghinga nya at yon ang pinakakinatatakutan namin. Natatakot kami na baka huminto yon
"Nasaan na kaya si Travis, siguradong magagalit yon pagnakita nya si Ashley sa ganong kalagayan"sabi ni Rhea sa tabi ko
Simula ng mawala si Ashley ay hindi parin namin nakikita si Travis, sinubukan namin sya hanapin pero hindi namin sya nakita.
Nakakapagtaka nga kasi sabay silang nawala pero nahanap na namin si Ashley pero Travis ay hindi pa
Nagaalala na rin kami sa kanya kasi baka napaano na yon. Sigurado kami na dark magicians ang kumuha kay Ashley kaya natatakot kami para kay Travis kasi baka sila rin ang kumuha sa kanya
Kung si Ashley nga ay hindi nakalaban, si Dane pa kaya na invisibility at teleportation lang ang kaya
May alam sya sa pisikal na pakikipaglaban pero kung sa kapangyarihan ang laban ay wala syang magagawa don
Nangako kami na ipaghihiganti namin si Ashley sa mga gumawa non sa kanya at hindi kami titigil hanggat hindi namin sya naigaganti
Magbabayad sila sa ginawa nila sa kaibigan namin at sisiguraduhin namin na maghihirap at magdurusa sya
"Chen, Rhea si Ashley!" Agad kaming napatayo sa sigaw ni Ella na yon at agad kaming tumakbo sa kwartong kinaroroonan nya
Bakit parang bigla akong kinabahan? Hindi! Hindi! Mali yung iniisip ko!
Parehas kaming natigilan ng madatnan namin yung mga tao don na naiyak.
Anong nangyayari? Anong nangyayari kay Ashley
"Bakit kayo naiyak?" Halata sa boses ni Rhea na kinakabahan sya. Nagaralgal narin yung boses nya
Tiningnan ko si Ashley pero wala naman nagbago sa kanya pero nung madapo ang tingin ko sa tiyan nya ay parang unti unti akong nanghina
Hindi nataas baba yung tiyan nya! Hindi sya nahinga!
"Ashley!" Sigaw ni Rhea at saka agad na lumapit kaya sumunod ako
Nandoon si Tita at Tito, si Eshton, Ella at yung ibang hari at reyna. Lahat sila naiyak!
"Kambal ko, gumising ka diyan!" Sigaw ni Eshton
Hinawakan ko yung pulsuhan ni Ashley at don ko napatunayan yung hinala ko. Patay na sya!
Nagumpisa na rin na umiyak si Rhea at kahit ayaw ko ay tumulo rin yung luha ko
Kaibigan namin sya! Kasama namin syang lumaki pero bakit una syang kinuha sa amin!
"Ashley. G-gumising ka" nahagulhol na sabi ni tita Elliza
Niyuyugyog na sya ni Eshton pero hindi sya nabangon, nakikita ko na nagwawala na si Tito Dark
"Magbabayad sila" sigaw ni tito Dark habang hinahagis ang lahat ng madampot nya
Sobra syang nakakatakot magalit at sa itsyura nya ngayon ay parang handa na syang pumatay
"Ashley!" Tawag din ni Ella
"Kambal ko! Wag mo naman akong iwan please! Hindi ko pa kaya! Mahal na mahal kita eh"
"Ashley! Gumising ka" sabi din ni Rhea. Wala syang tigil sa pagiyak at alam ko na kagaya ko ay nanghihina narin sya
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Parang doble yung sakit na nararamdaman ko dahil sa nakikita ko na nagkakaganito si Rhea
"Chen, si Ashley" nahagulhol na sabi nya
Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin yung loob nya kasi parehas lang kami ng nararamdaman.
"Magiging ayos lang ang lahat" nasabi ko nalang
Mahal namin si Ashley kasi kaibigan namin sya. Para na namin syang kapatid!
Kahit alam namin na may second life pa sya ay masakit parin na makita syang mamatay
Pagnamatay sya ay mabubuhay pa sya pero matagal yon bago mangyari
Tiningnan ko si Ashley. Sobrang putla nya, yung mga sugat nya ay magaling na pero yung mga pasa ay hindi pa
Sa itsyura ng mga sugat nya ay alam namin na pinahirapan sya ng gumawa non sa kanya
Walang sinoman ang nakapaggamot sa kanya. Sinubukan namin pero hindi namin magawa
Sinubukan ng maraming healer pero kagaya namin ay hindi nila nagawa kaya nilinis nalang nila yung sugat ni Ashley at may inilagay don na gamot para madali daw yon maghilom
Habang nakayakap ako kay Rhea ay nakatingin ako kay Ashley kaya kitang kita ko kung paano gumalaw yung mata nya
Gumalaw yung mata nya!
Agad akong napabitaw kay Rhea at hinawakan yung pulsuhan ni Ashley at tumitibok ito
"Buhay sya!" Sigaw ko
Para silang na freez kasi lahat sila ay huminto habang nakatingin sa akin at tumigil sila sa pagiyak at walang ingay akong narinig mula sa kanila
Naramdaman ko na gumalaw yung kamay ni Ashley kaya agad akong napatingin sa mukha nya at nakita ko na mulat yung mata nya!
"Buhay sya!" Sigaw ko ulit
Nakita ko na gulat silang nagsitinginan kay Ashley "Ashley!" Sigaw nila
Pero si Ashley ay nakatulala lang sa kisame at walang tinitingnan kahit isa sa amin
"Ashley" tawag ni Rhea at Ella pero hindi sya nito tiningnan
"Anak" tawag din ni tita at tito at agad nila itong niyakap pero hindi ito gumalaw o tiningnan manlang sila
Para pa rin syang patay kahit nakamulat na yung mata nya kasi hindi sya nagalaw
Nananatili syang nakatitig sa kisame kahit wala namang kakaiba don
"Kambal ko" sabi ni Eshton
Nagulat nalang kami ng tiningnan ni Ashley si Eshton at biglang umupo sa higaan nya at niyakap ito at ang sunod nalang namin na nalaman ay naiyak na sya
"Kambal" sabi ni Ashley habang umiiyak
"K-kambal, si D-dane" sabi nya pa
Nagkatinginan kami ni Rhea dahil sa sinabi ni Ashley. Si Dane agad yung hinanap nya
Posible nga na magkasama sila nung mawala sila pero nasaan na si Dane
Hindi ba ito nakatakas? Kung ganon ay kailangan namin sya iligtas kasi baka napaano na nga yon
"Ashley, nawawala si Dane. Hindi pa namin sya nahahanap" sabi ni Ella dito
"Si D-dane"sabi parin ni Ashley
Nagtataka kaming napatingin sa kanya pero lahat kami ay nagulat sa sunod nyang sinabi
"Si Dane, a-anak sya ng hari ng dark kingdom. Isa sya sa mga prinsepe at sya ang mayroong dark magic"
YOU ARE READING
We Are Different (Completed)
De TodoThey thought it's over They thought the enemies are all dead But what if something happens What if the new generations wont survive She is the girl who had the strongest power The girl in the prophecy But what if she fall in love with the enemy What...